Kabanata 1

1525 Words
"Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kapatid habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuhan. "Naglaro tayo sa P.E di ba? Alangan namang hindi ako madumihan. Tsaka,  ang hirap maging malinis kung takbo ka ng takbo." sagot naman nito sa akin. Alam kong nagsisingulang ito dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Napailing ako sa kaniyang sinabi kapagkuwan. Alam ko kasing hindi naman siya nadumihan sa P.E kundi sa pakikipag-away kanina. Nakita ko sila ni Laila at alam ko ang ginawa nito sa aking kapatid. Naikuyom ko kaagad ang aking kamao. May araw din sa akin ang babaeng 'yon. Lalo lang niyang dinagdagan ang inis ko sa kaniya. Nagmamaldita ng wala sa lugar. "Lara, masama ang magsinungaling. Hindi ako bulag at nakita kita kanina. Kayo. At patay sa akin ang babeng 'yon." sabi ko sa kapatid. "Hayaan mo na, Laura. Talagang mainit lang ang dugo niya sa akin. Naiinggit siguro." dipensa pa nito. Napabuntong-hininga ako kasabay ng mahinang pag-iling. Kambal kami ni Lara ngunit magkaiba ang aming ugali. Mahinhin siya at pino habang ako naman ay magaslaw. "Tara na nga!" sabi ko na lang at hinila siya sa kamay. Hindi na ako nakipag-argumento pa sa kaniya. Wala rin namang mananalo dahil pareho kaming ayaw sumuko kapag may mga bagay kaming ipinaglalaban. Sumakay kaagad kami ng kakambal ko sa isang tricycle. Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ko ang buong lugar. Ang matatayog na niyog na nasa gilid lamang ng daan at ang malawak na Hacienda ng mga Vergara. Don Fausto Vergara owned half of the land while other half of it owned by the Guererro's. Dalawa sa pinakamayaman sa aming probinsya bukod pa sa hawak din nila ang pulitika at mga negosyo sa lugar. Napakaswerte kung maitututing ng mga mayayaman. Ngunit para sa akin,  hindi nagbabase ang swerte dahil sa pera. You are lucky if you have the right person around you. At para sa akin, ang aking kakambal iyon at ang buo kong pamilya. "Anong iniisip mo, Laura? Kanina ka pa tulala at malalim ang iniisip." tanong ng aking kakambal sa akin. Binaling ko sa kaniya ang aking paningin at napailing. "Wala." sabi ko na lamang. Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti din siya sa akin. Nang makarating kami sa aming baryo ay agad na bumungad sa amin ang lubak-lubak na daan. Kagagaling lamang ng ulan kagabi kaya maputik din iyon. Pumanaog kami ni Lara sa tricycle at nagdesisyong maglakad na lamang. Pinagtitinginan kaagad kami ng aming mga kabaryo ng makababa. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang bawat reaksyon nila kapag nakikita kami ng aking kakambal. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin sila sa aming hitsura. Mukha daw kasi kaming pinagbiyak na bunga. Napapangiti na lamang ako habang naaalala iyon. Dahil hindi naman iyon totoo. Mas maputi si Lara sa akin at mas pangahan ang kaniyang mukha. Habang ako naman ay mas kayumanggi at matigas ang hitsura. "Laura, lagot ako kay Nanay nito." sabi ni Lara sa akin sabay siko sa aking tagiliran. "Ayos lang 'yan. Ikaw pa ba?" sarkastiko kong sagot sa kaniya. Napasimangot siya dahil sa aking sinabi. Natawa naman ako ng mahina dahil doon. Ngunit kagyat lang ay nawala ang aking ngiti sa labi. Totoo naman talaga ang sinabi ko. Si Lara ang paborito ni Nanay. Nang tuluyan kaming makapasok sa bahay ay bumungad kaagad sa amin ang mukha ng aming ina. Nang tingnan ko ito ay agad itong napatingin sa aking kakambal. "Anong nangyari sa'yo! Bakit ang dumi-dumi mo? Naku naman, Lara!" salubong kaagad na sambit nito sa aking kapatid. Kung anu-ano pa ang sinabi ni Nanay habang ako ay nakikinig lamang sa kaniya. Pinapagalitan niya si Lara habang todo ayos naman siya sa hitsura nito. "Aray po, Nanay." reklamo ng aking kakambal. Napanguso ito dahil kinurot ito ni Nanay sa singit. "Ikaw kasing bata ka. Ang sabi ko sa'yo magpakabait ka! Hindi itong, puro ka laro. Tingnan mo ang hitsura mo?" Napakaingay. Napakaingay ng lahat habang minamasdan ko si Nanay at ang aking kakambal. Alam kong pareho naman kaming madumi ngunit hindi ko alam kung bakit siya lamang ang nakikita ni Nanay. Ni simpleng sulyap sa akin ay hindi niya maibigay. Siguro sa susunod ay kailangan ko pang maging mas madumi para mapansin niya naman ako. "Oh! Ikaw Laura. Pwede ba pumasok ka na sa loob. Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan? Pasok!" sigaw ni Nanay sa akin. Pinandilatan pa niya ako ng tingin nang hindi ko siya sinunod at pinagmasdan ko pa sila ng aking kapatid. Gusto kung sabihin sa kaniya na sana ako naman ang pansinin niya ngunit mukhang hindi na mangyayari iyon. Nakatuon na lamang ang pansin nito kay Lara. Napakasakit kung iisipin ngunit wala akong magagawa. "Nanay, mataas po ang marka ko sa Filipino. Mas mataas pa kaysa kay Lara." nakangiting saad ko habang pinagmamasdan si Nanay. Ngunit napalis ang aking ngiti ng hindi man lamang niya ako pinansin. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy na lamang sa aking kwarto. Disisyete na kami ni Lara ngunit parang bata pa rin siya kung ituring ni Nanay samantalang ako... Ipinilig ko ang aking ulo at naupo na lamang sa aking maliit na kama. Hindi dapat ako maging ganito sa aking kapatid. Masama ang maging selosa sa kapwa. Ngunit sadyang hindi ko lamang maiwasan lalo pa at nakikita ko ang pagkakaiba. "Laura!" masayang bati sa akin ni Lara pagkapasok pa lamang niya sa aming silid. Nang itaas ko ang aking paningin sa aking kapatid ay bumungad kaagad ang nakangiti niyang mukha sa akin. Namumungay ang kaniyang paningin at mukhang nangangarap ng gising. "Oh bakit?" tanong ko sa kaniya. Napangiti din ako dahil nararamdaman kong napakasaya ng aking kapatid. "Alam mo, hindi ko pala nasabi sa'yo kanina. Nakikipaglapit na sa akin si Bernard." masayang sabi nito sa akin. Umupo ito sa aking tabi at tinitigan ako. "Tingin ko, manliligaw na siya sa akin. Matagal ko na rin siyang gusto Laura. This is it!" kinikilig pang sabi nito. Napailing ako. Mukhang gusto niya ang hambog na Bernard na 'yon. Napangiwi ako sa isip. Kailangan ko na palang maging bantay sa kapatid ko mula ngayon. "Sigurado ka ba d'yan? Mamaya pala umasa ka sa wala." sabi ko sa kaniya. Tinampal niya ako sa balikat at pinandilatan ng mga mata. "Ano ka ba! Panira rin to!" sabi niya sabay irap sa akin. Napabuntong hininga ako habang inaalala ang Bernard na 'yon. Si Bernard ay kilala ko dahil anak siya ng Governor sa bayan. Gwapo ito at mayaman kaya maraming nagkakagusto dito kabilang na ang kaniyang kapatid. Looks can be deceiving 'ika nga ng iba. Dahil bukod sa gwapo ito ay isa naman itong babaero. "Huy! Bakit ka natulala d'yan? Gusto mo rin ba si Bernard?" tanong nito sa akin. Napailing ako. Diretso ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. Gusto kong makita niya ang sinseridad sa aking mga salita. Gusto ko ring iparamdam sa kaniya na hindi ako nagsisinungaling o anuman. "Hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya Lara. Itaga mo 'yan sa bato." sabi ko sa kapatid bago tumayo at nag-ayos ng aking sarili. Nagtungo kaagad ako sa aming maliit na banyo at naligo. Napakalagkit ko dahil sa paglalaro ng P.E kanina. Nang matapos ay nagsuot ako ng shorts at maluwang na damit. Agad akong hinarap ang aming salamin at inaral ang pag-arte. "Hindi kita, mahal. Mahal ko na si Angelo." sabi ko habang dinadama ang bawat salita sa isang nobela. "Napakasinungaling mo!" sabi ko pa habang umaaktong may sinasampal. Nanlisik din ang aking mga mata at hinayaang dahan-dahang tumulo ang aking mga luha. "Ang galing!" Natatawang napapalakpak na lamang ang aking kapatid habang pinagmamasdan ang aking pag-arte. "Alam mo Laura, sumali ka kaya sa mga reality show o acting workshop. Napakagaling mo talaga." sabi pa nito habang papalapit sa kain. Ngumiti ako sa kaniya at tiningnan siya gamit ang salamin sa aking harapan. Nakangisi siyang yumakap sa aking likuran at sinamyo ang aking buhok ng bahagya. "Salamat Lara." sambit ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa aking harapan at pinisil iyon. "Proud ako sa'yo Laura. Sana ipagpatuloy mo lang ang mga pangarap mo na gusto mong maabot. Hayaan mo na si Nanay minsan. Alam mo naman siguro kung bakit siya ganoon sa'yo hindi ba?" malumanay nitong sabi sa akin. Mapait akong napangiti. Alam na alam ko nga pala kung bakit ganoon si Nanay sa akin. Papaano ko ba makakalimutan iyon? I'm the reason why my brother died. Kung hindi naging matigas ang ulo ko at sumama sa mga barkada noong fifteen pa lamang ako ay hindi sana siya mawawala. Namatay siya dahil napagtripan ng mga tambay sa kanto. "Alam ko, Lara. Pero minsan kasi..." "Hayaan mo na. Ganoon lang talaga 'yon." agaw niya sa aking sasabihin. "Basta ako, susuportahan kita Laura." dagdag pa nito. "Ikaw at ako habambuhay." sabay naming sambit. Napangiti kami sa isa't isa. Napakagaan ng aking pakiramdam ng maghiwalay kaming dalawa. Si Lara ang tanging nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Siya din ang umaalalay sa akin sa lahat ng problema ko sa buhay. "Balang araw magiging sikat akong artista at titingalain ng lahat." masayang pagkumbinsi ko sa sarili. "At ako naman ang magiging sandigan mo sa lahat!" dagdag ng aking kapatid. Napangiti ako. Tama. Si Lara ang magiging sandigan ko sa lahat. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD