Twenty-four

1055 Words
Twenty-four "Parang gusto na akong tirisin ni Gage!" natatawang sabi ni Quinn. Natigilan ako sa pagpipinta at napilitang tignan si Gage na nasa sala ng mansion. Dahil salamin ang harang tanaw na tanaw roon ang lalaking nakasimangot at pinapanood kami. Malapit na akong matapos sa pagpipinta, si Quinn ang inspirasyon ko ngayon para tapusin iyon. Napakaganda nito at nais kong makita ito sa isa sa aking mga obra. "Nasaan na 'yong ibinigay ko sa'yo?" "Nasa bulsa ko, mukhang effective talaga iyon. Kelan mo ako ulit bibigyan?" tanong ko rito. Ibinaba ang brush at sinilip si Quinn na waring ngawit na ngawit na umayos ng upo. "Kapag wala ang boyfriend mo!" napangiti ako sa sinabi n'ya. Boyfriend? Na-realize ko na marami pa pala akong hindi alam pagdating sa mga bagay-bagay. Tulad ng pakikipagrelasyon. Ipinapaliwanag naman ni Gage iyon sa akin, nakakatuwa nga dahil mahaba ang kanyang pasensya pagdating sa akin. "Napaghahalataang mahal na mahal ka ng lalaking 'yan, ikaw rin mahal mo na 'no?." "Mahal? Paano mo na sabi? Mahal ko si Gage, Mahal kita, Mahal ko ang lolo ko, si Princess, si Rosalinda!" mabilis itong umiling. "Magkaiba iyon, mahal mo ang isang tao romantically! Tulad ng sa inyo ni Gage, baka hindi mo pa napapansin or medyo hindi pa malalim pero kung nagsisimula ka ng ma-attached, masaya kang masama s'ya, s'ya na ang nagiging rason mo sa paggising mo sa umaga, s'ya na ang dahilan ng mga ngiti mo, sinasabi mo ring mahal mo na s'ya hindi na lang basta mahal 'yan, iba na 'yan." "Ikaw? Mahal mo na ba si Kuya Abe?" natigilan ito pero nakuha pa ring ngumisi. "Magkaiba kasi ang relasyon namin ni Abe sa inyo, ginagawa lang namin ito para sa taong mahal namin. Kayo ni Gage, walang sabit!" "Naguguluhan ako, itatanong ko na lang kay Gage 'yang mga ganyan!" "Tapos na ba?" tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango. "Kapag okay na ito, ipapadala ko sa'yo." "Thank you!" "Ako ang dapat na mag-thank you, kasi pumayag kang ipinta kita." "Hay naku! Sana lahat katulad mo!" "Katulad kong mahina?" "Katulad mong may mabuting puso. Sige na, uuwi na muna ako tapos puntahan mo na si Gage!" sabi nito. Tumango ako at tinawag si Rosalinda upang ayusin ang mga ginamit ko. Nang makaalis si Quinn, excited na pumasok ako sa sa kabahayan at lumapit kay Gage na nakasimangot. "Mas marami pa kayong oras ni Quinn!" nakasimangot na sabi nito. "Kapag magkasintahan ba, dapat mas marami 'yong oras sa'yo?" "Oo!" mabilis nitong sagot. "I'm sorry!" mabilis kong sagot. Hindi ko naman alam na ganoon pala iyon eh. "Tsk, come here!" lumapit ako rito at umupo sa katapat na couch pero mas lalong sumimangot ang lalaki. "May nagawa pa ba akong mali?" worried na sabi ko rito. "I mean, here! Here in my lap!" sabi nito na bumuntonghininga pa ng makita akong napatango-tango at mabilis na umupo sa tabi nito. "Why so naive?" nangingiting sabi nito ng sulyapan ko ito. "Am I?" tumango ito na waring pinipigil pa ang sariling matawa. "Then what should I do to become your better 'kasintahan'?" I want to be a better one. Napakabuting tao ni Gage, gusto ko maging dahilan ako para maging happy na rin ito after what my Mother did to him. "Smile, be happy and forget all your worries!" tugon nito sabay haplos sa pisngi ko. "Puro naman sa akin iyon, ano ang pwede kong gawin para sa'yo?" may pilyong ngiti sa labi nito pero agad rin iyong nawala at mabilis itong umiling. "Wala? So ibig sabihin hindi mo naman pala kailangan ng kasintahan!" "Kailangan kita!" mabilis nitong sagot. "Dito ka lang!" mabilis akong tumayo at halos takbuhin ang silid. Tatawagan ko si Princess, gusto kong humingi ng advice rito. "Naz?" "Princess, pwede bang magtanong?" "Oo naman!" "Paano ba mapapasaya ang isang kasintahan?" sunod-sunod na napaubo si Princess sa kabilang linya. Nagtataka marahil sa tanong ko. "Para sa'yo ba ang advice na ito?" natigilan ako. Tiyak na hindi nito magugustuhan kapag sinabi kong oo, alam ni Princess ang nakaraan ni Gage sa aking ina. Hindi ito matutuwa. "Hindi, para sa bagong kaibigan ko." "Akala ko naman sa'yo na, ano bang klaseng advice?" "Gusto n'ya kasing pasayahin ang kasintahan n'ya!" "Naku sabihin mo lang sa kaibigan mo halikan n'ya lang ang kasintahan n'ya." Pabirong sabi nito. Akala yata ni Princess nagbibiro ako. Pero seryoso ako. Halikan? "Sige, ba-bye na!" mabilis kong sabi at tumakbo muli patungo kay Gage. Nasa sala pa rin ito, salubong na naman ang kilay at nagtataka sa biglang pag-alis ko. Excited na muli akong umupo sa lap nito. "Alam ko na ang gagawin ko!" hinawakan ko ang pisngi nito at inilapat ang labi sa labi ni Gage. Ilang segundo lang ay inialis ko rin iyon sa pagkakalapat. "What is that?" "Hindi ka happy?" takang sabi ko rito. Bumuntonghininga ito. "Hindi kasi iyon ang proper way!" kinabig nito ang batok ko at mariing inilapat ang labi sa labi ko. I just let him kissed me. Ginawa n'ya na rin ito sa akin, hindi ko man gamay ay ikinilos ko ang aking labi sa paraang katulad nito. Mabilis nitong hinawakan ng isang kamay ang bewang ko. Habang ang isa ay nasa parte ng ulo ko. Ang labi nito ay unti-unting nagtungo sa leeg ko. Iniwan ang labi kong pakiramdam ko ay kumapal sa mariing halik nito. Napakapit ako sa bewang nito. "I need to stop!" hirap na sabi nito. Nahihirapan na naman ba s'ya? Ako ba ang dahilan? "May mali ba akong nagawa? Baka may hindi ako nagawa?" napabuntonghininga si Gage at waring sumakit ang ulo dahil minasahe n'ya pa ang kanyang sintido. "G-age?" nakaramdam ako ng lungkot. Kailangan ko pang mag-aral para maging mabuting kasintahan nito. Sino naman ang magiging guro ko? Napabuntonghininga ako at waring maiiyak na sa frustration. "Heay, it's okay! Kailangan lang nating huminto kasi baka hindi na ako nakapagtimpi!" "Bakit kailangan mong magtimpi? Hindi naman kita pinapahinto!" sabi ko rito. "Oh gosh, Nazneen! My innocent girl!" kinabig ako nitong muli at inilapat ang labi sa batok ko. "Ituturo mo ba sa akin ang mga dapat kong matutunan? Kasi kung hindi, pwede bang mag-hire ka ng magiging teacher ko?" hindi na yata nito napigili ang malakas na tawa. Halos mag-echo pa iyon sa loob ng mansion. "Oh gosh, you really made my day!" nakangiting sabi nito. Napangiti na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD