Chapter 21: Meeting his friends
WHITE strap top ang suot ko and a yellow tiered skirt naman pababa, and a pair of yellow pumps. May pouch din ako kaya roon ko inilagay ang phone ko and my cards.
Black V-neck shirt din ang suot ng fiancé ko and dark blue blazer, and black trousers. Chukkas boots naman ang suot niyang panyapak. Nakakrus ang dalawang braso niya habang pinagmamasdan niya ako. Nakahilig siya sa nakasaradong pinto. Pinapanood niya talaga ang bawat kilos at galaw ko.
“Are you done, Miss? Kanina ka pa palakad-lakad diyan,” komento niya nang hindi na siya makapaghintay pa sa akin.
“Let’s go. Baka ma-late tayo,” sabi ko at lalampasan ko na sana siya nang hinagip niya ang siko ko na may pag-iingat pa. Hinila niya ako palapit sa human-size mirror at pumuwesto siya sa likuran ko. Dahil mataas ang heels ko ay umabot ako sa baba ng kanyang labi.
Hawak niya pareho ang mga balikat ko at napatitig ako sa kanya gamit ang salamin. Dahil mariin ang bawat titig niya.
“Look at your neck, baby.” Sinunod ko naman iyon.
“Why? What’s with my neck?” I asked him in confused. Kasi bakit niya ako uutusan na tingnan ang neck ko? May something ba rito?
“Closer.” Mas lumapit pa ako sa salamin para makita ang tinutukoy niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kissmark niya!
“Owemji, ang ganda,” nakangising sabi ko at humarap ako sa kanya para halikan siya sa lips niya. Mabilis niya akong hinapit sa baywang ko and his other hand ay nasa batok ko na pero wala akong balak na patagalin ang kiss namin. Kinagat ko ang lower lip niya. “Later,” sabi ko lamang sa kanya at ako na ang humawak sa kamay niya para makalabas na rin mula sa walk-in closet namin.
“Hindi ka galit sa kissmark ko?”
“This is art,” sagot ko lamang.
“Really?” he said, chuckling.
***
My senses hurt because the music was so loud inside the bar and all I can breath is smoke. Goodness people...
On the dance floor there’s a lot of dancing and I even saw a girl being danced by two guys. I avoided looking because I saw them all glued to her. Yikes. Get a room already.
I’m so used to the noise of people cheering me on the gymnasium when I have a competition but nothing like this. I get irritated easily.
I’ve been sitting and drinking juice because I don’t want to drink but Michael is already drinking his wine but he’s just quiet. His cheeks are turning red. I can’t tell if he’s drunk or what.
“Baby, you okay?” I asked him at umayos siya mula sa kanyang seat. Namumungay ang mga matang tiningnan niya ako at humilig pa siya. So I can smells his scent at amoy alak din siya. But I don’t care. Mabango pa rin naman siya.
“D-Did you just call me baby, Miss?” he asked me. When I shook my head ay bumalik lang sa pagiging serious ang face niya.
“Smile ka muna tapos tatawagin kitang baby kahit paulit-ulit pa,” nakangising sabi ko and I even rested my left elbow on his shoulder. He rolled his eyes at lumagok lang siya ng iniinom niyang wine. Pinisil ko ng sobrang diin ang pisngi niya. Killjoy as ever.
“Suplado!” naiinis na sigaw ko sa kanya. Umiling sa akin ang mga tennis player dahil sa pagsigaw ko. Maingat pa niyang tinanggal ang siko ko na nasa balikat niya. Nang tumayo siya ay hinila ko ang braso niya. Muli siyang napaupo sa coach. “Where are you going, Engineer Michael?” I asked him.
“CR,” tipid niyang sagot. Sinundan ko pa siya nang tingin hanggang sa humalo na rin siya sa mga tao.
Lumipat naman ang iilan na kasamahan ko para lang maki-chitchat sa akin about my fiancé.
“Novy, grabe ang tahimik pala ng fiancé mo.”
“Hindi rin siya namamansin. I wonder kung kaya mo ba talaga siyang pakisamahan.”
“Me too, ang hirap ngang basahin ang facial expression niya. He’s super dark, aloof and tahimik din. Hindi ko yata kaya ang ganoong klaseng lalaki, Novy. But he’s hot naman at kayang-kayang ko rin naman siguro siyang pakisamahan.”
“Ako rin, kung ganoon naman ang hitsura niya ay hindi baleng matuyo ang laway ko. Basta makita ko siya araw-araw, nakabubusog siya sa eyes.”
“Ganoon lang siya if hindi siya comfortable sa mga taong kasama niya,” ani ko at ako naman ang tumayo.
Kahit nga ako ay okay lang kung ganoon siya. Okay lang kung always siyang tahimik dahil alam ko rin naman kung paano siyang padaldalin. Hindi naman siya ganoon ka-dark and aloof. Well, goods na iyon dahil sa akin lang niya ipinakita ang mga ugaling mukhang ganoon at ayokong may makaalam pa no’n bukod sa mga taong malapit sa kanya.
“Comfort room lang ako,” paalam ko.
Doon nga ang punta ko but natapos lamang ako ay hindi pa rin bumabalik si Michael. I tried na tawagan na lamang siya pero hindi naman niya sinasagot. But later on ay sinagot naman niya. “Michael? Where are you? Kanina ka pa hindi bumabalik. I’m worried,” nag-aalalang tanong ko.
“Nasa labas ako, Miss.”
“Ano’ng ginagawa mo riyan sa labas at bakit nandiyan ka? Bakit hindi ka na bumalik pa rito?” nagtatakang tanong ko.
“Puntahan mo na lang ako, please.”
Nagmamadali na rin akong lumabas sa bar. Nasa parking space naman na naka-park ang car niya and I saw him nakaupo sa sahig tapos nakahilig siya sa hood nito.
Napatakbo pa ako sa kinaroroonan niya at muntik pa akong matalisod dahil sa taas ng heels ko. Mabuti na lamang ay nakabalanse agad ako.
nag-squat ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang kanyang panga at tiningnan ko rin ang face niya. Pulang-pula na talaga ang cheeks niya tapos mapungay na ang eyes niya.
“Checkmate,” sabi niya na ikinatawa ko. Ganito talaga siya kapag wala na sa sarili.
“Uwi na tayo? Lasing ka na yata, Engineer. Hala, ang hina mo pala sa alcohol.”
“Yeah,” pag-amin niya. Inalalayan ko siyang makatayo at nalukot ang mukha ko dahil sa bigat niya.
“You’re such a big baby,” nahihirapang saad ko at binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya.
“Can you drive, Miss?”
“Yup, pero hindi ko dala ang driver license ko. Patay tayo kapag nahuli ng mga police.”
“Oh, but I can’t risk ourselves. Just drive safely, baby,” sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
Nang maiupo ko na rin siya sa shotgun seat ay inayos ko ang seatbelt niya. “Why kasi na hindi ka nagsabi sa akin na mababa ang tolerance mo sa alcohol?” I asked him.
“I thought kaya ko but hindi naman pala. Nahihilo na ako, Novy,” sumbong niya and I chuckled.
“Mabuti na lang pala ay hindi wine ang ininom ko kanina. Dadaan muna tayo sa isang coffee shop para mahimasmasan ang kalasingan mo.”
Nakapikit pa nga siya at ilang beses na hinilot ang sentido niya. Pagdating nga namin ay hindi na ako nahirapan pa na alalayan siya. Nag-order ako ng coffee para sa amin at sinamahan ko na rin ng pancake. Pasulyap-sulyap pa ako sa side niya dahil sumandal siya sa table. Sa pagbalik ko ay ibinaba ko ang tray.
“Hmm...”
“Here’s the coffee, Michael.” Inilapit ko ang isang cup sa kanya at kinuha naman niya iyon saka siya marahan na sumimsim.
Amoy wine nga siya pero nangingibabaw pa rin ang matapang niyang perfume. Sinubuan ko rin siya ng pancake at hindi naman siya tumatanggi.
Bigla naman na dumating ang pamilyar na face ng dalawang tao na nakita ko sa site last month. Nang makilala nila ang lalaking kasama ko ay nagmamadali pa silang lumapit sa side namin.
“Michael?” sambit ng lalaki sa pangalan ng fiancé ko.
Tumingin naman sa akin ang babae na salubong ang kanyang manipis na kilay at pilit niya akong kinikilala.
“Wait, hindi ba ikaw ang babae na bigla na lamang nagpakita sa site?” tanong niya at nginuya ko pa ang kinakain ko.
“What now?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
“So, ikaw nga. Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Michael?”
“I don’t know,” mabilis kong sagot and I even shrugged my shoulder.
“Yeah, siya nga iyon. Alam mo rin ba na kinain ng kaibigan namin ang tira-tira mong lunch noon? Nalagyan na nga ng tissue ang ulam pero kinain pa rin niya pati na ang extra lunch pack mo. Wala siyang itinira kaya sa banyo agad siya pumunta. Halos hindi namin siya makausap ng araw na iyon. Nag-alala na nga kami sa kanya, eh,” paliwanag naman ng lalaki. Wala sa sariling napatingin ako sa katabi ko.
“True na kinain niya nga iyon lahat?” tanong ko na nasa boses ko ang gulat.
“Oo. After that ay hindi na siya lumabas pa para bumili ng pagkain sa baba.” Ang babae naman ang sumagot sa akin. Napatango ako.
“Who are you, Miss?”
“Why are you asking her, Ocean?” walang emosyon na tanong ni Michael. Akala ko ay mananahimik lamang siya at magpatuloy sa coffee niya. Umupo na sa aming tapat ang dalawa at hindi ako tinantanan ng babae. Ang sama niyang makatingin sa akin, “And stop glaring at my fiancé, Zafrina,” he added.
“What?! Fiancé mo siya?” sabay na sigaw ng dalawa.
“Yes,” sagot ni Michael sa kanila at idinantay niya ang braso niya sa chair ko na parang nakaakbay na rin siya.
“Oh, kaya rin naman pala ganoon ang reaction niya nang makita kang nakapila ng—”
“Don’t you dare say that. Stop it,” putol niya sa sasabihin ng friend nito.
“Okay. Ipakilala mo naman kami sa fiancé mo, Michael.”
“No need. Just search her on the internet,” balewang sabi lang nito.
“I’m Novy Marie V. Bongon, just call me Novy,” I introduced myself to them.
“Ocean D. Monteverde, Miss Novy, and this is my girlfriend, Zafrina Anne Salazar. We’re best friend of your fiancé,” nakangiting sabi ni Ocean. Ang cute ng name niya as in Ocean na karagatan?
“Oh, nice to meet you,” ani ko. Nakipagkamayan din ako pero si Michael ay pinunasan niya ang kamay ko gamit ang laylayan ng v-neck shirt niya. Umiling si Ocean, samantalang si Zafrina naman ay kumunot ang noo.
“Malinis ang kamay namin, Michael. Grabe ka,” sabi pa ni Ocean.
“Pinapakain niya ako, kaya baka may germs. Galing pa naman kayo sa labas, mahirap na,” he reasoned out.
“Anyway, ano ba ang trabaho mo, Novy?” seryosong tanong naman sa akin ni Zafrina. May attitude si ate girl dahil kulang na lang ay pagtaasan niya ako ng kilay.
“Nothing, except I’m just playing tennis,” I said and shrugged my shoulder again.
“That’s not a job. Bullshít, it’s just a game and it’s useless. Only your body will get tired from playing,” malamig na saad niya. Hayst, wala talaga siyang sasabihin na iba kundi iyon lang. Mananakit siya sa katotohanan but as if naman ay ma-o-offend ako.
“Zaf—”
“There is no difference in working Zafrina. Both are exhausting,” I uttered the fact.
“At least even if you’re tired from morning till noon, you have money. You have a salary and you have savings. Kaysa naman ang maglaro ka lang buong araw ay wala ka namang pera na makukuha. Pagod at pawis lang. Where is your efforts to that?”
“There is, though, and you shouldn’t judge tennis players like us. We have different passion and not everyone has the same mindset. Me, I’d rather be tired from practice, and playing tennis than working. You, you just build your building and no one will complain to you. Unless ang mga client mo ang magrereklamo sa ’yo,” I blurted out. She gritted her teeth. Halatang ayaw niya sa akin. May galit, eh.
“Alam mo ba na ideal girl ni Michael ang isang independent woman? Na may sarili rin siyang trabaho, na hindi lang ito aasa sa kanya. Hindi naman siya madamot pero ayaw niya sa mga babaeng palamunin at pabigat lang sa kanya.” Hindi naman ako magiging pabigat at palamunin, ha.
“Zaf, that’s below the belt. Take it easy.”
“I don’t care about his ideal girl and I don’t intend on being his ideal girl either. I won’t change myself for his standard of women. It’s up to him if he’ll still choose me even if he doesn’t see any qualities in me that he likes in women. It’s up to him, and I’m not a burden at hindi rin ako palamunin. I have my own savings too, I have money in the bank but I’m not a materialistic person. It’s just me, Novy Marie and tennis is on my heart. I don’t have a stable job. All I can give him is my mind, body, soul, and heart. If he can make me love him,” mahabang sabi ko at napa-clapped pa ang boyfriend niya kaya malakas niyang siniko ito, na ikinahinto ng isa.
“Well, I’d say you both have a point. Zafrina, it’s true that you still need a stable job. Because you don’t always have money. It also runs out sometimes, even if you don’t have savings you can still count on your salary. Wala kang problema sa future just in case na magkakaproblema ka. But as for Novy, you’re right about what you said. You don’t need to change yourself, your attitude just to be someone’s ideal girl and reach his standard. That person’s choice too, and we, we have our own passion and dreams. If you dream of working for a money then go for it. No one will stop you. If you want to be an athlete, a tennis player or something that make you fame and to Inspire it’s okay, do whatever you want. You’ll be free what to do and no one will stop you from what you want because it’s your dream, it’s your profession, mostly buhay mo iyon. But y’all are too serious, that’s enough. Masyado kayong hot hindi ko kayo keri. Ikaw naman, Michael? What would you say to your fiancé and you have been quiet for a while?” Baling niya sa katabi ko na kanina pa nga talaga siyang tahimik.
Sa dami ng sinabi niya ay may natutuhan ako bigla. Ang ganda rin ng words niya, ha. His wisdom.
“She’s very beautiful, always grumpy, she’s not kind because she’s masungit. But she is also thoughtful and maalaga. She may not be my ideal girl but I like her so much,” seryosong sabi niya para bumilis ang t***k ng puso ko. Nang maramdaman ko ang titig niya sa akin ay matapang na sinalubong ko iyon.
Dude, did he just confessed to me that he likes me? Because I will also tell him that our feelings are mutual.
“I like you too, baby,” sabi ko at hayan na naman ang pagpula ng magkabilang pisngi niya. Ewan ko ba kung nag-b-blush lang siya or kinilig? I don’t think so if kinikilig ang mga lalaki.
“I want to kiss you, Miss.”
“Tumigil nga kayong dalawa,” sita sa amin ni Zafrina at tumikhim pa siya. “Anyway, sinabi ko lang iyon para malaman ko ang opinyon mo, and I can say na ang suwerte pala ng kaibigan namin dahil may fiancé siya na mahirap tibagin at palitan ang prinsipyo niya sa buhay niya. I admire you for that and sana hindi mo sasaktan si Michael.”
“It depends on him kung kaya ko ba siyang saktan. Knowing him, nah,” ani ko pa. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.
“Let’s go home, baby, and gimme more kisses.” I laugh so hard.
Wala sa sariling napatingin na naman sila sa kaibigan nila na sinapian na naman ng kung ano.
“Parang hindi naman iyan si Michael, ah. Hindi siya ganyan,” nakaawang ang mga labing saad niya.
“And he’s not like that.”
“Bakit ang soft niya masyado, babe?” Zafrina asked her boyfriend.
“And never din siya na nag-baby talk—I mean hindi literal na parang baby ang kausap niya—ah basta parang ’yon na iyon, eh,” aniya.
“He’s just drunk. May celebration kasi kami sa bar, eh,” ani ko at hinaplos ko ang buhok nito dahil nakasandal na ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.
“What?! Bar?!” gulat na naman nilang tanong.
“Why? Bakit ganyan ang reaction ninyo?” nagtatakang tanong ko.
“Never na pumupunta si Michael sa bar,” Zafrina answered my question.
“But why? He didn’t tell me pa naman na ayaw niyang nagpupunta roon.”
“Ayaw niya kasi sa maingay na places, ayaw niya sa smoke. Ayaw niyang makakita ng mga babae at lalaking nagsasayawan. Making out also, he’s allergic.”
Hala, hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Ang Michael na kilala nila ay hindi ko naman kilala. Wala akong alam tungkol sa mga katangian niya, sa mga ayaw niya at sa gusto pero isa lang ang alam ko.
Seryoso nga siya sa akin. Seseryosohin ko naman siya kasi gusto ko rin na mag-work ang relationship naming dalawa.
“Well, hindi naman siguro ako makaaabala if gusto ko kayong makausap if free time ninyo, right? Marami pa akong dapat malaman tungkol sa kanya.”
“Yes sure, Novy. Walang problema sa amin,” wika ni Ocean.
“How about you, Zafrina? Alam kong ayaw mo rin sa akin dahil wala akong stable job,” ani ko.
“Fiancé ka ng kaibigan namin. Siguro sapat na iyon para pagbigyan ka sa gusto mo.” Gusto ko ang ganitong ugali niya. Hindi siya plastic at sinasabi niya talaga ang opinyon niya at kung ano man ang nasa isip niya.
“Thanks, but kahit na maglaro lang ako ay madalas wala rin akong time,” ani ko.
“Mas busy kami,” laban sa akin ni Zafrina.
“Dala ko ang flag natin. Higit na kailangan ko ang oras para mag-practice,” nakataas ang kilay na saad ko.
“Haist, hayan na naman kayo. Mabuti pa ay umuwi na lamang tayo. Tara, ako na ang aalalay kay Michael. Nakatulog na yata siya.”
“Thank, Ocean.”
“I’m still gising.” Napangiwi ako sa narinig ko.
“He’s conyo pala kapag nalalasing,” ani ko na tinanguan naman ni Ocean.
“Oo. Hindi naman ito ang unang beses na makita naming ganyan si Michael—”
“You told me na hindi siya nagpupunta sa bar?”
“Oo, sa party ko lang siya nakikita na umiinom dahil kailangan but one shot lang ay bagsak na siya agad,” aniya.
“Ah, okay. Akala ko lang kasi na hindi totoo ang sinabi mo.” Tumayo na kaming apat pero inalalayan pa rin ni Ocean si Michael at tiningnan pa ako nito na parang mawawala ako.
Hinawakan pa nga niya ang kamay ko. Napataas na naman tuloy ang kilay ni Zafrina.
“More kisses, baby?” pangungulit ng fiancé ko.
“Okay po,” I said and smiled at him.