Tumingin ako sa kanya ng seryoso. " Sa totoo lang ay kanina ko pa iniisip na parang nagkita at nagkasama na tayo pero wala akong matandaan, " pag-amin ko sa kanya. " Anong ibig mong sabihin? Pareho tayo na nag-iisip na parang nagkita na tayo? " nagtataka niyang tanong sa akin. Napatango ako sa kanyang tanong. Tumitig siya sa akin na para bang sinisigurqdo niya na nagsasabi ako ng totoo. Ano ang akala niya sa akin, sinungaling? " Kumain na tayo habang nagkwekwentuhan, " sabi ni Mayor Roger sa amin. Nagung maayos naman ang selebrasyon ng paggaling ni Samuel. Iting selebrasyon na ito ay nagmistulang pagpupulong ng mga malalaking tao. Kaninang matapos kaming kunain ay agad na tumayo si Mayor Roger at ang kanyang asawa para mag-ikot sa mga bisita. May kanya-kanya silang mga us

