SEVEN

1056 Words
SEVEN Abala ang lahat. Nagseset-up ang mga kasambahay sa pool area ng mga table and chairs. Wala si Gage, ayon sa kasambahay nasa office raw at mamaya pang alas sais ang dating. Nang umalis ang kasambahay sa harap ko upang ipagpatuloy ang ginagawa n'ya nagtungo ako sa sala. Pero para akong natulos sa kinatatayuan ng mapansin ang dalawang babaeng naka upo sa couch at waring komportable sa lugar. "Ohhh---who are you?" Nanlalaki ang mata ng isang babae na naka upo sa single sofa at nakaharap sa dereksyon ko. Napatingin tulog ang isa pang babae na agad ngumiti sa akin. "A--hh, I'm Nazneen!" Mahinang sabi ko sapat para marinig nila. Sumenyas ang mga ito na lumapit ako. Kaya naman sinunod ko na lang. "I'm Batsy and she's Bible! Girlfriend ka ba ni Gage?" Sabi ni Batsy na agad kong ikinailing. "Girl, baka s'ya yung usap-usapan ng mga maid sa village na future wife ni kuya Gage!" Sabi naman ni Bible. Sa narinig ni Batsy na sinabi ni Bible para itong na excite at lumapit sa akin. "Talaga? Oh my gosh----!" "S-andali!" Takot na napaatras ako. Masyadong nakakashock ang pagiging energetic ni Batsy. Si Rosalinda lang ang ganun sa lugar na ito. "Girl natakot ata sa'yo!" Natatawang sabi ni Bible. Humakbang ito palapit at naglahad ng kamay. "Nice to meet you Nazneen, ang ganda mo naman!" Sabi nito. Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito. "By the way baka nagtataka ka kung bakit nandito kami. Nakisuyo kasi si kuya Gage na iassist namin ang mga maids for the preparation for tonight's dinner!" "Ah, okay!" Nahihiyang sabi ko rito. "Girl, mukhang nahihiya ka. Ano ka ba dapat laging confident tsaka magiging future wife ka ni kuya Gage kaya wag mong isiping others kami!" "H-indi sa ganun, naguguluhan kasi ako sa sinasabi n'yo!" Nagkatinginan ang mga ito. "Naku mukhang tama ngang usap-usapan lang! Kalimutan mo na yung sinabi namin!" Sabi ni Bible na tinapik pa ako sa balikat. "O-kay, a-akyat na ako sa k-warto!" Ninenerbyos na sabi ko sa mga ito. Alam kong nagtaka ang mga ito sa naging kilos ko pero tumango lang naman sila at dali-dali ng tinalikuran ang mga ito. --- "Bible? Batsy?" Tawag ko sa dalawang dalaga na nagmamando sa mga maid. "Kuya Gage!" Excited na sabi ng mga ito at agad na lumapit. Luminga-linga ako sa paligid. Everything looks ready. "Hinahanap mo ba si Nazneen? Kuya Gage she's sooo pretty!" Excited na sabi ni Bible na kumapit pa sa braso ko at bahagyang pinisil iyon. Halatang excited. "Nakita n'yo s'ya?" "Yes kuya, pero natakot yata sa amin ni Bible kaya nagkulong na lang sa kwarto! Mukha ba kaming nangangain ng tao?" Pabiro ni Batsy na medyo naka ngiwi. "Of course not! Hindi lang s'ya sanay! Good thing na nandito kayo, pwede ko ba kayong hingan ng favor?" "Yes naman, ano ba yun?" "It's about that lady!" --- "Please Nazneen, pumayag ka na! Lahat naman ng bisita ni kuya Gage ay nakatira rito sa village! Tsaka mababait din and trust me, di ka namin iiwan later!" Sabi ni Bible. Takot na sumiksik ako sa gilid ng kama habang nakabalot ng comforter. "I can't---" "Walang mananakit sa'yo doon!" Sabi ni Batsy na sumampa na ng kama at pilit akong sinisipat mula sa buhok na nakatabing sa mukha ko. "Please? We can be friends, lahat ng nakatira rito sa village ay magkakaibigan! Wala kang rason para natakot!" Sabi ni Batsy na ngumiti sa akin. "P-ero!" "Hindi mo man kilala ang lahat ng dadalo, Nazneen hindi naman pababayaan ni Kuya Gage na mapahamak ka!" Pagkumbinsi nito sa akin. Sinulyapan ko si Rosalinda na kanina pa naka upo sa couch at naghihintay lang ng magiging desisyon ko. Isa ito sa kanina pa humihikayat sa akin na pumayag pero matindi talaga ang pagtangi ko. Lumungkot na rin ang expression ng mukha ni Bible na nawawalan ng pag-asa na makumbinsi ako. "Ganito na lang, 10 minutes---kapag feeling mo di ka safe sa dinner mamaya ihahatid ka pa namin rito sa room mo!" Sabi ni Batsy na halatang mahusay sa pakikipag-bargain. Bumuntong-hininga ako at malalim na nag-isip. "O-kay 10 m-inutes!" Tugon ko sabay-sabay ikinatili ng mga ito na ikinakislot ko. You see, simpleng bagay nagdudulot ng kaba sa akin. Kahit walang rason may ganun ng pakiramdam sa isip at puso ko. Sinulyapan ko si Rosalinda na agad nagtungo sa walk in closet. Tiyak na naghahanap na ito ng maisusuot ko. Ilang minuto lang lumabas na ito na may dalang damit. It's a white tulle off shoulder puffy sleeves na lagpas lang ng konti sa tuhod ang bitbit nito. Noong nakaraan may dumating na delivery sa isang sikat na clothing store at pinuno ang walk in closet ko. Wala naman akong na gawa ng sabihin ng mga ito na utos raw ni Gage. "Tara na po ma'am, excited na akong ayusan ka!" Sabi nito. Inilapag sa gilid ng kama ang damit at muling bumalik sa walk in closet paglabas nito may hawak na ito na laso na tiyak kong sa buhok ko ilalagay at isang pares ng flat shoes na kulay puti. "So paano ba yan? Bihis ka na, magpapalit na rin kami ni Bible! D'yan sa kabilang room!" Tumango ako rito. Honestly ng makita ko ang ngiti sa mga ito nakaramdam ako ng konting excitement. Meron pa ring takot dahil kahit gusto kong mag-isip ng mga positibong bagay ay di ko tuluyang magawa dahil sa malalim na takot na binalot na ang isip at puso ko. "Tara na Ma'am! Excited na ako, alam ko bagay na bagay sa'yo ang mga ito! Dali na po!" "M-agshower lang ako Rosalinda!" Mahinang sabi ko rito. "Okay po!" Energetic nitong sabi sa akin kaya naman mabilis na akong bumaba ng kama at nagtungo sa banyo. "Matagal ka pa po ba d'yan?" Di ko na namalayan ang oras. Kaya siguro di na ito nakatiis na kumatok at kunin ang atensyon ko. "A---h, p-atapos na ako!" Sabi ko rito. Ano kaya ang mangyayari mamaya. Yun yung laman ng isipan ko sa buong durasyon ng pagligo may times na natutulala lang ako habang umaagos sa katawan ang tubig mula sa shower. A/N: Hope mabasa n'yo rin ang iba ko pang stories while waiting for new updates. Thank you ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD