---------- ***Savy's POV*** - "Nangako ka sa akin. Sabi mo na kahit hindi mo ako mahal, aayusin mo ang pagsasama nating dalawa. Pero hindi pa man tayo nagsisimula, hindi mo na naman tinupad ang pangako mo. Tanggap ko. Tanggap ko na wala akong halaga sayo, pero napakasakit isipin na pati ang anak natin ay binabalewala mo. Alam mo ba kung gaano kasakit sa tuwing umiiyak si Bea dahil hinahanap ka nya, pero wala ka. Wala ka dahil nandun ka kay Florence. Dahil mas kailangan ka nya kaysa sa amin ni Bea. Tiniis ko lahat. Tiniis ko lahat ng pangingisulto mo sa akin para kay Bea. Ngayon, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pakisamahan ka pa. Wala ka naman pakialam sa aming dalawa ni Bea. Si Florence lang ang mahalaga sayo. Alam mo, mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero ngayon, wala na akong pag

