Kabanata 3

1805 Words
Ang pinaka-payapang lugar para sa akin sa aming paaralan ay ang rooftop ng eskwelahan. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at napangiti ng nasa bungad na ako ng pintuan. Agad kong binuksan iyon at bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na kalangitan na may magandang panahon. Mas lalo akong napangiti. Sigurado akong magiging maganda ang aking magiging siesta. Umupo ako sa nakasanayan kong pwesto at bahagyang iniunat ang aking katawan. Humikap ako at itinaas ang aking mga kamay para sa mas komportableng pagtulog. Ngunit, pipikit na lamang ako nang may marinig akong mahinang pagkanta. Agad-agad kong nilibot ang aking paningin. Hindi pa ako nakontento at tumayo ako para tingnan kung sino ang kumakanta. Nilibot ko ang lugar at nakita ko si Andrew Guererro, ang kapatid ni Bernard. Hindi ako nagsalita para kunin ang kaniyang atensyon. Tahimik ko lang siyang pinapakinggan habang kinakanta ang isang sikat na awitin ng bandang One Direction. Ngayon ko lamang napagtanto na maganda pala ang boses ni Andrew. Kilala kasi ito sa eskwelahan bilang badboy kasama na si Bernard. Parehong maangas dahil maykaya sa buhay, bukod pa sa anak sila ng Governor. "Masama ang makinig ng palihim. Pwede mo akong sabayan sa pagkanta, Miss Next Best Actress." sabi nito. Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman niya ako nililingon kaya paano niya nalaman na nandito ako? "Hindi no! Ang pangit ng boses mo!" sabi ko sabay talikod sa kaniya. Nilisan ko ang rooftop nang may pagmamadali. Hawak-hawak ko pa ang aking dibdib ng marating ko ang corridor ng eskwelahan. "Laura," Napataas ang kilay ko nang mabungaran ko si Bernard sa may corridor ng Senior High pagkatapos kong makababa. Nag-iisa ito at tila ba may hinihintay. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay saka ko pa lamang siya sinagot. "Bakit?" tanong ko dito. Napakamot siya sa ulo at animo'y nahihiya. Bahagya ring namumula ang kaniyang pisngi at dahan-dahan itong yumuko. "Ahm.. ano kasi.." sabi pa nito sa akin. Nainis tuloy ako sa aking nakita. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong mahilig magpaliguy-ligoy. Yung mga kulang sa tiwala sa sarili at hindi alam kung ano ang gusto. I want a straightforward person. At mukhang, hindi si Bernard ang taong 'yon. "Alam mo Bernard, kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Hindi 'yong para kang bata. Ano ba 'yon?" tanong ko dito. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilang itanong sa sarili kung ano ang nagustuhan ng kapatid ko sa lalaki. Gwapo ito, oo. Ngunit kulang naman ito sa lakas ng loob. Badboy pero tiklop din pala. "Gusto sana kitang, yayain sa canteen. Libre ko." sagot niya sa akin. Bahagya niya na akong tiningnan ngayon. Mukhang determinado siya at tinitigan ang aking mga mata. "Sorry, pero hindi ako sumasama sa mga hindi ko kakilala." sagot ko na lang. Sinadya kong magtunog inis ang aking boses. Dahil ayaw kong kukulitin na naman niya ako. Si Bernard matagal na niya akong kinikulit. Bago pa man magsabi sa akin ang aking kakambal ay lagi na niya akong inaabangan kung saan. At palagi ko rin siyang tinatanggihan. Tumanggi ako kay Bernard dahil  ayaw kong makipaglapit sa kaniya. Kilala siyang pakboy ng eskwelahan at alam kong maraming nagkakagusto dito. Isa pa, iniisip ko si Lara. Gusto siya ng kakambal ko.  