---------- ***Third Person's POV*** - Pinakalma ni Atasha ang sarili at pumunta sya sa lower deck ng yate. May duyan dito at tama lang na natatakpan sa sinag ng araw ang lugar. Umupo sya sa duyan at napatingin sya sa kalmadong karagatan. Masamang- masama pa rin ang loob nya dahil sa ginawang pagtangay ni Sancho sa kanya. Kung hindi lang sana gumawa ng katarantaduhan si Sancho, nasa cruise na sana sya ngayon at payapa sana ang isip nya. Hindi katulad ngayon na hindi na naman sya mapakali at bumalot na naman sa kanya ang pangamba. Samantala... Napangiti si Sancho nang nakita nya si Atasha sa may duyan. Alam nyang galit pa rin ito dahil sa ginawa nya kaya nga hindi muna nya ito kinakausap tungkol sa isang bagay dahil masyado pa itong galit sa kanya at baka mag- away lang sila nito. Kai

