Nakatayo kami sa gitna ng entablado ngunit pakiramdam ko'y nakalutang ako sa kawalan. Halos mapapikit ang aking mga mata sa sinag ng mga camera na kumukuha ng mga litrato namin ni Nathan. Sa totoo lamang ay gusto kong tumakbo palayo sa lugar na ito. This situation reminds me of so many things, but his hand is locked with mine. Para bang nahuhulaan niyang kung may pagkakataon lamang ako'y iiwan ko siya mag-isa dito. And I'm serious about that. "Smile. You can't let them see through you." Mahinang bulong niya sa akin habang abala sa pag-ngiti. Pinilit kong ipinta sa aking mga labi ang mapanlinlang na ngiti sa kabila ng panginginig ng bawat kalamnan ko sa katawan. Nang matapos kumuha ng litrato ang mga miyembro ng media, umupo na kami sa harapan ng dalawang mikropono.

