Chapter 10
TANGLED HEARTS
Isang linggo na lang bago ang local exhibition, I finally decided to paint the different phases of the moon representing a different stage in someone's life. Syempre dedicated din ito kay Liam for revealing that he is Eclipse, and he revealed also na he is preparing a concert for his 6th year debut anniversary. Late nga lang ang naging schedule dahil marami pa silang mga nakahilerang commitments na tinapos. We are constantly seeing and having a deep conversation about our love for art and music, as per Jake, ilang weeks na ang nakalipas at hindi na siya dumadaan dito.
Kinakabahan na ako sa kalalabasan nito, kung magiging maganda ba 'to, magugustuhan kaya ito ng mga tao. May dalawa na akong natapos, syempre ito ang pinaka highlight.
"Ganda naman niyan, ate." puri ni Lily habang pinapanood akong mag-paint.
Medyo gahol na ako sa oras kaya dinadala ko na dito sa coffee shop ang materials para ipagpatuloy ang pagpipinta.
"Salamat." sagot ko, pilit na ngumiti kahit kinakabahan. "Sana magustuhan talaga 'to ng mga tao sa exhibit."
Napakunot-noo si Lily at napatingin ng malalim sa painting. "Ano bang ibig sabihin ng iba't ibang phases ng moon na yan, ate? Parang ang lalim ng konsepto."
I took a deep breath, preparing to explain. "Yung iba't ibang phases ng moon, nire-represent nila yung iba't ibang stages ng buhay ng tao. Tulad ng new moon, nagsisimbolo yun ng simula, parang pagkabata. Habang lumalaki yung buwan, nagpapakita naman yun ng pag-unlad natin bilang tao."
"Ah, gets ko na," sabi ni Lily, tumango-tango habang iniintindi ang sinasabi ko. "Tapos yung full moon, ibig sabihin yun yung peak ng buhay natin, tama ba?"
"Oo, ganun nga," tugon ko, tuwang-tuwa na naintindihan ni Lily ang konsepto. "Tapos habang lumiliit ulit yung buwan, simbolo naman yun ng pagtanda at pag-reflect sa buhay natin. Parang cycle lang ng buhay."
"Ang galing mo talaga, ate," sabi ni Lily, ngumingiti. "Ang lalim ng meaning ng painting mo. Paano mo naisip gawin yan?"
I looked thoughtful, remembering the inspiration behind my work. "Na-inspire lang ako ng mga bagay-bagay, lalo na sa mga nararamdaman ko. At saka, gusto ko lang talaga gumawa ng something meaningful na makaka-relate yung mga tao."
"Sigurado akong magugustuhan nila 'yan," ani Lily, puno ng pagtitiwala. "Parang may personal touch kasi, eh. Yung parang hindi lang basta painting, kundi may kwento sa likod."
I smiled, feeling a bit more reassured. "Sana nga. Gusto ko lang talagang mag-share ng something na meaningful."
Lily continued to look at the painting, her curiosity piqued. "Ate, kanino mo ba dedicated itong painting na 'to?"
Agad akong nakaramdam ng kaba, wala siyang ka-ide-ideya na ang idol niya ang inspirasyon ko sa painting na ito. Saglit akong napa-isip ng idadahilan. "Para sa lahat ng dumadaan sa iba't ibang stages ng buhay nila. Lalo na sa mga taong naging inspirasyon ko."
"Wow, ang dami mo sigurong na-inspire," sabi ni Lily, humanga. "Salamat sa pag-share ng kwento mo, ate. Ang galing mo talaga."
I felt relief and a sense of calm wash over me. I'm grateful for Lily's support though. "Salamat din, Lily. Malaking tulong ka talaga. Sana rin, ma-inspire ka sa mga balak mong gawin."
"Totoo 'yan, ate," sagot ni Lily, ngumingiti. "Para sa mga pangarap natin."
I looked at my painting again, feeling a renewed sense of determination. "Para sa mga pangarap natin, Lily. Para sa lahat ng pinapangarap nating gawin at maging."
Lily nodded, her eyes shining with admiration and determination. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ate, napansin ko lang, di ko na nakikita si Mr. Pogi dito sa coffee shop."
Napakunot-noo ako at nagtaka. "Ha? B-baka busy lang siya sa mga ginagawa niya."
"Siguro nga," sabi ni Lily, may halong lungkot sa boses. "Na-miss ko na rin kasi yung mga times na nagta-tambay siya dito, siguro ate, may crush din yun sa akin at kaya siya hindi pumupunta dito this past few days kasi nahihiya siya. Diba may kasabihan na kapag nahihiya ang isang tao sayo, may pagtingin siya."
