Bumagsak ako sa malamig na simento nang tuluyang bumigay ang aking mga tuhod. Ubos na ang lahat ng lakas ng loob na inipon ko nang tumakbo ako palabas ng bahay na ‘yon. Batid kong nakasunod pa rin sa’kin si Arcell ngunit gustuhin ko ma’y hindi na nasunod ang nanghihina kong katawan sa aking isipan. “Tired already?” tanong niya. Mula sa gilid ng aking mga mata’y nakita ko ang pagtigil ng kanyang paa sa aking tabi. Yumukod siya at hinaplos ang buhok ko kasabay ng isang mahinang pagtawa. Iyong tawa na naghahatid ng kilabot buong pagkatao ko. It makes me scared and angry at the same time. “What did I tell you, Leontine? Wala ka nang pabor na nahihita sa’kin. Ang tagal kitang pinagbigyan.” Mabigat man ang aking pakiramdam, nagawa kong ibangon ang katawan ko upang umupo

