Air's POV
Hay sa wakas tapos na ung klase.
Grabe, half day lang kami ngayon pero halos binugbog kami dahil sa pagod.
Ang dami kasing pinagawa ng teachers namin ngayong araw, papalapit na kasi ang Foundation namin
Umupo muna ako sa may bench
Inaantay ko sila Matt, pupunta raw kasi kami ngayon sa bahay ko para ginawa ng projects namin sa mga teacher na akala mo siya lang ang subjects namin para mag pagawa ng pang buong quarter na project
Tinitignan ko ang napaka gandang langit
I can't imagine that God gave us this beautiful view.
Pero medyo hindi ko maenjoy dahil kahit halos nasa gitna itong school namin dito sa city ay hindi pa rin halos matanaw ang nasa labas
Dahil ito sa mga pader na nakapalibot sa city na ito
Well, this city is built by the government, para daw ito saamin na mga walang magulang.
Basta ang tanda ko lang noong grade 6 ako inilipat kami rito ng kapatid ko na si Mio na pre-school pa lang
Grade 10 na ako ngayon at si Mio ay grade 5 na
Pinasok kami ng mga kasamahan namin sa kumbento dito, sabi nila Father mas magiging maganda raw ang buhay namin dito.
Paminsan minsan nuon ay dinadalaw nila kami pero ngayon ay parang naging mahigpit ang namamahala rito sa city kaya hindi na sila nakapasok
This place will keep you safe, ayan mismo ang sinabi samin noong pagpasok pa lang namin dito
At ayon naman ang nararamdaman namin, halos normal nga kami na namumuhay dito, we have allowance, tapos isa talaga itong city
May malls, dalawang school , iba't ibang pasyalan at ung malaking hospital malapit sa gate 7 at napakarami pa
May condo rin kami na sagot ng pamahalaan ang bayad maging ng kuryente at tubig
Pero ang kapalit lang daw nun ay dapat mag tratrabaho kami rito pagkatapos namin grumaduate ng tatlo hanggang limang taon
Well pwede na rin
Dahil halos buong buhay namin sila na ang katulong namin eh
Hindi ko napansin na napaka tagal ko na palang nakatitig sa mga pader na iyon
Narinig ko ang tawag saakin ni Shane habang natakbo, hawak hawak niya ang kamay ni Renz habang natakbo
Tsk, tsk,
Itong dalawa na ‘to ayaw pang umaamin
Hindi ba nila alam na mukhang sila na talaga? Sapakin ko to eehh
Si Bash naman at Matt ay nasa likod nila
Papunta rin sa direksyon ko
Tskk, ayan na ung mga ka groupmates kong kumag
Kita ko na may hawak hawak silang mga shake, tsk, dumaan pa talaga sa canteen, sabi mag c-cr lang daw!
Huwag na lang talaga mag paniwala sa excuse na yan!
“Tsk ang tagal niyo” sabi ko sa kanila noong nakalapit na sila saakin
“Sorry” sabi ni Shane at nag pout sakin
Hinila ko naman ang nguso niya
Tumawa lang kami ng malakas dahil sa ginawa ko
Agad ko naman siyang inakbayan, inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya kay Renz
Bago maging sayo to si Shane akin muna to nohh!
Best friend niya akooo!
Naglakad na kami papunta sa bahay ko, malapit lang naman ito sa school kaya okay lang na lakarin
Nagulat ako ng biglang humarang si Matt sa harapan ko
May inabot siya saakin na shake
“ ohhh, bayaran mo na lang sakin mamaya “ sabi niya saakin na ikinataas ng kilay ko
Tinaggal ko naman ang pag nakaakbay ko kay Shane at tinanggap ang Shake na ibinigay niya
“Huh? Sabihin mo libre mo kamo” sabi ko sa kanya at ngumiti “ thanks” sabi ko at binuksan na ito at ininom
Kita ko naman na kinuha na naman ni Renz si Shane hindi na ako umaangal
Nasa tabi ko na rin si Bash na busy sa kanyang cellphone, hmm? Nag iintay na naman ang kuya niyo sa update ng boy group niya
Nakita ko ang Shake ni Matt na iniinom niya
Hmm? Next target
“Penge” sabi ko kay Matt tinignan niya lang ako tas deretso na sa pag inom ulit
“Takte ka! Ang damot moo!” Sabi ko at binatukan siya
Muntik siya na mabilaukan pero napaubo na lang siya kaya tumawa na lang ako sa kanya…
Inabot niya na saakin iyong shake niya… tinikman ko naman ito at nalasahan ko na parang coffee ung flavor nun
Idinura ko lang
“Yan takaw mo kasi ehh” sabi ni Matt sakin
Inirapan ko lang siya at sinimangutan
Inabutan niya naman ako ng panyo at kinuha muna ung dalawang shake na nasa kamay ko
Pinunasan ko naman ang mukha ko
Isang kanto na lang ang bahay namin
Pero napatigil kaming lahat noong may lalalki na nag hahalungkat sa basurahan
Bro, walled city ito and lahat dito ay binibigay ng gobyerno
So why the freak that man need to find something in the garbage?
Pati si bash na busy mag phone kanina ay napahinto rin
Malamang lahat kami mag tataka, Sinusutento kami ng goverment so I don't think so that someone here in the walled city need to do that
Ito naman na tarandadong Matt ay binato si kuya ng shake na hawak niya
At dahil doon ay maagaw namin ang atensyon ng lalaki
Doon namin nakita ang itsura niya
White eyes, halos namumula ang mga ito
Mga ugat nakabalot na sa kanyang mukha at may daliri pa na naiwan sa kanyang bunganga ng umungol siya ng pag kakalakas lakas
Tumutulo rin ang dugo mula sa kanyang bibig
What the heck
Hindi namin alam ang gagawin namin hanggang sa sinabi ni Bash na
“Takbo!” Sabi niya at tumakbo na kami sa isang side ng daanan
Buti na lamang at napakalapit na namin sa bahay ko!!
Tumakbo lang ako hanggang sa nakita ko noong papalapit na kami sa bahay ko
Pero napahinto ako ng makita ko na sa medyo kalayuan sa kinatatayuan namin
May isang kumpol ng mga tao na papunta sa'min
Agad kaming pumasok sa gate nuong bahay
Naka-lock ung pinto at hindi ako pinagbubuksan ni Mio ng pinto
“ Mio! Mio, buksan mo to please!” Sabi ko hanggang hinahanap ung susi sa nag ko
“Air!!!” Sabay sabay na sigaw nila saakin
Nakapa ko na ito at nakuha
Rinig ko rin ang pag lapit ng mga yabag papunta sa amin
Natataranta ako kaya hjdni ko maipasok ang susi
Kita ko na lahat sila ay malapit na sa gate namin
Hanggang sa
Nabuksan ko na ang pinto
Lahat kami ay nagmadali na pumasok, sakto naman ang pag damba nila sa gate namin pero buti nalang at medyo malaki ang gate kaya walang nakapasok sa kanila
Lahat kami ay bumagsak sa sahig
Nung nakita ko si Mio na nakahiga at tulog sa may sala, duon pa lang ako nakahinga ng maluwag
Tinignan ko silang lahat
Halos pare pareho kami ng reaction,
At siguro maging ng kung ano ang mga nasa utak namin
“W-what, what the f**k is that?”