Chapter 5 First Day ... First step to my dreams.

1234 Words
(July 11, 2012) (Levy's POV) Unang araw ng klase ko sa isang Culinary school na pinag-enrollan ko na medyo malapit lang din naman sa school ni Unggoy. Siyempre, medyo excited na kinakabahan ako. Tulad nang nakagawian ay hinatid naman ako ni Unggoy ko sa bago kong paaralan. "Natatae ka ba?" nang-aasar na tanong nito dahil siguro napansin nitong hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Inignora ko lang siya. "Nagdasal ka na ba?" pang-aasar nito ulit ngunit dahil likas siyang KSP kaya ay nakuha niya talaga ang napakamahal kong atensyon. Hindi ako nag-salita bagkus ay tiningnan ko lang siya nang masama. Iyong tipong parang ikakatunaw mo na lang bigla kapag sa iyo nakatuon ang sulyap ko. Wala kasi talaga akong ganang makipag-asaran sa kaniya kapag ganitong ang sitwasyon. Pero wala namang effect sa kaniya dahil tinawanan lang nito ang ginawa ko. Kitams!? "Okay lang iyan," maya-maya ay sabi nito. Pampalubag loob nito. "Ganyan naman talaga kapag unang araw mo sa isang paaralan. Para ka namang hindi nasanay sa mga ganito! Pang-ilang kurso mo na kaya ito," sabi niya sabay ngiti sa akin nang nakakaloko. "Alam ko po," nakasimangot kong sagot sa kaniya para tumigil na siya sa kakasalita dahil hindi naman talaga siya nakakatulong 'eh. Mas lalo lang niyang dinadagdagan ang kaba ko. Akalain mo naman kasi, panibagong adjustments na naman ang gagawin ko sa bagong environment na ito. Ewan ko rin naman kasi kung bakit ako kinakabahan ngayon. Noong nag-enroll ako rito ay halos hindi na ako makatulog sa kakaisip sa eskwelahang ito. Parang gusto ko na ngang hilahin ang mga araw para makapag-aral na ako agad pero ngayon parang gusto ko nang umatras, umuwi at matulog na lang buong araw. "Here we are," masiglang sabi nito nang papalapit na kami sa gate ng school. Bumaba na ako kaagad sa sasakyan kahit pa na nag-iinsist ito na ihahatid na niya ako sa classroom. Ayaw ko rin magpahatid sa kaniya ng door-to-door. Ano ako kindergarten? Hinanap ko na kaagad ang building ng classroom ko. Kung titingnan mo kasi sa labas ang bago kong school ay parang maliit lang ito pero pag nasa loob ka na'y roon mo lang malalaman na posible ka ring maligaw sa ganitong lugar. "Pssst!" narinig kong sitsit mula sa likuran ko. Lumingon naman ako kahit na sabi ni Unggoy, kapag may gumanyan sa iyo ay huwag na huwag kang lilingon dahil tao ka at hindi aso. Paglingon ko ay isang maputi at chubby na lalaki ang nakita ko. Nakangiti ito sa akin kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya. Lumapit ito kaagad sa akin at kumapit ito sa braso ko na parang close kami. Napapitlag naman ako sa ginawa niya kaya ay natawa ito ng bahagya. "Huwag kang mag-alala, hija. Pareho tayong girl," malumanay na sabi nito sabay hawi sa buhok na tumatabaing sa mukha niya. "Bago ka rito?" friendling tanong niya. "Oo," tipid ko namang sagot. "Sabi ko na nga ba eh. Pareho tayo," sagot naman nito. Lumiwanag naman ang mukha ko sa sinabi niya dahil hindi na ako nag-iisa na bagong salta sa School na ito. "Major in Baking ka rin, ano?" nanghuhulang tanong niya. "Oo, halata ba?" "Marunong akong magbasa ng I.D, Day," birong sabi nito sabay turo sa suot-suot kong I.D. "I'm Nougat Olivarez," pagpapakilala nito. Pinakilala ko rin naman ang sarili ko hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob. Sabi nga nito Bff na lang ang itawag namin sa isa't isa dahil hindi naman niya feel banggitin ng iba ang pangalan niya. Nalaman ko rin na katulad ko rin siya na papalit-palit lang ng kurso kaya siguro magkasundong-magkasundo talaga kami. Pareho siguro ang hugis ng mga utak namin. Mahilig siya sa cakes