Dahan-dahan kong sinapo ang aking pisngi habang nakatingin sa harapan ng salamin. Sinuri ko ang aking repleksyon at pinagpag ang asul na bestida na suot-suot ko. Akma pa sana akong pipihit sa direksyon ng closet nang mapansin kong nakatayo si Melanie sa pintuan at tahimik akong pinapanood. “Dumating ka na pala,” gulat na bulalas ko at napahawak sa aking dibdib bunga ng pagkabigla. “Bakit hindi ka nagsasalita? I almost jumped in surprise.” Umiling-iling siya bago tuluyang pumasok sa loob ng silid. Lumakad siya sa aking harapan at hinawi ang aking buhok. Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang pagpinta ng pagtataka sa aking mukha. “He’s going to be there, isn’t he?” Isang mahinang palo sa braso ang ginawad ko sa kanya at muling luminga sa salamin. Halo