Napatigil ako at bahagya siyang tinignan. Nung mga nakaraang araw kasi, napapa-aga siya sa pagpunta dito upang hintayin ako at sabay na kaming umuwi, nagkakaroon ng pagkakataon si Lily na makapag-usap sila. Bilib din ako sa babaeng 'to, gagawin ang lahat para mapansin lang siya. I felt a pang of jealousy but tried to hide it.
"Ah, ganun ba?" Nasabi ko na lang, kahit anong pilit kong itago, I sounded jealous.
"Yeah, sobrang bait niya pa. Tsaka ang galing pa kumanta," dagdag ni Lily, na may ningning sa mga mata. So, kinantahan niya pa pala, sana lang hindi siya nabisto na magkapareho sila ng boses ni Eclipse. "Nakakahanga talaga siya. Pero sayang, di na siya masyadong pumupunta dito."
I just forced a smile, trying to keep my emotions in check. "Siguro busy lang talaga siya. Alam mo naman, marami rin siyang responsibilities in life."
"Oo nga, ate," sabi ni Lily, na parang tinanggap na ang sagot ko. "Pero sana dumalaw siya ulit dito. Namimiss ko na yung mga kwento niya."
I tried to steer the conversation back to a neutral topic. "Baka naman magulat ka na lang, bigla siyang pumunta dito. Sa ngayon, focus na lang muna sa exhibit. Malaking bagay rin na maayos ko lahat para maging successful."
"Oo nga, ate. Excited na rin ako para sa exhibit mo. Alam kong magiging maganda ang lahat ng paintings mo," sabi ni Lily, muling nagbigay ng encouraging smile sa akin.
I felt a bit better, but the tinge of jealousy lingered. I knew I had to stay focused on my work and not let my emotions get the best of me. "Salamat, Lily. Sobrang na-appreciate ko ang support mo."
"You're welcome, ate," tugon ni Lily. "In-inspire mo talaga ako. Kaya magtutulungan tayo para sa mga pangarap natin, di ba?"
"Oo naman," sabi ko, trying to shake off my jealousy and focus on the positive. "Para sa mga pangarap natin."
As we continued talking about the upcoming exhibit, I couldn't help but think about Liam. Mukhang delikado na ako, but it's too early and masyadong komplikado.
***
"Ready ka na ba bukas?"
I exhaled sharply. "Kinakabahan ako."
Sumandal siya sa upuan, nagiging tambayan na namin 'tong outdoor patio na ito. "Gusto ko sanang pumunta kaya lang may event ako bukas. Wrong timing." dugtong niya, halos bulong na yung huli niyang sinabi ngunit narinig ko pa rin.
"Pwede ka namang humabol." Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingala sa madilim na langit. "Besides, matutuwa si Lily kapag nakita ka 'don."
Napangiti siya, pero parang may kakaiba sa kanyang mga mata. "Lily, ha?" tanong niya, sinasabayan ng tawa.
"Oo." sagot ko, pilit na ngumiti rin. "Lagi ka niyang hinahanap, alam mo namang crush ka 'non."
"Lily is a sweet girl, and I appreciate her feelings," sagot ni Liam. Sandali siyang tumahimik. "Why do I feel like you're jealous?"
"A-ako? Bakit naman ako magseselos?" Tumawa ako ng bahagya, kahit alam kong gusto kong marinig ang sagot. "Kaibigan kita, Liam at kaibigan ka na rin ni Lily. Natural lang na matuwa siya kapag nakita ka niya."
"Hanggang magkaibigan na lang ba talaga tayo?" Tanong niya, biglang naging seryoso. "I know, there is Jake in the picture, and I don't want to pressure you. But I can't help it..."
Napako ang tingin ko sa kanya, naramdaman ko ang bigat ng mga salita niya. "Liam, alam ko mahirap ito. Ang dami nating iniisip pareho."
Huminga siya nang malalim at nagpatuloy, "I know that Jake is courting you. Pero nagiging iba na ang nararamdaman ko para sa'yo, Harmony. Hindi na bilang kaibigan lang."
Napayuko ako, pinag-iisipan ang bawat salita niya. "Liam, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ang daming gumugulo sa isip ko."
Hinawakan niya ang kamay ko, marahan pero may tiyak na damdamin. "Hindi kita gustong madaliin. Gusto ko lang malaman mo na nandito ako, naghihintay. At kung darating man ang panahon na mapagdesisyunan mo na, sana ako ang pipiliin mo."
"B-bakit ako?" tanong ko, naguguluhan. "Bakit hindi na lang si Lily? She'll be happy if she'll know na yung pinakamamahal niyang si Eclipse at yung crush niya ay iisa."
Tumawa siya ng bahagya, pero seryoso pa rin ang mga mata. "Kasi ikaw na ang laman nito." He pointed his left chest. "Ikaw ang nagpapasaya sa akin, ikaw ang nagbibigay kulay sa buhay ko. Kahit na masakit makita kang kasama si Jake, handa akong maghintay."