------ ***Atasha's POV*** - Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ni Sancho. May mga pagkakataon na kilikigin ako sa kanya dahil pakiramdam ko nagseselos sya, pero agad din naman akong magigising sa katotohanan na para akong baliw dahil inakala ko pa talaga na nagseselos sya. Lumipas pa ang ilang buwan, wala pa rin naging pagbabago ang takbo ng pagsasama namin ni Sancho. Sya pa rin ang amo ko at ako ay sunod- sunuran pa rin sa mga gusto nya. Isang alipin, iyon lang ang tingin nya sa akin. Isang malaking unos ang naranasan ng pamilya ni Akeelah, lumala ang sakit sa puso ng anak nitong si Sandy. Buong akala ng mag- asawang Saven at Akeelah ay tuluyan nang gumaling ang anak ng mga ito sa sakit nito sa puso dahil sa surgery nito pero ang sabi ng doctor, isang ugat na naman ang p