I don't want to have a problem with my twin. Kahit ano ay kaya kong magparaya para sa kaniya. Ngunit ang lahat ay may hangganan din pala. Dahil ang sabi kong hindi ako magkakagusto kay Bernard ay hindi natupad. "Laura, napili ka ng school para lumahok sa isang theatre show. Congratulations!" Masayang sabi sa akin ng aking guro sa Filipino, si Mrs. Cruz. "Talaga po?" Masayang tanong ko. Sa lahat ng subject ay sa Filipino ako angat, dahil palaging may play. We act the whole story inside the book and sometimes we write our own story and reinact it. Kaya mas lalong nahasa ang aking talento. Kung minsan din ay sumasali kami ng aking grupo sa patimpalak. "Oo!" Nakangiting saad nito. Iniabot nito sa akin ang isang papel at agad ko naman iyong tinanggap. "Ticket 'yan, papuntang Manila. H'wag ka na ring mag-alala, pwede ka ng lumiban sa klase." dagdag pa nito. Sa sobrang saya ko sa sinabi ni Mrs. Cruz ay nakangiti akong bumalik sa aking classroom. Bawat estudyanteng aking nadadaanan ay napapakunot ang noo. Hindi kasi sila sanay na nakikita akong nakangiti. Ngunit ngayon, wala akong pakialam sa sasabihin nila. Dahil ang saya ko ay nag-uumapaw sa aking puso. "Laura!" Tawag sa akin ng aking kaibigang si Olive mula sa mahabang pasilyo ng High School building. Nang tuluyan itong makalapit sa akin ay nagtataka pa ako kung bakit mukha itong tumakbo ng ilang metro. Pawisan ang hitsura nito habang habol ang paghinga. "Oh, bakit?" tanong ko na nakakunot ang noo. Nakakapagtaka naman kasi ang kinikilos nito ngayon. "Halika sa gym. Dali!" Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ni Olive na makaangal. Hinila niya ako sa aking kamay at kinaladkad patungo sa gym. Sa labas pa lang ay marami ng tao sa loob. Habang ang iba naman ay kinikilig na napapasulyap sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari? Nasagot lamang ang aking mga tanong ng tuluyan akong makapasok sa loob. Si Bernard ay nasa gitna ng gym. May hawak itong bulaklak habang papalapit sa akin. Ngunit hindi sa kaniya naagaw ang aking atensyon. Kundi sa kumakanta sa stage na si Andrew, ang kapatid nito. Hinila ako ni Olive papalapit sa binata. Buong gym ay may desinyong puso habang ang nilalakaran ko naman ay pulang tela na napapalibutan ng maraming lobo. Sa taas naman ng gym ay ang nakasulat na mga katagang I love you, Laura. Nang tuluyan kaming magkalapit sa isat-isa ay agad niyang inilahad sa akin ang dalang bulaklak. Hindi ko man maamin sa aking sarili ngunit kinikilig ako sa ginawa ni Bernard. "Para sa'yo," sabi niya agad. Tinanggap ko iyon at nginitian siya. Siguro nga seryoso siya sa akin pero... "Salamat Bernard, pero sana hindi ka na nag-abala. Hindi mo naman kailangang gawin 'to para pansinin kita." wika ko pa. "Gusto kita, Laura. Sana naman pagbigyan mo ako," sabi nito. Tinitigan ko si Bernard sa kaniyang mga mata. Nakatitig din ito sa akin na may determinasyon. "Sige," tanging naiusal ko na lamang. Napasigaw si Bernard sa tuwa. Maging ang mga eatudyante sa loob ay mukhang natuwa rin sa naging reaksyon nito. May iba na nagpapalakpakan para sa amin. Aalis na sana ako sa lugar nang bigla na lamang akong yakapin ni Bernard. Nagulat ako sa kaniyang ginawa kaya nanlaki agad ang aking mga mata. Natuon din ang aking paningin sa stage at bumungad kaagad sa akin ang mariing tingin ni Andrew. Napakurap-kurap ako sa nakita ngunit ipinagkibit balikat ko lamang iyon. Hanggang mag-sink in sa akin ang lahat. Nang makita sa aking balintataw ang mukha ni Lara. Naitulak ko agad si Bernard. Nagulat siya sa aking ginawa ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Nang libutin ko ang buong lugar ay nakita ko kaagad ang aking kakambal. Namumula ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Umiling ako. Gusto kong pagsisihan ang naging pasya ko tungkol kay Bernard. Ngunit, kitang-kita ng aking mga mata ang panibugho sa akin ng sariling kapatid. Tumakbo siya palabas ng gym habang ako naman ay mabilis din siyang sinundan. Hapon na kaya malaya kaming gawin ang lahat ng nais namin sa school ground