Ginanap ang wedding reception namin sa isang mamahaling hotel na pag-aari ng pamilya nina Alex. “Kiss!.. Kiss!” sigaw ng mga imbitado sa kasal namin ni Alex habang pinapatunon nila ang mga baso sa harap nila. Nahihiya akong humarap kay Alex dahil nasa harapan namin ang table ng mga magulang niya. Hanggang ngayun nahihiya pa rin ako sa kanila sa pagtakas ko sa naunsyaming kasal namin ni Alex noon lalo na sa mama niya. Napakabait sa ‘kin ni Mama Alona pero nagawa ko pang saktan ang kanyang anak. Napatingin ako kay Alex nang bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at walang sabi-sabing hinalikan. I close my eyes habang hinahalikan niya ako ng madiin. Pakiramdam ko magsusugat ang labi ko sa diin ng halik niya. When I open my mouth para makapasok ang dila niya nagbago ang kilos ng pa

