Chapter 16

1290 Words

INILALAYAN siya ni Timo na makapasok sa sasakyan nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay matindi pa rin ang pagkabog ng dibdib niya. Gusto-gusto niyang patayin ang lalaking iyon. Gusto niyang maramdaman din nito ang takot na pinaranas nito sa kanya noon. Gusto niya itong barilin ng paulit-ulit hanggang sa wala nang matira sa bungo nito. Nagsimula nang mamuti ang kamao niya sa labis na pagkakakuyom. “Chrysantha…” mahinahong tawag ni Timo at hinawakan ang kamao niya. “Huminahon ka na, pinapangako ko sa`yo, magiging impyerno ang buhay ng lalaking iyon sa kulungan.” Tumangu-tango siya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha. Pinunasan ni Timo ang mga luha niya sa pisngi. “Huwag ka nang umiyak… mamamaga na 'yang mata mo, baka mapansin 'yan ni Teyo. Aawayin na naman ako no'n.” Sa narin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD