This is the first day na makikita ko muli siya. We met before, when i was in college. I was nerd before with an ugly birth mark in my face.
I was very shy and never used to talk to any person I didn't know before, excepts my friends. Pero iba na ako ngayon. Kasama nang bagong mukhang taglay ko ang pagbago nang pagkatao ko ngayon. Pinaayos ko ang mukha ko sa Amerika upang mawala ang birthmark na nagging dahilan ng pagdurusa ko noon. At kahit Nawala man ito, di pa rin Nawala ang sakit na naramdaman ko. Siguro nga tama nga ang kasabihan na Kaylan man ay di mawawala ang sugat sa puso. Mawala man ang pisikal na galos o sugat ay di mawawala ang sugat sa puso.
At ngayong gabi ko sisimulan ang plano. Ito ang gabi na pinakahihintay ko. Sinadya kong magsuot ng damit na alam kong makakapukaw ng kanyang atensyon. Ang suot ko ay isang black mini skirt and white sleeveless na kapag yumuko ako ay halos makikita na ang dibdib ko.
Sabagay iyon naman talaga ang plano ko, ang maakit siya sa taglay kong ganda at kaseksihan. I applied red lipstick before ako lumabas ng comfort room nang isang bar na alam kong nandito sila nang mga barkada niya. Isang bar kung saan tanging mga miyembo lang ang tanging pwedeng pumasok. Ang pagkakaalam ko, tinawag pa itong Millionaire's Club.
Ito ang unang araw ko sa club na ito, hindi bilang isang miyembro dahil di sila tumatanggap ng babae. Sa club na ito, isa akong babaeng bayaran. Tagaaliw sa mga miyembro, at ang tanging lalaking dapat kong aliwin ay siya lamang. Si Alex, wala nang dapat pang iba.
...................................................................................................................................................................................
"Pare, ngayun ang bidding para sa mga bagong lena, sana naman eh maganda at sexy para masaya." Balita sa akin ni Theo bago umupo sa single chair sa bandang kaliwa ko.
"Bakit mag bi-bidd ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, Alex. Kung worth a thousand ba naman, bakit hindi. Eh, ikaw?". Balik na tanong ni Theo sakin.
"No, I don’t go for the bidding. Bakit pa ako mag bi-bidd kung makukuha ko lang din naman sila ng libre through my charm." Maangas kong sagot.
"Lakas talaga nang tiwala mo sa sarili Alex." Naiiling na wika nito. " Ikaw Mikael?" tanong ni Theo sa pinsan nito.
"Nope, pass ako." Maikling sagot nito ng hindi nakatingin sa amin.
"Oo nga pala, Muntik ko ng makalimutan, insan. Loyal ka nga pala sa asawa mo" nakangising wika nito kay Mikael.
"Gago. Di ako loyal dun. Wala lang talaga ako sa mood mag-aksaya ng pera." Sagot nito sabay tungga ng isang baso ng alak.
"Tama na yan.", awat ni Nick kina Theo at Mikael. Nawawala sa mood si Mikael kapag binabanggit ang asawa nito na wala namang pakialam rito.
Bigla kaming nakarinig ng ingay malapit sa stage ng bar kaya napalingon kaming apat doon.
"Mukhang magsisimula na ang bidding." Saad ni Nick. "Oh, san ka pupunta Alex?" Tanung nito ng makita akong tumayo at magsimulang lumakad palayo sa mga ito.
"Punta muna ako nang c.r. Naiihi ako. Bakit, gusto mong sumama?". Nakangisi kung tanong sa kanya.
"Gago!, umalis ka na at baka dito ka pa magkalat." Sagot ni Nick sa akin na halatang nainis sa sagot ko. Masarap itong bruin dahil madali talagang uminit ang ulo ni Nick.
Tumalikod na ako sa mga ito at naglakad papuntang c.r.
..................................................................................................................................................................................
Naglalakad ako sa hallway pabalik sa table namin nang may bumangga sa aking babae.
"Sorry, Sir." Sabi niya sa akin habang nakayuko ito. Natatakpan ang mukha nito ng itim at mahaba nitong buhok. Hindi ko n asana ito papansinin ngunit napakalambing nang boses nito kaya di ko napigilang tingnan ang babaeng nakabanga.
Hindi ako umalis sa tabi niya kaya napilitan itong itaas ang mukha at tumingin sa akin. Napakaamo nang mukha nito. Ang sarap titigan, di nakakasawa. Para siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan. "It's okay. Are you with someone here?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"No, I am not. I am working here. I am a new Lena here." Nakangiti rin nitong sagot sa tanong ko. Damn! ngiti pa lang pero naakit na ako. Lena ang tawag sa mga babaeng i-bibidd dito sa club.
"I see, Kaya pala ngayon lang kita nakita." ngumiti rin ako sa kanya. May sasabihin pa sana ako nang marinig kong nagsalita ang announcer. Mukhang magsisimula na ang bidding.
"Pasensya na pero kaylangan ko nang umalis." nagmamadali siyang tumalikod sa akin at humakbang papuntang stage.
"Wait," Di ko napansin na hawak ko na ang braso niya upang pigilin siya. Takte, ang lambot nang balat niya. Ang sarap haplusin at hawakan. " May I know your name?"
"My name is Kate. Sige alis na ako. Kailangan na ako sa stage eh.” Saad nito. “Hmmmm... yung kamay ko." hawak-hawak ko pa rin kasi ang kanyang braso at parang ayaw ko nang bitawan pa.
"Nice meeting you, Kate." Binitiwan ko na ang kanyang braso.
Kate, napakagandang pangalan. At di ako makakapayag na di siya mapapasakin ngayong gabi. Kung kailangan maglabas ako ng isang milyon piso para sa bidding, gagawin ko, mapasaakin lang siya.