------- ***Angela's POV*** - "I don't care, Angela. I love you, Angela, and I can accept your child with Kade. Kaya ko syang mahalin at ituturing na anak ko. Mamahalin ko sya katulad sa kung paano ko mahalin si Bea at ang magiging mga anak pa natin. Please, love me again, Angela. Choose me and not Kade." Napanganga ako sa narinig ko sa kanya. Gusto kong magsalita pero naumid ang dila ko. Pabalik- balik sa isip ko ang sinabi nya kahit pa nasa harapan ko sya. Nagkatitigan kaming dalawa. Namumula ang nagsumamong mga mata nya sa akin. Alam kong naghihintay sya sa maging kasagutan ko sa sinabi nya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong kalmahin ang sarili ko. Sa pagpikit ng mga mata ko, parang isang pelikula na bumabalik sa balintataw ko ang mga binitawan nyang salita sa akin noon. Bu

