--------- ***Atasha's POV*** - "Pwede ba Sancho,umalis ka na. Bumalik ka doon sa babae mo." naiinis kong sabi kay Sanho. Paano kami makapag- usap ng masinsinan ni Caleb kung nasa gitna sya naming dalawa. Lagi nalang syang panira sa chance kong makahanap ng mayamang mapapangasawa. "Oo nga bro! Kailangan mo nang umalis. Obviously, ako ang pinili, mas guapo talaga ako kaysa sayo." si Caleb. Nakuyom ni Sancho ang kamao at napatingin ito kay Caleb. "Shut up! I told you to stay away from my property." "Anong property- property ka dyan? Hindi mo ako pagmamay- ari." tanggi ko agad. Nabaling ang paningin ni Sancho sa akin at matalim ang titig nya sa akin. "Hindi naman pala sayo. Mahilig ka palang mang- angkin ng hindi sayo, pare. Akala ko ba ang babae ang humahabol sayo, ikaw pala ang nagh