ng walang pumapansin. "Lara!" tawag ko sa kaniya. "Lara sandali!" Tumigil ako sa pagtakbo ng tumigil din siya. Napahawak ako sa aking tuhod at habol ang aking paghinga. Ngunit saglit lang ay mabilis ko siyang nilapitan. I instantly felt guilty when I saw her face red. It was already in tears and it pained me more. "S-Sorry," sabi niya agad ng magkaharap sila. Tumango ang aking kakambal sa akin at hindi na nagsalita pa. Tiningnan ko siya sa mukha ngunit umiwas lang ito ng tingin sa akin. Alam ko na agad na galit siya. Napabuntong-hininga ako. Ang gulo-gulo lahat ng mga nangyayari. Nang dahil kay Bernard nagulo ang lahat sa akin. Maging ang relasyon sa aking kakambal. "Mauna na ako sa'yo, Laura. Baka may gagawin ka pang importante." wika nito matapos ang ilang sandali. Hindi pa rin siya makatingin sa akin kaya hinayaan ko na. Tumango ako at napabuntong-hininga na lamang habang pinapanood ang aking kakambal na umaalis. Nasasaktan ako para sa kaniya ngunit mas masasaktan ako para sa sarili ko. Kasi alam kong ngayon pa lang may espesyal ng damdamin akong nararamdaman para kay Bernard. "Bakit mo naman ako iniwan d'on?" agaw sa kaniyang pansin ni Olive. Hinihingal din ito nang harapin siya. "Pasensya na, sinundan ko lang kasi si Lara. Pero, hindi ko na naabutan. Nagmamadali yata." sagot naman niya sa kaibigan. Nang tingnan niya ang likuran nito ay nakita niya sina Bernard kaya mabilis niyang hinatak ang kaibigan palabas sa school campus. "Hoy! Ang sakit ah, Bakit ka ba nagmamadali? Lintek na 'to." reklamo nito. "Basta," sagot ko na lang. Nang makarating kami sa tahimik na corridor ay saka pa lang kumalma ang nag-huhurumentado kung puso. Natatakot ako na kinakabahan. Hindi ko talaga alam. Naguguluhan ako. "Infairness ah, nag-effort ang manliligaw mo." sabi ni Olive. Kakatigil niya lang sa paglalakad ngunit iyon na agad ang bungad niya sa akin."Nyeta! Ikaw lang pala ang makakapagpatino sa badboy? Haba ng hair..." dagdag pa nito at nakakalokong ngumisi. Sinimangutan ko ang kaibigan at napanguso. Tinitukso na naman ako nito kay Bernard. Si Olive ang siyang tulay ni Bernard para ligawan ako. Matagal na rin niyang ginagawa ang mga bagay na nakakakilig para sa mga babae. Kaya hindi ko maiwasang maging masaya kapag pinaparamdam niya sa aking espesyal ako. Sa loob ng dalawang taon namuhay akong malungkot dahil sa pag-ayaw ni Nanay sa akin. Tanging si Lara lang ang sandigan ko. At nang dumating si Bernard at ligawan ako, nakaramdam ako ng kakaibang saya. Ngunit kaakibat naman noon ay isang hindi maikakailang pag-aalala. Nang makarating ako sa bahay ay agad kong pinuntahan si Lara. Hindi ko na pinansin ang pagbubunganga ni Nanay sa akin. Sanay na naman ako. At masasanay pa sa mga susunod na araw. Nakita ko kaagad ang kapatid na nakahiga sa kaniyang kama. Nakatalukbong ito ng kumot at mukhang wala ng balak bumangon pa. Agad ko itong nilapitan at umupo sa kaniyang kama. "Lara," sabi ko agad at niyugyog ang kaniyang balikat. Kumilos ito ngunit hindi man lamang nagsasalita. "Hindi ko siya sasagutin." Tanging nasabi ko na lang. "Sagutin mo, hindi ako magiging hadlang sa'yo Laura. Kapatid kita kaya mahal kita." sagot niya sa alin. Tumagilid siya at hinarap ako. Kitang-kita ko ang mapupulang mata niya na galing sa pag-iyak.  "Pero, gusto mo siya di ba?" tanong ko sa kaniya. "Gusto ko nga hindi naman ako gusto. Ayaw kong maging martir, Laura. Mawawala din 'to." sagot niya sa akin. Tumango ako sa sinabi ni Lara. Kahit hindi ako sigurado ay sinagot ko si Bernard. Nagtiwala ako sa mga salita ng aking kapatid dahil alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hinding-hindi. @sheinAlthea  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD