Magkapatid Episode 18

1133 Words
TINANGHALI nang gising si Paolo, nagmamadali siyang naligo, para maka pag report sa opisina niya. Kahit kahapon pa lang sila kinasal ni Jacky, pero hindi niya ramdam na magiging kabiyak ito. Nagmamadali siyang naglakad palabas ng kanyang kwarto at tinungo ang hagdanan. Hindi pa siya tuluyan naka baba ng mapansin bahagyang bukas ang pintuan ng silid ng ina. Naglakad siya papunta roon para silipin ito baka inatake na naman ito ng hiblood dahil hindi siya umuwi kahapon habang buhay pa niya masisi ang sarili. " Kumusta ang unang gabi niyo?" Narinig niya ang boses nang ina sinilip niya ito. Natanaw niya si Jacky, naka upo sa gilid ng kama naka tingin sa ginang. " Mommy, hindi siya natulog sa kwarto namin ka gabi" Sumbong ni Jacky. " Hindi siya umuwi?" gulat na tanong nang ina. Umiling iling si Jacky, " Hindi po. Dapat magkasama kami ka gabi dahil unang gabi namin bilang mag asawa pero hindi ko alam kung saan ito natulog ka gabi." mangiyak ngiyak na tugon ni Jacky. " Wala pa ang sasakyan niya?" " Hindi ko alam." maikling tugon nito. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng ina" Hayaan mo muna siya, baka nag adjust pa ‘yon, alam mo naman mahal niya ang lusyang na babae 'yon. Importante kasal na kayo ng anak ko hindi na siya maka wala sa'yo." Bigla siyang nakaramdam ng inis sa sinabi ng ina paano nito tawagin si Leni “lusyang” Naisipan niyang umalis na lang, maiinis lang siya sa pakikinig ng dalawa. Patalikod na siya ng marinig si Jacky nagsasalita. " Salamat mommy, sa tulong mo na makuha ko si Paolo." Natigilan siya at napa kunot noo sa sinasabi nito. Anong tulong na ginawa ng ina? " Galing mong umakting na inatake sa puso” Natatawa nitong sabi. " Kahit ako nagulat pa, ang husay mo pala mommy." dagdag pa nito. “P-paano ito nagawa ni mommy sa akin?” Naikuyom niya ang kamay sa galit. Hindi siya maka paniwala kaya siyang lukuhin ng ina, gusto niyang lapitan ang dalawa at sumbatan ang ina. Pero pinili niyang tumahik at umalis nalang baka hindi siya makapag pigil at masakal pa niya si Jacky. Kinamumuhian niya ito sa ginawang pang so-sulsul ng ina. Gulong gulo ang kanyang isipan habang nagmamaniho ng sasakyan. Bigla pumasok sa isipan niya ang kaibigan nagkasal sa kanila, baka may maitulong ito sa kanya. Hinding hindi siya makaka payag na mag tagumpay si Jacky at ang ina. Gayong alam na niya ang totoo hindi ito inatake. Hindi niya hahayaan masira ang kaligayan niya para lang sa kaligayahan ng brat na si Jacky, samantalang may isang babae nalugmok at nasaktan dahil sa panluluko ng kanyang ina.Buti nalang nalaman niya ng maaga. " NENENG, wala ba ang sasakyan ng sir mo sa labas?" tanong ni Jacky sa kaulong ng maka baba ito mula sa kwarto ng ginang. " Nasa labas po 'yon kanina ma'am nakita ko." tugon ng katulong. Napa kunot noo siya," Umuwi siya ka gabi?" Tinigil nito ang ginawa sa kusina." Upo ma'am nakita ko po yon umakyat sa taas mga hating gabi na po ata 'yon." Napa akyat siya sa itaas para tignan ang asawa sa guest room. " Dito pala siya na tulog ka gabi?" naitanong sa sarili ng makita magulo ang kumot at ang unan. Bumaba siya para tignan ang sasakyan nito. " Anong oras ba siya naka alis? bakit hindi ko man lang