Nagising ako na nakahiga sa loob ng aking kwarto. Napabangon ako ng mapansin ang suot ko na pajama at puting v-neck na shirt. Paano na naman ako napunta dito? Iniuwi ba ako ni Hendrick? Humiga ako muli at tumitig sa kisame. Last night's memories field my mind. Si Jamin, si Merissa, ang divorce at aksidente. This is too much to take. Naibalik lamang ako sa normal ng kumatok ang kapatid ko. "Ate?" dungaw niya sa pintuan. Nilingon ko siya. "Yes, King?" tanong ko. Binaba ko ang aking paa sa malamig na sahig at sinuot ang tsinelas. Pumasok ang kapatid ko at sinara ang pintuan. Napatingin naman ako sa ekspresyon niya. Na parang namamangha siya sa akin. "Who's the guy that took you home last night? And why are you drunk?" Nagulat ako sa biglang

