"Jamin!" sigaw ko habang sinusundan siya. Naiirita ako dahil hirap na hirap akong habulin siya dahil sa buhangin. Lalaking lalaki pa naman ang kanyang hakbang. "Fuck..." mura ko at humakbang muli ng malaki para masundan siya na unti-unti ng nakakalayo. Saan ba 'to pupunta? "Benjamin!" Hindi ko namalayan na may kahoy na nakaharang sa daan at natapilok ako roon. Mabilis akong bumagsak sa buhanginan at napahawak sa paa ko. "s**t. Ang sakit!" hinipan ko ang sakong ko na may sugat. Wala na akong pakialam kahit na mawala si Jamin dahil mahapdi na ito lalo dahil sa buhangin. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili para magamot ito sa aming room. Uuwi rin naman siya kaya makakausap ko pa rin naman siya siguro. Iyon ay kung di pa ako makatulog