namalayan." Kinuha niya ang kanyang cellphone para tanungin kung uuwi ba ito sa hapunan. Ngunit hindi nito sinagot ang tawag niya. Napa hugot siya ng malalim na hininga " Hindi kita naka sama ka gabi, pati ba naman sa hapag kainan?" Naisipan niya baka nagpunta ito kay Leni," Huwag ka lang magkaka maling balikan ang babaeng 'yon dahil hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya. Ngayon pang may karapatan na ako sa'yo," nang gigil niyang bulong sasarili. Minabuti niyang pumasok sa banyo para tanggalin ang galit naramdaman niya sa pamamagitan ng pagligo. Uminit bigla ang ulo niya ng maalala si Leni. ALAS SAIS na nang hapon ng maka uwi si Leni galing sa kanyang trabaho. Sakto naka paghain na rin si Gab ng kanilang hapunan. “ Andiyan kana pala, kain na tayo” aya nito sa kanya. Naglakad siya palapit rito“ Mukhang masarap ang niluto mo kuya”humila siya ng upuan at umupo sa katapat nito. “ Syempre ako pa! Kumusta pala ang trabaho mo?” tanong nitong sinalinan ng kanin ang plato niya. “ Okay naman kuya. Kahit papaano unti unti na rin akong naka recover, sa sakit." Bakas pa rin sa boses niya ang lungkot. " Nakatulong din sa akin ang mga studyante ko” sabi niyang pilit pasiglahin ang boses. " Mabuti naman kung ganun, pasasaan ba at makalimutan mo rin ang mga nangyayari. Fucos mo nalang ang attention mo sa studyante mo." ani Gab. Tumango-tango lang siya, " Ang sarap nitong fried chicken." sabi niya at nilalantakan ang paa ng manok. " Leni!” Natigilan siya sa pagkain ng marinig na may tumatawag sa pangalan niya. “ Hindi ako aalis dito Leni kapag hindi mo ako kausapin!" Sigaw ni Paolo mula sa labas ng gate. " Ang tigas talaga ng mukha ng lalaki na ‘yan, sinabi nang wag nang babalik dito." Galit na sabi ni Gab ng mabosesan si Paolo. " Hayaan mo nalang kuya, magsasawa din ‘yan. Magkusa din iyang aalis riyan." aniya. Pero sa kaloob looban niya kinakabahan siya baka saktan nanaman ito ni Gab. Tila umayon pa ang panahon, ng biglang kumulog. “ Buti nalang umulan, ulan na magtataboy sa kanya” ani Gab nagtuloy sa pagkain. " Leni! Hindi talaga ako aalis dito, kahit mag damag pa ako rito." Pagpapatuloy pa rin nito. " Believe din ako sa apog nang lalaking 'yan." naiiling na sabi ni Gab. Bumuhos ang malakas na ulan at hindi na nila naririnig ang boses ni Paolo. Tanging patak nalang ng malalakas na ulan ang kanilang narinig mula sa kanilang bobong. Tumayo siya para silipin sa bintana kung umalis naba ito. Nagulat siya ng makita ito nakatayo pa rin sa labas ng kanilang gate basang basa na ito ng ulan. “ Leni, parang awa mo na kausapin mo naman ako. Pakinggan mo naman ako Leni, kahit ngayon lang please.” Sigaw nito ng makita siyang naka silip sa bintana. Halatang wala talaga itong balak na umalis hanggat kausapin niya. Hindi na nito alintana ang malakas na ulan. “ Kahit kailan hindi kita susukuan Leni dahil hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita” pagppatuloy nito. “ Lasing ba itong lalaking ito.” sa kaloob looban niya. Buti nalang din malakas ang ulan hindi masyadong maririnig ng kanilang mga kapit bahay ang pag iingay nito. Sumibol ang kirot sa puso niya habang naka tingin rito na basang basa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD