Chapter 13: Endearment
I FEEL like nasa ulap na rin kami dahil kakaiba talaga ang feelings sa tuwing nakikipagsabayan ako sa kiss niya. Kung sa una ay mararahan lang ang mga galaw ng lips namin pero habang tumatagal ay mas nagiging agresibo na iyon at ang marahan na pagkagat niya sa lower lip ko ay mas dumidiin at sinasamahan pa niya nang paghila but he sucked it naman later on. So nawawala rin ang sakit.
I meet his tongue na nag-explore pa sa loob ng bibig ko at hanggang sa dumapo ang isang kamay niya sa likuran ko. Nagpalit kami ng position at nasa ibabaw na niya ako. Nang maramdaman naman namin na wala na nga kaming hangin sa dibdib at mabilis pa ang paghabol namin ay naghiwalay na ang mga labi namin.
I rested my head on his forehead and he even caressed my hair. That’s my first kiss at nakawawala pala talaga ng ulirat. His lips super so sweet talaga! Parang mas matamis pa siya sa mga nakain kong fruits! I think my favorite na ako ngayon, ha. Hinaplos ko naman ang panga niya at tumitig ako sa mga mata niya.
Ang lamig ng eyes niya kung mapapansin mo pero nandoon iyong tila ang lambing kapag sa akin naman siya nakatitig. Nandoon iyong parang matutunaw ako o malulunod sa sobrang lalim nito.
Ngumiti ako sa kanya na hindi naman niya ginantihan dahil nagsalubong pa ang kilay niya. Ang hirap pala talaga niyang pangitiin pero nang makita niya ang pagtulis ng mga labi ko ay hinaplos niya ang gilid nito at iniangat niya pataas ang kanyang ulo para halikan ang tungki ng ilong ko at pababa sa labi ko ulit. I respond with his kiss but nag-stop na siya.
Tinitigan ko ulit siya at masyado na talaga siyang seryoso. Ni hindi man lang ngumiti. Dahil sa inis ko ay pinisil ko ng super diin ang nose niya para hindi na siya makahinga pa.
He just stared at me and I thought wala na siyang gagawin pa but after a couple of minutes ay tinanggal na niya ang kamay ko sa nose niya.
“Bakit ba ang hirap mong pangitiin, ha?” naiinis kong tanong at magkabilang pisngi naman niya ang mariin kong pinisil pero hindi man lang talaga siya nag-react. “May nararamdaman ka pa ba? Or don’t tell me manhid ka na?! Wala kang feelings na kahit na ano?” nagugulat kong tanong sa kanya.
He didn’t say anything and he remained silent. Napabuga ako ng hangin sa bibig ko at sumimangot na ako. Nang makita niya ang reaction ko ay hinaplos na naman niya ang cheeks ko saka niya mararahan na pinatakan ng halik.
Kinabig pa niya ang batok ko para lang dalhin sa dibdib niya. I frowned when I heard his heartbeat. Parang hindi mapalagay, oh. Sa bilis nito ay tila may kasama siya sa racing.
Hindi ko masyadong na-gets pero nang pakinggan ito nang masinsinan ay roon lang nag-sink in sa akin ang katotohanan.
“Bakit ganito ang heartbeat mo?! Hindi na ito normal! Nagpa-check ka na ba, Michael?!” worried kong tanong sa kanya. “Baka kasi abnormal na ito at may kung ano na sa heart mo,” dagdag ko pa at mayamaya lang ay humagalpak na siya nang tawa. I was so confused but I stilled.
Sa hirap niyang pangitiin ay nakaramdam pa ako ng frustration. But when I’m talking about his heartbeat ay kung makatawa naman siya ay parang wala ng bukas, ha!
Kunot na kunot ang noo ko at umalis na ako sa ibabaw niya. Nag-indian sit pa ako at pinapanood ko lang siya na tumawa. Napakamot ako sa kilay ko at napatili pa ako dahil sa paghila niya sa pulso.
Ginawa pa niyang pillow ko ang braso niya at hinapit pa niya ako palapit sa kanya para lang mahigpit niya akong ikukulong sa mga bisig niya.
“You’re so adorable, and too innocent, baby,” he uttered and rested his chin on the top of my head after he kissed it.
Naisubo ko ang hinlalaking daliri ko sa kaliwang kamay ko dahil nagugustuhan ko ang feelings na ito. Parang aantukin ulit ako, ah. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko pa ang pagkuha niya sa braso ko para dalhin iyon sa baywang niya.
Hinalikan pa niya ang tungki ng ilong ko at narinig ko pa ang mahinang paghalakhak niya nang makita niya siguro ang ginagawa ko sa daliri ko.
Hinipan niya ang eyelashes ko kaya napadilat ako. Naaaliw na tinitigan niya ako but I closed my eyes again.
“You’re tired from your trip, right?” I asked him.
“Yes.”
“Then sleep,” sabi ko pa at sumiksik pa ako sa katawan niya hanggang sa idinantay na nga niya ang binti niya sa baywang ko pero hindi ko na pinansin pa iyon.
Malamig sa loob ng room ko dahil sa aircon pero comfortable naman ako kasi may kayakap ako, eh. Kaya nauna siguro akong nakatulog.
Nagising ako noong lunch time na at wala na si Michael sa bed. Napanguso ako at hinagod pa ng mga daliri ko ang short hair ko. Hinubad ko ang blouse ko at itinira ko lang iyong white sando ko.
May suot din ako na shorts pero naghanap pa ako ng pajama sa cabinet at iyon ang sinuot ko saka ako lumabas.
Noong bumaba na ako sa hagdanan ay nakatutok pa ang tingin ko sa phone ko dahil sa dami kong natanggap na chat message ni Tita Mommy sa f*******: account ko and when I tried to reply her message ay nanlaki ang mga mata ko nang dumulas ang isang paa ko at ang akala ko ay tuluyan na nga akong babagsak pero may nakasalo na pala sa akin mula sa baba.
Isang baytang lang naman sana iyon, eh. Napapikit pa ako nang tumama ang noo ko sa matigas nitong dibdib at mabilis talaga niya akong naalalayan.
“Miss, be careful. Stop using your phone kapag nasa hagdanan ka,” matigas ang boses na paalala nito sa akin at kinuha pa ang cellphone ko after niya akong patayuin nang maayos.
Hindi naman niya tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko. Ibinulsa niya sa pants niya ang phone ko.
“But I need to reply my Tita Mommy’s chat messages, Michael,” ani ko at nang subukan kong kunin iyon ay iginiya niya lamang ako sa kitchen.
“Later, baby. Kakain muna tayo ng lunch.” Nagsalubong ang kilay ko sa aking narinig. Tama naman siguro ang narinig ko sa kanya, right? Hindi ba ako nagkamali lang?
“Did you just call me baby?” I asked him. Hindi na siya kumibo pa dahil tumikhim na lamang siya. “Sagutin mo ako, Michael. Huwag mo akong i-silent treatment dahil kapag nainis ako sa ’yo ay isang taon naman kitang hindi papansinin!” asik ko sa kanya and my eyes widened when he massage his temple. “Akala mo ay joke lang ’yon?!”
“Okay, okay. Calm down, baby, and yes,” Mariin ko na lamang naitikom ang bibig ko dahil narinig ko na nga ang endearment niya para sa akin.
Nagpahila na lamang ako sa kanya at nasa dining area na nga ang family ni Mommy. Nandoon ang husband niya. Si Uncle Leonard. Casual din ang pakikitungo ko sa kanya dahil inaamin kong mabait itong stepfather ko pero ayoko lang na maging close kami sa isa’t isa. Kasi baka malaman ito ni Dad at magsasamaan na naman sila ng loob ni Mommy. Grr, ako na naman kasi ang maiipit sa situation nila.
“Hi, Uncle Leonard,” I greeted him and he smiled at me.
“Nice to see you again, Novy,” he said. Pinaghugot pa ako ni Michael ng chair at umupo na lamang din ako.
“Yeah,” sabi ko lamang because ayoko ng pahabain pa ang pinag-uusapan naming dalawa.
“Ate, pritong isda is your favorite ulam, right? Therefore Mom cooked this for you,” natutuwang sabi ni Cloud at wala sa sariling napatingin ako kay Mommy.
“Why are you so conyo, Cloud? Just eat will you?” malamig na saad niya sa brother ko.
“Come on, let’s eat, Engineer Michael,” Uncle Leonard said.
Katulad sa party last month ay inasikaso na naman ako ng fiancé ko at hinayaan ko na lamang siyang gawin ang mga bagay na ito kahit hindi naman ako sanay. Napansin ko lang ang dami ng rice na ibinigay niya sa akin. Kaya noong nagsimula na kaming kumain ay sinasadya ko rin na ilipat iyon sa plate niya gamit lang ang spoon ko. Ang kulit niya kasi, eh. Alam niyang kaunti lang ang kinakain ko pero dinadamihan niya.
Kumukuha nga lang siya sa ibang plate para dagdagan ang rice ko. Tahimik lang naman kaming kumakain pero napapansin na namin ang panonood sa amin ng tatlo kaya huminto na rin ako.
“What po?”
“You looks bagay, Ate. I’m rooting for both of you,” sabi ni Cloud at nag-thumbs up pa talaga siya sa amin kaya inirapan ko siya.
“Ang conyo mo, ha,” ani ko.
“Hanggang kailan kayo mananatili rito, Novy?” tanong ni Mommy.
“It depends po sa inyo na makita ang face ko sa house ninyo everyday, Mommy,” I replied.
“You can stay here as long as you want, Novy,” Uncle Leonard uttered but I shook my head.
“May work po ang fiancé ko and I need to be practice for my competition next month. Kinukulit na rin po ako ng Mommy ko,” saad ko at tumikhim si Mommy. Dahil ang tita ko naman talaga ang tinutukoy kong Mommy. “Si Tita Mommy po iyon,” pagbibigay linaw ko pa at pasimple pa akong inirapan ng aking ina. Selos pa more, ay.
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagpaiwan ako sa kitchen para panoorin si Mommy na naghuhugas ng plato na pinagkainan namin.
“Ano pa ang ginagawa mo rito, Novy? Umakyat ka na sa room mo at magpahinga. Hindi kayo puwedeng magtabi ng engineer na iyon kahit na fiancé mo na siya. May guest room tayo,” malamig na saad niya.
Pinaglalaruan ko lang ang yelo sa juice ko at may box pa na pinaglalagyan nito. Nang sumubo ako ng isa ay lumikha ito nang ingay dahil nginuya ko pa.
“Super cold,” ani ko at nilingon niya ako.
“Masisira ang ngipin mo niyan kapag ngumuya ka pa ng yelo!” See? Maliit na bagay lang naman iyon pero big deal na for her. I shrugged my shoulder. Nakaupo ako sa highchair at nakatukod ang dalawang siko ko sa island counter.
“Bibigyan ka namin ng one dozen na apo, Mommy. How’s that?”
“Shut up, Novy. Umakyat ka na roon sa room mo at ipahanda mo ang guest room para sa fiancé mo,” giit niya. Ayaw niya talaga na magtabi kami ni Michael.
“Haist, Mommy. Hindi na po iyon kailangan. Share kami ng bed dahil dito namin gagawin ang first baby namin ng engineer ko. Sa house naman ni Daddy ang second baby namin,” biro ko pa at nang makita ko ang pagtalim nang tingin sa akin ni Mommy ay kinuha ko na ang basong may laman pa na juice at nagmamadali na akong lumabas from the kitchen.
Nabigla pa ako nang makita ko si Michael na nakakrus ang mga braso niya sa dibdib at mukhang naghihintay siya sa akin sa labas.
“What?” tanong ko at nginuya ko ulit ang yelo pero mabilis na niyang inagaw ang drinks dahil maraming tube ice sa loob.
“Don’t be hot-headed, Miss. Come on.” Sabay hawak niya sa pulso ko. “Let’s make our first baby in your room.” My eyes widened. Wish granted na naman!
“I’m just kidding, Michael!” sigaw ko sa kanya at binawi ko ang kamay ko from him. Kakaiba naman yata ang attitude ng engineer na ito. Parang sinabi lang naman iyon pero wish granted na agad kapag lumabas na sa bibig ko?
“I’m serious, Novy,” mariin na saad naman niya.
“Isa na lang talaga ay iisipin ko na naka-drugs ka,” komento ko pa pero mukhang nagpapaubaya naman ako dahil sumama rin ako sa kanya paakyat sa room ko.
“I’m just an engineer. I don’t know how to use that kind of drugs,” depensa niya.
“Michael...”
“Yes, baby?”
“Hindi ako sanggol para tawagin mo ako ng ganyan, ha.”
“Miss, this is my endearment for you. Baby.”