-------- ***Atasha's POV*** - "Just don't hesitate to tell me if you need anything, lalo pa't kailangan mo pa naman ang pahinga dahil sa kalagayan mo ngayon." ani ni Caleb sa akin. Kararating lang naming dalawa dito sa apartment ko. "You need to rest Atasha." Tatlong araw akong nanatili sa hospital at kahit nakakahiya kay Caleb, pero hindi na ako nagdadalawang isip na lumapit sa kanya. Sya lang ang naisip kong pwede kong lapitan. Hindi ako pwedeng lumapit kay Akeelah dahil ayaw ko munang magkaroon ng kaugnayan sa mga Montreal. Pag tatawag sa akin si Akeelah, ipinaramdam ko sa kaibigan ko na gusto mo munang mapag- isa. "Atasha, I'm sorry to ask this pero wala ka bang plano na ipaalam kay Sancho ang tungkol sa kalagayan mo?" Napatitig ako kay Caleb. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano

