CHAPTER 2

927 Words
EMY “I'm sorry, sir, but i just wait here,” agad kong sagot, sabay iling. “I’m not going to your room. Business lang po tayo. No extra… extra service.” pilit kong inayos ang English ko kahit ramdam ko na nag-iinit na ang tenga ko. Tumaas ang isang kilay niya, pero hindi nawala yung maliit na ngiti sa labi niya. “Relax,” kalmado niyang sabi. “I just need to get the money. That’s all.” Umirap ako ng bahagya. “You can get money here. May ATM dito… or you call someone. I wait. I am very patient… sometimes,” dagdag ko, sabay pilit na ngiti. Sa likod ko, halos mamatay na si Liza sa kakapigil ng tawa dahil sa balu- baluktot kong english. “Hmmm.... strong independent vendor,” bulong ni Liza sa akin. Siniko ko siya nang mahina, dahil baka marinig ng lalaking kaharap ko ang ibinubulong niya sa akin. Huminga ng malalim yung lalaki, tapos tumingin sandali sa paligid na parang nag-iisip. Then bumalik ulit ang tingin niya sa akin. “Alright,” sabi niya. “I’ll have someone bring the money here.” Napakurap ako at napatitig sa kanya. “Someone?” ulit ko. Ibig sabihin may kasama siya Tumango siya, saka may kinuha sa bulsa niya cellphone. Saglit siyang tumalikod at may tinawagan. Hindi ko maintindihan lahat ng sinabi niya, pero halatang utos yun. Maikli. Diretso. Pagkababa niya ng phone, bumalik siya sa harap ko. “Give me ten minutes.” Hindi ko napigilang mapatingin kay Liza. “Liza…” bulong ko, “parang… hindi siya normal na turista. Hindi kaya phidopile yun... Yung alam muna.” bulong ko din kay liza habang tinatakpan ko pa ang bibig ko patagilid. “Hindi talaga. Mukha siyang… mayaman na suplado,” sagot niya, nangingiti. Napabuntong-hininga ako. “Basta pera lang habol ko,” sabi ko sa sarili ko. Lumipas ang ilang minuto, at habang naghihintay kami, hindi ko tinigil ang pagbebenta. “Ma’am, souvenir? Very nice, handmade, made in… uh… my house,” alok ko sa isang pamilya na dumaan. Napangiti sila at may binili pang dalawa. Paglingon ko ulit... nandun pa rin siya. Nakatingin lang. Tahimik. Parang… inoobserbahan ako. Medyo naiilang ako. “Sir, you don’t need to stare. Hindi po ako mawawala,” sabi ko, medyo pabiro pero may konting ilag. “Just watching how you work,” sagot niya. “Ah… I work good. Top seller po ako dito,” taas-noo kong sabi kahit napangiti ako. At ewan ko ba… parang natuwa siya sa sagot ko. Maya-maya lang, may isang lalaking nakapormal na biglang lumapit sa amin. May dalang envelope. “Sir,” sabi nito sabay abot. Tinanggap yun ng lalaki sa harap ko, tapos walang kaabog-abog iniabot niya sa akin. “Count it.” sabi pa niya. Parang nanlaki ang mata ko habang tinatanggap yung envelope. Kasi parang ang kapal ng laman. “Dito ko na po ba bibilangin?” tanong ko. “Yes.” tipid na sagot niya. Dahan-dahan ko itong binuksan… at halos mawalan ako ng hininga. Dahil nakita ko na marami ang laman ng sobre. Hindi ko agad binilang, pero alam kong sobra-sobra yun sa halaga ng paninda ko. “Sir… sobra ‘to,” sabi ko, naguguluhan. “Keep the change.” seryoso niyang sabi. “Ha?! No! No change! I am honest seller,” mabilis kong sagot, sabay balik ng ilan sa pera. “Ito lang po price. Hindi ako nang-i-scam.” nauutal kong sabi. Sandali siyang natahimik. Tapos... Ngumiti ulit, yung ngiti niya na parang natutuwa sa akin na ewan. “Good,” sabi niya. “I like your attitude.” sabi niya sabay ngiti. Hindi ko alam kung bakit… pero parang mas kinabahan ako dun kaysa kanina. Kinuha niya ang lahat ng paninda ko, inilagay sa dala niyang bag. “Thank you, sir,” sabi ko, medyo seryoso na. “Malaking tulong po ito sa pamilya ko.” sabi ko sa kanya. Saglit siyang tumingin sa akin. “See you around, Emy.” Napakunot ang noo ko. Ha? Paano niyo nalaman ang pangalan ko. Pero hindi ko na naitanong sa kanya kasi tumalikod na siya… at naglakad palayo. Iniwan akong tulala at naguguluhan kung paano niya nalaman ang pangalan ko. “EMY!!!” sigaw ni Liza, sabay yuko sa harap ko. “Ano ‘yon?! Sino ‘yon?! At bakit alam niya pangalan mo?!” sunod - sunod na tanong niya sa akin. Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sa hawak kong pera. At sa direksyon kung saan siya nawala. “Hindi ko alam…” mahina kong sabi. "Nagtataka nga rin ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko." Sagot ko, "pero hayaan muna ang mahalaga, pumaldo ako ngayong araw. Kita mo naman ubos lahat ng paninda ko. Maaga akong makakauwi at makakapunta pa ako sa bayan para mamili ulit ng paninda ko para bukas. May pambayad na rin ako sa order ko sa shapi." Sabi ko sa kaibigan ko. " Congrats, friend, iba talaga kapag maganda. Palagi na lang paldo sa paninda, ang dami pang afam na gusto kang bingwitin. Kamusta naman ang kagaya kong di masyado maganda." Kunwaring malungkot ang mukha na sabi pa ni Liza. " Ayos lang yan, sexy ka naman. Alalahanin mo sa katawan tumitingin ang ibang afam hindi sa mukha. Kaya pasok ka sa panlasa nila. " Biro ko sa kanya. Kaya bigla na lang niya akong hinampas ng dala niyang eco bag. "Emy, nakakainis ka na! Grabe ka na sa akin." Reklamo ni Liza kaya bigla akong natawa sa mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD