BUO na ang pasya ni Gab, na bawiin si Camile, may paraan na siya paano makabayad sa doctor. May natitira pang pera sa ibinigay nito sa kanya pwedi niya iyon isauli at ang kulang ay pagtatrabahuan niya lamang sa talyer na ni recommend nito.
“ Mang Cardo, pwedi niyo po ba kaming samahan sa bahay ng kaibigan niyo po? Para madalaw namin si Camile?” Pakiusap ni Gab, ng puntahan nila si Mang Cardo sa bahay nito.
Naabutan nila ito sa labas ng bahay, inayos ang luma nitong motorbike.
Nailapag ni mang Cardo ang hawak nitong gulong at napatayo sa harapan niya.
“ Naku Gab, umalis na sila papuntang Canada.”
“ H-hindi po kami naniniwala sa inyo, mang Cardo sinasabi niyo lang po ‘yan, para hindi kami makadalaw.” Halos maluhang sabad ni Leni.
“ Totoo ang sinasabi ko sa inyo.
Dun na sila manirahan sa Canada.” Ani mang Cardo humarap kay Leni.
“ Hayaan na ninyo ang kapatid niyo, magiging maganda ang kinabukasan niya do’n. Wag niyo nang guluhin pa.” Seryuso ang mukhang sabi ni Cardo sa kanila.
Biglang nangalay ang mga balikat bi Gab sa narinig, pamiramdam niya pinasan niya ang daigdig. Tuluyan nang nawala sa kanila ang bunsong kapatid.
Pareho silang tahimik ni Leni habang naglalakad pauwi. Narinig niya ang paghikbibni Leni ng tuluyan silang makauwi sa kanila.
“ Leni, patawad hindi natin na bawi si Camile”
“ Kasalanan mo ito kuya, kung hindi mo sana pinamigay si Camile, kasama sana natin siya ngayon.” Galit ang mukhang ng uusig sa kanya ang kapatid.
“ Leni, kung nandito si Camile ikaw naman ang hindi namin makasama.” Mahinahon paunawa niya rito.
“ Tanggapin nalang natin ang mga nangyayari Leni.
Buhay ka at magiging maganda na rin ang buhay ni Camile ngayon.” Pag papatuloy niya, Siya man ay nasaktan sa nangyari pareho niyang mahal ang dalawa at hindi naging madali sa kanya ang mamili.
“ Masakit at masama ang loob ko sa’yo kuya, pero wala na akong magagawa pa, kundi tanggapin nalang sa sarili ko wala na sa atin si Camile, kahit masakit pero pipilitin ko” humihikbi nitong sabi saka iniwanan na siya nito.
Minabuti na niyang huminto sa pag aaral at pinaubaya niya kay Leni. Pursigido siyang abutin ang kanyang mga pangarap at malaki ang paniniwala niya sa sarili maabot niya iyon. Hindi hadlang ang walang pinag aralan sa mga pangarap niya dahil naniniwala siya nasa sipag at tiyaga iyon.
Dahil sa hilig niya ang sasakyan, nakkikiusap siya sa kanilang kapit bahay na kung pwedi siyang tumulong sa talyer nito,
Hanggang sa natutunan niya ang mga palakaran nito. Pinag aralan niya ng mabuti kung paano ang pag ayos ng mga nasirang sasakyan bawat kilos ng mga kasamahan at sa may-ari ay tintatak niya sa kanyang isipan.
“ One day mag kakaroon din ako ng sarili kung talyer” puno ng pag asa at pangarap ng sabihin niya iyon sa sarili niya. Sinikap niyang hindi magalaw ang pera binigay sa kanya ng doctor na si Orland balang araw magamit niya iyon.
Twelve years after..........
“KUYA masaya ako nagkaroon kana ng sarili mong negosyo.” masayang sabi ni Leni sa kanya ng ma expand niya ang sarili niyang Talyer.
Nag buy and sell si Gab ng mga sasakyan kaya unti unti lumuwag ang kanilang pamumuhay.
Naging ganap ding guro si Leni sa isang pang publikong paaralan. Agad itong naka pag loan at bumili ng maliit na bahay.
Bongalow type ang bahay nakuha niya at may dalawang kwarto tama sa kanilang mag kapatid.
“ Kuya, gusto mo ba itong bago nating tirahan?” Seryusong tanong ng kapatid sa kanya. Kalilipat lang nila ng araw na iyon. Nag babalak na noon bumili si Gab ng bahay, pero dahil nag voluntary ang kapatid na si Leni itong ang bibili ay hinayaan na niya ito.
Kung siya lang masusunod gusto niya sana ipaayos ang dati nilang tirahan, kaya lang hindi na pumayag ang kapatid dahil para rito malas ang bahay na iyon. Dahil sa mga pangit na nakaraan sa kanilang mag anak.
Inakabyan niya ang kapatid “ Oo naman, masaya ako naabot mo ang mga pangarap mo.”
“ Syempre kuya, hindi mo ako binitawan. Saka nakakapagud narin matulog sa 5 star.” Pagbibiro nito.
Napa kunot -noo siya sa sinabi nito. “ Anong ibig mong sabihing 5 star?”
Napangiti ito ng ubod tamis. “ Yong bahay natin, dinaig pa ang 5 star hotel. Pag nakahiga tayo kitang kita ang mga star sa butas ng bobong natin. Minsan pa nga may free shower pa tayo habang natutulog, lalo na pag malakas ang ulan.”
Napahalakhak sila pareho. Agad din iyong napawi ng biglang sumagi sa isipan nito ang bunsong kapatid.
“ Ano na kaya ang hitsura ni Camile ngayon?”Lumungkot ang mukha ni Leni.
Nanumbalik sa kanya ang sakit ng iniwan niya ito.” Syempre maganda katulad mo.
Mana kaya kayo sa akin.” Pinilit niyang ngumiti.
Kahit alam niya ng mga sandaling iyon parang pinag tutusok ang puso niya ng kutsilyo. Gumanda ang buhay nilang magkapatid pero na wala naman sa kanila ang bunso. Napabuntong hininga siya sa isipin iyon.
KINABAHAN si Jacky, habang nakatayo sa likod ng stage. Siya na ang susunod na tatawagin sa fashion show.
“ What is wrong Jacky?” Tanong ng kanyang Kaibigan si Michelle ng mapansin siyang balisa.
“ I felt so nervous.” Pinahid niya ang namuo pawis sa noo.
Isa siya sa napiling mag endorso sa sikat na mga damit.
“ My God Jacky, its not your firstime.” Nakangiting sabi sa kanya ng kaibigan.
Ilang sandali lang ay tinawag na siya ng host. “ Smile and chine up.” Bulong niya sa sarili at rumampa sa gitna ng stage.
“ That’s my friend Jacky.” Sigaw ni Michelle na sinayan ng palapakpak.
Napangiti siya sa kaibigan. At pinagpatuloy ang pag rampa. Ilang minuto lang ay natapos niya iyon.
Pumasok siya sa dressing room. Gusto na niyang makauwi ng bahay. Narinig niya ang sabi ng kaibigang host.
“ Do you want to hear Jacky Perez voice?”
Naiiling siyang ngumingiti” ito talagang baklang ito hindi ako titigilan”
“ Yes....!” Narinig niyang tugon ng ibang odients na naroon nanuod sa fashion show.
Napapaiiling siya.” Pamahak talaga.”
Nahiligan niya ang pagkanta noon pa, napapanood na din siya ng ilang beses sa mga tv show kumakanta at sumasayaw dahil iyon ang naging talent niya.
Pero ng magkaroon siya ng kaibigan mahilig sa fashion ay pinasok siya nito hanggang tuluyan na niyang pinasok ang mundo ng pag momodelo sa mga damit na may mga mamahaling tatak na nirarampa sa intablado na ipinalabas din sa foriegn channel.
Naglakad siya papunta sa stage.” I hate you.” Pabirong sabi ng makalapit siya sa kaibigan host at kinuha ang micropono mula rito.
“ Your on tv, smile and cheer up.” Nakangiti nitong paalala sa kanya.
Nginitian niya lamang ito at naglakad papunta sa gitna ng stage.
“ I would like to sing this song, Till my heart aches end dedicated to my self.” Pasiuna niya. Agad nag simula ang tugtug.
Sa bawat bigkas niya sa mga lyrics ay,
hindi niya napigil ang pagpatak ng kanyang mga luha, unti unti gumagaralgal ang kanyang boses na ipinagpatuloy parin ang pagkanta. Naninikip ang kanyang dibdib kasabay ng kanyang kanta ang pag sibol ng sakit sa kanyang dibdib.
Inilayo niya ang kanyang bibig sa micropono. Binitiwan na niya ang naninikip niyang dibdib.
“ Go Jacky.....! Cheer up ng mga nandoon.
Pinilit niyang kalmahin ang boses na wag manginginih hanggang sa matapos niya ito. Nagmamadali siyang bumaba ng stage at nagtatakbo papunta sa dressing room at doon humahagolhol. Iniyak niya ang lahat ng sakit na kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon.
“ Jacky, are you alright?” Alalang tanong ni Michelle.
“ Yes. I just love that song it remind me of someone.” Tugon niya rito at nag mamadaling inayos ang gamit para maka uwi na.
“ BROKEN hearted ata iyong babae na’yon” Bulalas ni Leni kay Gab ng matapos mapanood si Jacky sa tv screen.
“ Baka iniwan ng boyfriend at pinagpalit sa iba.” Tugon naman ni Gab nakahiga sa sofa.