CHAPTER 7

2671 Words
Chapter 7: Arranged marriage TITA Mommy Novyann chuckled softly at humahalakhak na rin si Don Brill. Ewan ko lang kung ano ang dahilan nila na kung bakit natuwa pa sila sa sinabi ko. May nakatutuwa ba na sa halip na tomato sauce ang kukunin namin ay nauwi lang kami sa salt? “By the way, alam mo ba kung bakit nakiki-share tayo sa kanila ng table, sweetheart?” Tita Mommy asked me. Sinusubukan ko nang buksan ang takip ng jar pero nahirapan pa ako. Hindi ko kaya sa super higpit nito. I cleared my throat at tumingin ako kay Engineer Michael. Likas na tahimik yata ang isang ito, eh. Siguro Most Behave siya noong nasa grade school pa siya, ’no? Every year siguro iyon. Psh. Tuwang-tuwa rin siguro ang parents niya na umaakyat sa stage para sabitan siya ng ribbon. Kung nandoon lang ako ay baka papalakpakan ko pa siya. “Or maybe sila po ang nakiki-share sa atin?” balik na tanong ko at hindi na tumigil sa malakas na pagtawa niya si Don Brill. Nakukuha na rin niya ang ibang attention ng mga guest pero wala lang naman iyon sa kanya. Napailing na lamang ako at ngumiti na lang. Masayahin naman pala itong lolo niya. Kahit nakikita mo ang strict sa mukha niya at parang palaging may authority kapag nagsasalita siya. Nagulat pa ako nang mabilis na inagaw ni Engineer Michael ang jar na hawak ko at siya ang nagbukas no’n. Napakagat na lamang ako sa labi ko at nakita ko na nilagyan niya rin ng asin ang rice niya after niya itong mabuksan. Seryoso pa rin siya nang ibinigay niya ulit sa akin. “Thanks—” Nalukot ang tungki ng ilong ko dahil mas humigpit lang ito lalo. Nang balingan ko siya ay ngumunguya na siya ng kanin habang nakatitig sa akin. May ibang pahiwatig ang tingin niya. Bumalik naman ang pagiging isip bata niya kanina. Akala ko pa naman ay bubuksan na niya ito para sa akin. What a jèrk. Gumaganti siya ng harap-harapan. Gusto talaga niya na may war sa pagitan namin? Grr. Kumain na lang ako kahit walang lasa ang kanin. Ang drinks lang naman ang iniinom ko. Sa tuwing napapatingin nga sa akin ang engineer na ito ay iniikutan ko ng eyeballs. Kanina pa siya but no reaction pa rin siya. Marunong kaya itong mainis? Kasi parang hindi, eh. Matalino lang kung mang-asar at gumanti sa akin. “Anyway, bago ko makalimutan ang gusto sana naming sabihin sa ’yo, Novy anak. Ang purpose namin ay...” Sinadya naman ni tita na binitin ang kanyang sasabihin. Para mas lalo akong ma-curious. “What is it po, Tita?” I asked her at tumikhim pa siya bago siya tumingin kay Don Brill. Binalingan naman ako nito. “How old are you, hija?” Don Brill asked me. Bago nga lang ako sumagot ay sinulyapan ko pa ang apo niya. Nang maramdaman niya na nakatitig ako sa kanya ay matapang na sinalubong niya ang mga mata ko. “I was born on April 30, so... I’m 27 years old na po,” sagot ko at medyo tumaas pa ang sulok ng mga labi niya. “Hmm, not bad. I think magkakasundo naman kayo ng apo ko. Novy Marie, meet my grandson. He’s going to marry you soon,” sambit niya at nagulat pa ako. I almost choke with my saliva. “We already settled your engagement party sa Philippines, sweetheart.” Naibaba ko ang hawak kong spoon nang magsalita rin si Tita Mommy. “What?! Are you serious po, Mommy?!” biglang bulalas ko at namimilog pa ang mga mata ko. Hindi niya lang pala binalak na ipakilala ako rito dahil gusto niya rin na— I shook my head. Parang hindi nga kami magkakasundo nito dahil ang kulit niya kanina! Mahilig siyang mang-asar kahit wala naman akong ginagawa! Kaya paano kami magkakasundo ng isang engineer na ito? And bakit hindi man lang siya nagreklamo na it seems sumasang-ayon na agad siya?! “Calm down, honey,” pag-aalo sa akin ni tita. “But Mom? Hindi ninyo po ba kami tinanong if gusto—” “I will not refuse to marry your niece, Tita Novyann,” he said at diretso talaga. Nasa tono ng boses niya ang final decision. “Will you marry me even if you don’t know me yet?!” I yelled hysterical at him. “Yes,” mabilis na sagot niya at nakita ko pa ang pagngisi niya. My lips parted in shock. “I know you already. I saw you at the hotel before this day. We got stuck in the elevator together. You’re afraid of the dark then I’m there to comfort you. I lent you my pet cat. I hold your finger and play with it just to distract you with fear. Then... I borrowed you my coat because you wear it too revealing, and you are Novy Marie V. Bongon, born on April 30, 27 years old. An international tennis player and always an Olympic games champion. You are the girl Grandpa chose to be my better half for life,” he said sincerely. Nawalan ako ng salitang sasabihin dahil diretso ang pagkakasabi niya. Halos hindi rin siya kumukurap. Pero ano raw ulit? My better half for life? Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? “But—” “Don’t you like him, Novy? I know Engineer Michael, coz. He’s kind naman,” sabat naman ni Devi. “Marami pa naman kayong oras para kilalanin ninyo ang isa’t isa, Novy. Mas nauna pala ang apo ko na makilala ka. Wow, that’s coincidence—I mean destiny,” ani Don Brill and I shook my head. “Hindi po ako naniniwala sa destiny, Grandpa,” I told him and he smiled at me. “Let’s see then,” he said. “Uhm, baka po... May girlfriend na si Engineer Michael, Tita Mommy,” pagdadahilan ko para sana hindi na nila ito ituloy pa ang binabalak nila. Umiling nga lang si tita na parang sinasabi niya na wala. “How sure you are po, Mommy? Baka nga po ay may babae—” “Tita Novyann. I’m interested in Novy Marie. I don’t have a girlfriend but if I ever have a girl it’s your niece,” he said na naman. Good God. Bakit yata may butterfly na sa loob ng tummy ko? What was that?! “Are you insane, Engineer?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Let’s talk for a moment? Excuse us po,” paalam niya at wala sana akong balak na sumama pa sa kanya pero hinawakan niya ang siko ko at hinila niya ako patayo. May pag-iingat naman ang paraan nang paghawak niya sa akin. Ang kaso lang ay may kung ano’ng sparks na naman akong nararamdaman mula sa palad niya. “What? I don’t want to,” tanggi ko but he encircled his arm around my waist. “Mommy...” “Sige na, anak. Mag-usap muna kayo,” sabi niya at si Don Brill naman ay nag-thumbs up lang sa akin. Si Devi naman ang binalingan ko. She just shook her head. I was about to protest pa rin but I saw my mother. She raised her brows at me. Madadaanan ang table nila kaya nang makalapit kami sa kanila ay agad siyang tumayo para lang harangan kami. “Who’s this man, Novy?” she asked me coldly. Nakataas pa ang kilay niya nang pasadahan niya ito nang tingin mula ulo hanggang paa. Tiningnan pa ako ng engineer pero hindi naman siya nagtaka pa kung sino ang babaeng nagtatanong sa akin. I hate my Mom so much, pero hindi ko rin siya puwedeng insultuhin sa harapan ng maraming tao kahit na ginawa pa rin niya iyon sa akin sa hotel. Dahil wala rin naman talaga siyang pakialam pa sa akin. I looked at Engineer Michael. Sa isang tingin ko pa lang sa kanya ay parang nakuha na niya agad ang gusto kong ipahiwatig. “I’m Engineer Michael S. Brilliantes, Madam. Novy’s fiancé,” diretsong sambit nito. My lips rose up dahil dumaan ang gulat sa mukha ni Mommy. Hindi pa official ang engagement namin pero iyon na agad ang pagpapakilala niya sa sarili niya. “What?! Sino naman ang nagsabi sa ’yo na magpapakasal—” “Hon, calm down.” Pinaupo siya ng asawa niya at nagpumiglas pa siya. Pulang-pula na ang mukha niya sa super frustrated na nararamdaman niya. “Where’s your aunt? Sino ang nagsabi sa kanya na basta ka na lamang ipakakasal sa ibang lalaki?! I already told her na ako ang pipili ng lalaking pakakasalan mo, Novy!” asik nito sa akin. Kahit nakatingin na sa amin ang mga tao ay alam ko naman na wala pa ring naiintindihan ang mga ito. Iisipin nila na misunderstanding lang ang lahat. I shrugged my shoulder. “May karapatan sa akin ang Tita Mommy ko, Mom. There is nothing you can do about it if you choose the man I will marry. I’d rather dìe,” I said. Binitawan siya ng asawa niya at lalapit na sana siya upang sampalin ako pero humarang na sa pagitan namin si Michael. Dinala pa niya nga ako sa likuran niya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na tunog ng pagkakasampal niya sa pisngi ng engineer. Hinila ko ang braso nito para iharap siya sa akin at kitang-kita ko ang pamumula sa kanyang kaliwang pisngi. But he remained composed. Wala lang pala sa kanya ang masampal! “Mom! Why did you do that?!” sigaw ko sa kanya. Nanlilisik agad ang mga mata niya. Kaunti na lang talaga ay mawawala na ang respect ko sa kanya! “What’s going on here?” Hinila ko na palayo roon si Michael nang marinig ko na ang boses ng stepmother ko. Bruha na nga ang wife ni Daddy ay mas malala naman si Mommy. Mga walang silbi talaga! “Bakit kasi hinila mo pa ako at hindi ka man lang umiwas?!” naiinis kong tanong sa kanya. Umakyat kami sa itaas at nang may makita akong servant ay inutusan ko siya na kumuha ng ice compress. Binuksan ko ang pintuan ng isang guest room. Mabilis din naman na kumilos ang babaeng inutusan ko at malapit lang ang room na pinagkuhanan niya no’n. Pinaupo ko sa bed si Engineer Michael. Natigilan lang ako nang naninimbang niya akong tiningnan. “I’m fine,” tipid na sabi niya lamang. “Here it is, Young Lady.” Marahas kong inagaw ito mula sa babae at umupo sa tabi niya. “Namumula na ang pisngi mo. Fine ka pa sa lagay mong iyan? Bakit ba hindi mo na lang hinayaan pa ’yon? Masyado kang pakialamero, eh!” I shouted at him. He just shrugged his shoulder. I reached his face but wala siyang balak na yumuko kaya tumayo ako para lang maabot ko siya. Diretso ko siyang tinitigan. Hindi man lang siya napaigtad nang idampi ko na sa kanya ang ice compress. Titig na titig lang siya sa akin. Hindi tuloy ako mapakali. Nalulunod ako sa mga mata niya sa tuwing sasalubungin ko iyon. Kumunot ang noo ko nang itukod niya ang magkabilang palad niya sa kama na nasa likuran niya kaya bahagya siyang lumalayo sa akin. “Don’t move!” sigaw ko at hinawakan ko ang panga niya. Pero dakilang makulit din siya kasi lumalayo lang siya from me. “Michael, isa!” I warned him. Hinila ko ang kanyang necktie pero na-guilty lang ako nang makita ko ang mapula niyang pisngi. Ayokong madagdagan ang atraso ko sa kanya. Hinawakan ko na lamang ang buhok niya at sinabunutan ko ito. Nagsalubong ang kilay niya. Hinigpitan ko pa iyon but he didn’t complain though. Hindi yata siya nasasaktan. “Sit on my lap,” marahan na sambit niya. “Ano ka sinusuwerte? Hindi naman iyan upuan,” nang-aasar na saad ko. “Fine. Ikaw naman ang mahihirapan.” “Kung lumapit ka na lang kasi sa akin!” ani ko. Hinawakan niya nga ang kamay kong nasa buhok niya saka niya ako hinila palapit sa kanya. Napaupo na tuloy ako sa lap niya. My eyes widened. Hinawakan ko siya sa balikat niya and I was about to stand up na rin but yumuko na siya at idiniin ang kamay kong may hawak na ice compress. Sa paraan na iyon ay hindi na ako nahirapan pa. Iyon nga lang ay mas malapit ang mukha niya sa akin. Tumatama na ang mabango at mainit niyang hininga sa akin. Pinasadahan pa niya nang tingin ang buong mukha ko, tumatagal iyon sa lips ko. Inayos niya ang pagkakaupo ko at wala na akong choice pa kundi ang hayaan na lamang siya. My shoulder jumped when I felt his hand on my waist. “You’re very beautiful...” he whispered and when I stared at him. Namumungay na ang mga mata niya at tila inaantok na siya dahil sa bagal nang pagkurap nito. Nabibingi na naman ako sa lakas ng tambol sa dibdib ko. I took a deep breath. I need to do this dahil ang Mommy ko mismo ang sumampal sa kanya. Kahit parang childish siya at makulit talaga ay hindi ko naman puwedeng hayaan na mamaga lang ang cheek niya. Ang lambot pa naman at ang kinis. Visible rin dahil maputi siya. “I know, right,” I said and rolled my eyes. Mariin kong naitikom ang bibig ko dahil sa paghapit niya sa baywang ko kaya mas lalong naglapit ang mga mukha namin. Ilang maling galaw ko na lamang ay tatama na ang lips ko sa kanya. “Huwag ka ngang malikot,” marahan na suway ko sa kanya. Lumipat sa pisngi ko ang isa niyang kamay at namanhid ang batok ko. Mainit at magaspang ang palad niya na humahaplos sa right cheek ko. Hinayaan ko ulit siya hanggang sa hinawi niya ang buhok sa mukha ko at inipit ito sa likod ng tainga ko. Parang lumiliit na ang room dahil wala ng lakas ang aircon. Pinagpapawisan na kasi ako, eh. “You’re 27 years old, and I’m 25 but still... Age doesn’t matter,” he said. “Tell me. Bakit hindi ka man lang tumanggi?” I asked him. He shrugged his shoulder. “Aside from I don’t want to disappoint my grandpa. I’m interested in you,” straight forward na sabi niya. I sighed again. “You know what? Walang ka-interest-interest sa akin. Especially in my life? It’s boring. You see, I come from a broken family. Dad has his own family and so does Mommy. I grew up in my aunt’s pod and she became my mother and father. Wala rin akong maipagmamalaki sa ’yo. I don’t have a permanent address. Can’t be fixed in one place also because I’m always in another country. I’m not perfect either,” kuwento ko na hindi ko alam kung bakit nai-share ko na iyon lahat sa kanya. “But that’s interesting, because... Despite of what happened to you, you still survived all the trials. Novy Marie. Do you know I met a lot of beautiful girls but you’re the most beautiful of them all?” he asked me and I rolled my eyes again. Walang connect sa sinabi ko sa kanya. Psh. “Tigilan mo na ako sa kabobola mo sa akin,” supladang sabi ko at tinanggal ko na ang bagay na nasa pisngi niya. Aalis na sana ako sa lap niya pero humigpit ang braso niya sa baywang ko. “Kanina ka pa, ah,” salubong ang kilay na saad ko. Itinukod ko ang palad ko sa dibdib niya para sana itulak siya pero hinawakan niya iyon at dinala sa labi niya. He kiss the back of my hand. “Nice to meet you, Miss Novy Marie,” he said at parang nanigas na rin ako dahil sa malambing na paghalik niya sa pisngi ko. Lumalambot ang puso ko at ngayon lang... Ngayon lang na may isang lalaki ang nagpakilala sa akin ng ganoon ang ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD