Humugot ako ng malalim na hininga habang pilit na pinapakalma ang aking sarili sa gitna ng maingay na musiko at nakakasilaw na mga pailaw. Napukaw lamang ang atensyon ko nang salinan ni Roshane ng wine ang basong hawak-hawak ko. “So, what is it this time?” Nilapag niya ang bote sa ibabaw ng mesa at pinukulan ako ng isang makahulugang tingin. “May nangyari na naman ba?” “N-nothing serious,” nauutal na pagsisinungaling ko. Napakagat ako ng labi nang makita ang unti-unting pagtaas ng kanyang kilay. I’m not a good liar, that’s for sure. “Come on. Mabilis ako makiramdam. Sa tingin pa lang ni Paix sa’yo kanina after Nicoleen’s call, alam kong may kakaibang nangyayari na.” Umiling-iling siya at humigop ng wine bago muling bumaling sa’kin. “Nathan did something stupid again, didn’t he?” “N