kaya ito ang nagtulak sa kaniya na kunin ang kursong ito. Halata naman kasi sa katawan niya. 12:00. Lunch break namin at siyempre kami ni Bff ang magkasabay. Habang kumakain ako ay bigla ko tuloy naisip ang Unggoy ko kung naka-kain na ba ito dahil baka nasa library na naman ito kasama ang close friend niyang si Tony. Biglang nag-ring ang cellphone ko pero dahil may iniisip ako ay hindi ko tuloy naramdaman iyon. "Pssst, Bff, ang asawa mo. Nagtext oh," sabi ni Nougat sabay turo sa cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Alam niyo ba kung bakit asawa ang sinabi ni Nougat ? Siyempre dahil "Asawa ko" ang naka-register na panglan niya sa phone book ko. Sa kanya naman ay "Misis ko at hindi po ako ang nagpangalan niyan. Siya po. Sabi kasi niya proteksiyon daw iyon. Kinuha ko na ang cellphone ko para basahin ang message nito. Nagtanong lang naman ito kung naka-kain na ako at kung may kasama ba ako. Hindi ko siya nireplyan. Instead nagsend ako ng picture sa kaniya kasama si Nougat. Habang hinihintay ko ang reply niya ay ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. "May asawa ka na?" gulat na tanong ni Nougat sa akin. "Sa papel, wala! Pero rito, mayroon," sabi ko sabay turo sa cellphone ko. "Ano iyon?" naguguluhang tanong nito. "Dito ko nga lang siya asawa pero sa totoong buhay ay hindi. Gets mo ba?" pahapyaw na explain ko sa kaniya na medyo na gets din naman niya. "Gwapo ba iyan, Bff?" interesadong tanong nito. "Oo naman! Matalino pa!" pagmamalaki ko sa kaniya. "May gusto ka sa kaniya, ano?" seryusong tanong nito at mabuti na lang ay hindi ako nabilaukan. Natahimik naman ako na tila nag-iisip sa isasagot ko. Magsasabi ba ako ng totoo or ililihim ko na lang? "Wala akong gusto sa kaniya," pagsisinungaling ko. Bakit ko ba sinabing pagsisinungaling iyon? Hindi ko naman gusto si Kiel bilang lalaki. Hindi nga ba? "Hindi ako naniniwala." "Bakit naman?" "Dahil hindi mo gagawing wallpaper ang nilalang na ito kung wala kang gusto sa kaniya," nanunuksong sabi nito sabay nguso sa cellphone kong nasa ibabaw lang ng mesa. "Siyempre, alam mo kasi siya na lang iyong pamilyang mayroon ako kaya dapat lahat ng bagay na mayroong koneksyon sa kaniya ay dapat nandon siya," walang kuwenta kong rason. "Ewan ko sa'yo! Ang lame naman ng mga palusot mo. Bff, ito lang ang masasabi ko. Ang lalake at babae puwedeng maging magkaibigan pero puwede ring magka-ibigan. Hindi man ngayon pero baka bukas o sa susunod na araw. May tamang panahon iyon at sa pagitan niyo ng Asawa mo ay posibleng mangyari ang bagay na iyon." Ang lalim naman ng pinagsasabi ni Bff. Natamaan ako do'n ah. May punto naman siya. Kung saka-sakaling magka-ganoon nga, ano kaya ang mangyayari sa aming dalawa? Nakakatakot namang isipin. Mabuting alisin ko na lang sa utak ko ang bagay na iyon. "Sa tingin mo, kung sakaling mangyari man iyon sa iyo, ano kaya iyong kaya mong gawin?" wala sa sariling naitanong ko sa kaniya. Napatitig naman siya sa akin na tila napa-isip din. "Naku, Bff, kung sa akin man iyon mangyari..." Napahinto ito sa pagsasalita dahil tila nag-iisip talaga ito ng magandang isasagot niya. Iyon nga lang ay wala siyang mahagilap na sagot. "Hindi ko alam, Bff,"nakangiting sabi nito. "Ang hirap naman kasi ng tanong na iyan,.pero kung saka-sakali man na mangyari iyon, ano namang masama roon? Hindi mali ang magmahal at hindi iyon ikinakatakot. Okay? Sige na, ubusin mo na iyang kinakain mo." Sinunod ko naman ang utos niya. Inubos ko na lahat ng natirang pagkain sa plato ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na isipin ang bagay na iyon. What if it happens between me and Kiel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD