Mag kapatid Episode 2

1564 Words
“ KUYA maaga ata ang gising mo?”agad na tanong ni Leni ng makita ang kapatid bumangon kinabukasan. Inunat unat ni Gab ang mga kamay “ Kailangan ko ng makahanap ng makain natin bago pa magising ng maaga ang mga may-ari ng puno ng saging” pahikab-hikab na tugon nito. Pagka sabing iyon ay ka agad na tumayo si Gab at nagmamadali pinuntahan ang mga puno ng saging. “ Patawad po nong Doming kung kailangan ko magnanakaw, hindi naman po kayo papayag paghumingi ako sa inyo. Kailangan ko lang po talaga 'tong gawin dahil wala pong makain ang mga kapatid ko.”aniya sa sarili. May bahagi sa puso niya ang makaramdam ng guilty sa kanyang ginagawa kaya, lang wala nang ibang paraan para may maipakain siya sa mga kapatid niya. Matapos niyang mapitas ang malaking puno ng saging pinasok niya iyon sa loob ng sako at nagmamadaling umuwi bago pa siya maabutan ng may-ari. “ Kuya ang dami mong inuwi na saging." Bungad ni Leni sa kapatid. Pasan pasan nito ang sako. “ Wag kang maingay, baka may makarinig sa'yo, malalagot pa tayo.” Anitong naglakad papasok sa loob ng bahay. Agad naman niya inilabas ang saging mula sa sako at niluto iyon. “ Bilisan niyong kumain mahuhuli na tayo sa klase.” Ani Gab. “ Leni, sayo na muna sasama si Camile ngayon ha?”ani Gab tumayo mula sa kinaupuan na yari sa kahoy. kinuha nito ang bag at nagmamadaling naglakad papunta sa paaralan. “ GAB, sumama ka sa amin mamayang gabi.” Yaya sa kanya ng kaibigan si Alvin Kasalukuyan silang nakaupo sa playground ng paaralan. Pinasok niya ang kanyang hawak na notebook sa loob ng bag. Nasa ika-anim na baitang si Gab.Mag ala-una pa ng hapun at wala pa ang kanilang guro. “ Saan naman tayo pupunta?” Naka kunot noo niyang tanong kay Alvin. “ Mamanhikan kasi ang kuya ko sa anak ni aling Marlen.” tugon nito. Bigla siyang naka ramdam ng saya sa sinabi nito “ Diba pagmamanhikan may mga dalang pagkain ‘yon, maraming pagkain?” Naka ngiti niyang tanong. “ Oo magdadala kami ng madaming, madaming pagkain.” “ Sige, sasama ako.” Excited niyang tugon rito. Naka buo siya ng idea sa isipan niya para sa kanilang hapunan magkapatid para mamaya. “ Tulongan mo kami magbuhat ng dalahin. Sabay na tayo uuwi mamaya.” Ani Alvin sa kanya at inakbayan siya nito. Naka ngiti siyang tumango-tango sa kaibigan. “ Ayos! libre na ang hapunan” aniya sa sarili. NAGHAHANDA na si Leni sa paglabas sa paaralan. Kakatapos niya lang maglinis. Araw ng Huwebes siya ang swiper. “ Nasaan kaya si Kuya, bakit hindi tayo sinundo?" tanong ni Camile ng maglakad sila palabas ng class room. Nasanay silang makita ang nakakatandang kapatid nag aabang sa kanila sa labas ng kanilang room. Pero ngayon hapun hindi nila ito nakita. “ Ewan, baka umuwi na’yon, umuwi nalang din tayo baka nandun na si Kuya sa bahay.” Hinila na niya ang kamay ni Camile at nagtuloy sa paglakad palabas ng gate ng paaralan. “ Saan kaya nagpupunta si Kuya, bakit wala pa dito sa bahay?"” Nagtatakang tanong ni Leni ng marating nila ang bahay subalit tahimik ang loob. “ Ate, pwedi ba tayo mauna ng kumain? Nagugutom na kasi ako.” Pakiusap ni Camile sa kanya hinaplos-haplos pa nito ang tiyan. “ Wag na muna kailangan, hintayin natin si kuya sabay tayong kakain.” Aniyang umakyat sa itaas para magbihis ng pambahay. MAGTATAKIP DILIM na ng matapos ma hakot ni Gab ang mga pagkain para sa pamamanhikan. Agad siya nagpaalam sa kaibigan na kukunin niya ang mga kapatid para makakain din ang dalawa ng masasarap. Masaya naman tinugunan ni Alvin ang kanyang hiniling rito. “ Leni, Camile hali kayo sumama kayo sa akin.” Bungad niya sa dalawa ng madatnan ang mga ito nakaupo sa harap ng mesa, halatang hinihintay siya ng mga ito. “ Saan tayo pupunta?” Naka kunot noo tanong ni Leni sa kanya. Naglakad siya palapit kay Camile“ Namamanhikan ang kuya ni Alvin, kina aling Marlen madami silang dalang pagkain. Punta tayo du'n para makakain tayo ng masasarap.” Agad na tumayo si Camile at humawak sa kanyang kamay” Yeah! Makakain na din tayo ng masasarap” masayang sabad ni Camile. “ Dito nalang ako kuya mahihiya ako.” Tanggi ni Leni hindi gumalaw sa kinauupuan. “ Sama ako kuya.” Ani Camile. “ Kayo nalang dalawa dito lang ako.” Giit ni Leni “ Hindi pwedi maiwan ka Leni, kung ayaw mo pumunta hindi narin ako pupunta. Kung magugutom ka magugutom na din ako.” Ani Gab na umupo sa katapat na upuan. “ Ako din dito na rin ako.” Sabad ni Camile nagpakandung kay Gab. “ Sige na nga sama nanga lang ako.” Naka ngiting sabi ni Leni, sinabayan ng tayo. Pinpakain naman ang magkapatid, ng may bahay na pinapamanhikan. Magkatabi ang tatlong nakaupo sa sulok ng bahay. “ Ang sarap ng hapunan natin ngayon, bukas nalang natin tapusin kainin ang saging” untag ni Camile sa kanila habang naglakad sila pauwi. “ Na busog kaba Camile?” Tanong ni Gab atbpinatung ang kamay sa ulo ng bunso. “ Oo naman, subrang busog. Sarap kaya ng kinain natin” masayang tugon nito. Katahimikan ang namayani sa kanilang tatlong magkapatid habang naglalakad. Nakaisip si Gab ng isang paraan. “ Leni, paano kaya hihinto ako sa pag-aaral?” Aniya ng makahiga sila. “ Ano naman ang gagawin mo paghihinto ka?”naguguluhan tanong ni Leni sa kanya. “ Mag tatrabaho ako.” Seryuso ang kanyang boses ng tugunin ang tanong ng kapatid. “ Kuya, kaya pa naman namin magutom. Wag ka nalang huminto sa pag-aaral. Paano ka yayaman kapag-hihinto ka ng pag-aaral?” “ Oo nga kuya, iiwan mo na ba kami ni Ate? “ Sabad ni Camile sa usapan nila. “ Hindi naman ako aalis, magtatrabaho nalang ako sa palayan. Para makakain tayo ng maayos” “ Pwedi ka naman magtrabaho sa palayan kuya, sa araw ng sabado at linggo. Wala naman tayong pasok.” Suhestiyon ni Leni. “ Minsan kasi Leni madaming trabaho sa weekdays.” Giit niya. “ Kuya wag mo nalang e-sakripisyo ang pag-aaral mo.”may halong pang hihinayang sa boses ni Leni. Hindi na lamang umimik si Gab. May punto din naman si Leni, paano nga niya marating ang pangarap kapag titigil siya. Araw ng sabado dahil walang pasok naglalabada si Leni sa kanilang kapit bahay. Pinag-igib naman ni Gab ang kapatid. Tulong tulong silang tatlo sa gawain. “ Na mimiss niyo ba ang inay at itay?” Tanong ni Gab sa dalawa habang nagbobomba ito ng poso. Saglit na tumigil si Leni sa pagkukusot at tumingin sa nagsasalitang si Gab“ Hindi na kuya kasi, iniwanan na nila tayo. Nasanay na ako na wala sila.” Ani Leni at muling itinoon ang mga mata sa kinukusot na puting damit. “ Ako na mimiss ko si Nanay.” Tugon ni Camile na pinalungkot pa nito ang mukha. “ Kung saka-sakali balikan tayo ni nanay, tapos kukunin ka, sasama kaba Camile?” Baling ni Leni sa bunsong kapatid. “ Hindi!” Mabilis nitong tanggi “ Gusto ko kayo ang kasama ko. “ Dagdag pa nito. “ Paano kung pipilitin ka ni nanay, isasama ka?” Si Leni parin. “ Parang awa niyo na wag niyo ako ibigay sa kanya. Gusto ko kayo ang kasama ko.” Mangiyak-ngiyak nitong pakiusap sa kanila. “ Kahit ano ang mangyayari walang iwanan.” Sabi ni Leni nakatingin sa bunsong kapatid nasa harap nito pinaglalaruan ang mga bula nasa loob ng palangana. “ Basta matulog ng maaga si Camile mamaya, hindi natin ibibigay ni inay.” Naka ngiting biro ni Gab. “Promise maaga akong matulog mamaya” ani Camile. Sa kaibuturan ng puso ni Gab gustong gusto niya makikita ang mga magulang nila. NAGISING si Leni, ng hating gabi ng makaramdam ng pananakit ng tiyan at bigla itong nagsusuka. Litong lito si Gab kung ano ang gagawin kay Leni. Tila na de-dehydrate na ito sa walang tigil sa pagsusuka at pagdudumi Putlang putla na ito. “ Dios ko, tulungan niyo po ang kapatid ko, hindi ko po alam ang gagawin ko.” Naisambit ni Gab sa sarili habang nakatingin kay Leni. Naisipan ni Gab na humingi ng tulong sa kapit bahay ng sumapit ang umaga. “ Camile, dito ka muna bantayan mo si ate mo may pupuntahan lang ako.” Agad niyang iniwan ang dalawa kapatid. “ PAANO mo kami mababayaran Gab? wala nga kayong pera.” Ani Cardo ng subukan niyang lapitan ito para mang hiram ng pera. “ Mang Cardo kailangang kailangan ko po talaga madala si Leni sa doctor.” Halos luluhod na siya para lang kaawaan siya nito. “ Pasensiya na Gab, wala akong maibibigay sa'yo. Pero Kung tanggapin mo ang alok ko matutulongan kita.” Nabuhayan siya ng pag-asa sa sinasabi nito. “ Ano po iyon?” Curious niyang tanong. “ Naalala mo iyong kaibigan ko na Doctor, si Orlando? Minsan kana kinausap no'n na amponin si Camile." Namulagat siya sa sinabi nito “ Wag na po mang Cardo, hindi ko po ipapa-ampon ang kapatid ko.” Pagkasabi niyang iyon ka agad siyang umalis sa bahay nito. “ Kahit na ano ang mangyayari hinding hindi ko ibibigay si Camile.” Aniya sa sarili. Pinagpatuloy niya ang paglakad pauwi sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD