Naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagkalas ng mga braso ni Yohan sa akin. Ang unti-unting pagpulupot ng isang tuwalya sa aking hubad na katawan at ang paggiya sa akin para maupo. "I'm sorry," sabi nito. Iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko kaagad ang awa sa kaniyang mga mata. Pinunasan niya rin ang aking basang pisngi gamit ang kaniyang kamay. Habang hinahalikan ako ni Yohan kanina ay hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako. Na sa lahat nang ginawa ni Bernard sa akin, may puwang pa rin siya sa puso ko. Akala ko kaya kong gawin ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. Akala ko sa pamamagitan ni Yohan ay makakaganti na ako sa lahat ng panloloko niya sa akin. Akala ko kaya kong gawin ang pakikiapid

