Title: Ignorant Wife's Torment- Reunited! --------- ***Angela's POV*** - "Kumusta ang kalagayan mo Angela?" nakangiting tanong sa akin ng ni maam Atasha, kapapasok lang nila ng asawa nya dito sa loob ng kwarto ko. Masakit ang manganak at aminado ako na nanghihina ako masyado kanina, malaki naman kasi ang baby ko. Pero ngayon medyo malakas- lakas na ako, nakabawi agad ako ng lakas. "Okay lang po. Medyo nakabawi na ng kunti ang katawan ko." bumangon ako. Inayos naman ni Sir Sancho ang higaan ko para makasandal ako ng maayos. "Kailangan mo pa rin magpahinga. Kapapanganak mo palang." si maam Atasha at umupo sya sa upuan na nasa gilid ng kama ko, si sir Sancho ay tahimik lang na nakaupo sa isang sofa na nasa loob ng private room ko. "Nakita ko na kanina ang baby nyong dalawa ni Savy, sh

