Episode 2

1666 Words
"Aalis ka na ba, Clarisse?" tanong ni Tita Jen sa kanya. "Opo, Tita. Hindi raw po kasi makakapunta ngayon si Kuya Nicholai, eh," tugon niya. Ang lintik na lalaking 'yon ay iniwanan na niya sa loob ng silid nito. Pagulong-gulong ang baliw na 'yon sa ibabaw ng kama nito habang kinokompronta niya. Sinadya talaga ng Nicholai na 'yon na ipakita ang umbok nito para ma-distract siya. Iniisip pa nitong nagdadahilan lang daw siya kaya siya sumugod sa silid nito. Kung may dala-dala nga lang siyang kahoy baka hinampas niya na ang lalaking 'yon sa mukha. Nang sa ganoon ay mabawasan sana ang kayabangan nito kahit papaano. "Ganoon ba?" "Opo." "Dito ka na kumain, Clarisse." "Huwag na po, Tita. Nagmamadali rin po kasi ako, eh," mariin niyang tanggi rito. Ang totoo niyan ayaw niyang makasalo si Nicholai sa hapagkainan dahil siguradong hindi siya mabubusog. "Sige na, Clarisse. Sabayan mo na kami ni Nick," pamimilit nito kaya naman napilitan na lang siyang pumayag dahil napakabait ni Tita Jen. Napakalayo ng ugali nito sa nag-iisang anak na si Nicholai. "Oh, nandiyan na pala si Nick, eh," saad ni Tita Jen kaya napatingin din siya sa direksiyon na tinitingnan nito. Napairap siya nang makitang humahakbang si Nicholai pababa ng hagdanan. "Hijo, halika na at nang makakain na tayo," alok ni Tita Jen sa anak nitong may saltik sa utak. Seryoso naman na tumango si Nicholai sa mommy nito. Nakasuot na ito ngayon ng itim na sando at khaki shorts. Akala siguro nito maaakit siya sa pag-flex ng mga muscles nito sa braso. Kung hindi niya ito kilala malamang naniwala na rin siya sa pagiging cold nito kuno. Nang magsalubong ang mga tingin nila ay nginisihan siya nito na ginantihan niya naman ng isang katakot-takot na irap. "Pupunta ka ba sa opisina ni Francis, Nick?" tanong ni Tita Jen kay Nicholai Magkatabi sila ni Nicholai habang si Tita Jen naman ay nakaupo sa kabilang upuan na katapat ni Nicholai. Ang sarap talaga nitong bigwasan! Umupo kasi ito sa tabi niya kaya alam na niya ang mangyayari. Siguradong babatuhin na naman siya nito ng mga salitang magpapainit ng ulo niya. "Bakit po? Tumawag po ba sa inyo ang kaibigan ko, Ma?" "Hindi pa ba sa 'yo nasasabi ni Clarisse ang pakay niya sa 'yo? Tikman mo raw ang bagong menu nila. Ang sabi kasi ni Clarisse sa akin kanina ay ipinapatawag ka raw ng kaibigan mo para hingiin ang opinyon mo." Patay! Huli ka balbon! Tumingin sa kaniya si Nicholai na may kasamang pagdududa. Alam kasi nito na hindi niya ito pupuntahan kahit utusan pa siya ng kuya niya dahil nga naiinis siya sa presensiya nito. Bago pa man siya mabuko sa kasinungalingan niya ay dinampot niya ang saging na nasa harapan niya. Mabilis niyang binalatan iyon at isinalpak niya sa bibig ni Nicholai na nakanganga dahilan para mabulunan ito. Bigla namang nataranta ang mommy nito kaya inabutan kaagad ito ng tubig. "Are you trying to kill me, Bea Clarisse?" tanong nito sa kaniya pagkatapos nitong lunukin ang saging. "Sorry, Kuya," kunwa'y paghingi niya ng dispensa rito pero ang totoo ay natatawa siya sa hitsura nito. Hindi siya nito kayang patulan ngayon dahil kaharap nila ang mommy nito. "Para kasing narinig ko na humihingi ka sa akin ng saging, eh," palusot niya pa at hindi pinansin ang matalim nitong tingin sa kaniya. "Sorry talaga, Kuya Nick." "It's alright," pahayag naman nito na halatang hindi bukal sa loob nito. Siguradong bukas o 'di kaya'y sa makalawa ay gagantihan siya nito. "Siya nga pala, Clarisse. May boyfriend ka na ba?" Bigla siyang napaubo dahil sa naging tanong ni Tita Jen. Napatingin siya kay Nicholai. Halatang hinihintay din nito ang isasagot niya sa mommy nito. "Yes, Tita." "Talaga?" Tumango siya. "What's his name?" "Berting po." Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagngiwi ng mommy ni Nicholai. "Isa po siyang basurero, Tita. I'm so proud of him because he's so down to earth and a gentleman, Tita," aniya sa seryosong tinig para magmukhang totoo ang sinasabi niya. 'Yon din kasi ang sinabi niya kay Nicholai kanina kaya kailangan niyang panindigan iyon. "Paano kayo nagkakilala? No'ng araw na itinapon mo 'yong basura niyo?" sabad ni Nicholai pero hindi niya pinansin ang naging tanong nito. "Love at first ba ang nangyari, Hija?" tanong ulit ni Tita Jen sa kaniya. Hindi niya akalain na magiging interesado ang mommy ni Nicholai sa love life niya. "Parang ganoon na nga po, Tita." "I want to meet him tomorrow, Hija." Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Saan siya maghahanap ng taong Berting ang pangalan? Bigla siyang napatingin kay Nicholai nang tumawa ito. "Don't believe her, Ma." "Paano mo naman nasabi ang bagay na 'yan Nick? Hindi naman imposible na magkaroon ng boyfriend si Clarisse lalo na't maganda siya, matalino, sexy at saka magaling din siyang magluto." "Tama ka diyan, Tita," pagsang-ayon niya sa mommy ni Nick. "Ni hindi ko nga po makita 'yang mga sinasabi niyong katangian ni Clarisse, eh," pagkontra ni Nicholai sa mga sinabi ng mommy nito. "Imposibleng may magkagusto riyan." Ganiyan talaga 'yan si Nicholai. Kaya sino'ng hindi maiinis sa lalaking 'to? Pinasadahan pa siya nito ng tingin habang nakataas ang mga kilay nito na para bang sigurado ito na gumagawa lang siya ng kuwento. "Hiyang-hiya naman ako sa 'yo, Kuya! Kaya pala, mas maganda pa nga ako sa mga naging girlfriends mo, eh!" Kunwa'y napakapit pa siya sa ibabaw ng lamesa. "Sobrang lakas ng hangin! Muntikan na akong malaglag buti na lang nakakapit ako!" Inismiran siya ni Nicholai. "Maganda ka nga may galis ka naman." Dahil sa sinabi ni Nicholai biglang umusok ang ilong niya kaya naman buong puwersa niyang kinurot ang hita nito. At dahil bigla itong humarap sa kaniya kaya iba ang nakurot niya. Bakit parang iba ang nakurot niya? Bakit parang may holen? Hindi pa siya nakontento kaya hinatak-hatak niya pa iyon. "f**k!" anito habang paulit-ulit na napabuga ng hangin. "'Yong itlog ko pakawalan mo na, Clarisse," bulong nito. Mabuti na lang at hindi sila napapansin ni Tita Jen. "'Yong itlog ko, Clarisse. Ang sakit na... Huwag mong hatak-hatakin dahil hindi 'to stretchable! Tangina!" Dahil namumula na si Nicholai ay mabilis niyang binitawan ang sinasabi nitong itlog nito. "Tangina! Ang dami mong puwedeng kurutin, Clarisse. Bakit itlog ko pa ang napili mo?" bulong nito sa kaniya. "Dahil lagi mo na lang sinasabi na may galis ako! Buwesit ka kasi!" sikmat niya rito. Itlog pala 'yon? Malay niya ba! Sabagay, tama lang 'yon kay Nicholai. Buti nga! "May problema ba?" Napabaling sila kay Tita Jen na halatang nagtataka dahil kanina pa sila nagbubulungan ni Nicholai. "Wala po, Tita. May itinatanong lang po sa akin si Kuya Nicholai. Right, Kuya?" "Yes, Ma!" mabilis naman nitong tugon. Umayos na rin ito ng upo at ipinagpatuloy na nito ang pagkain. Kapansin-pansin na iniinda pa rin nito ang ginawa niyang pagkurot sa itlog nito. Umusod siya sa puwesto nito. "Masakit ba?" kunwa'y concern niyang tanong dito. "Ay, hindi!" "'Yon naman pala, eh. Bakit ka nakasimangot?" "You will pay for this, Clarisse! I'll swear!" "Gusto mo palitan ko pa ng isang tray na itlog 'yan, eh. At saka 'wag mo nga akong sisihin diyan! Bakit sino ba ang nauna? Ikaw naman, hindi ba? Kung makapagreklamo ka parang katapusan na ng mundo mo! Ang arte mo!" "Ano 'to replaceable para palitan mo lang ng itlog ng manok?" "Oo na, Nicholai. Kasalanan ko na kahit ikaw naman ang nag-umpisa. Tutal mabait naman ako kaya ako na lang ang aako sa kasalanan na hindi naman ako ang unang nagsimula. May sasabihin ka pa ba?" "Gamutin mo 'to, Clarisse. Hindi ka makakauwi hangga't hindi mo 'to ginagamot." Naningkit ang mga mata niya. "Ang arte mo. Lagyan ko pa ng sili 'yan, eh." "Kapag hindi na ako nagkaanak, ikaw ang sisisihin ko, Clarisse. Sisingilin kita habang buhay kapag nagkaroon ako ng diperensya." Kurot lang magkakadiperensiya na agad? Hindi pa puwedeng magkakapasa lang? "Mamaya na kayo mag-usap ni Clarisse, Nick. Ubusin niyo na muna 'yang kinakain niyo dahil wala pang kabawas-bawas." "Yes, Ma." "Opo, Tita. Sorry, po." Magkapanabay nilang tugon ni Nicholai. "Tapos na akong kumain kaya maiwan ko na muna kayo dahil pupunta ako sa opisina ni Roman." "Ingat po kayo, Ma." Tumango naman ito kay Nick at pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. "Ingat ka mamaya pag-uwi, Clarisse. Magpahatid ka na lang kay Nick para safe kang makauwi sa bahay niyo." "Opo," sagot niya rito pero wala siyang balak na magpahatid dito. Thirty minutes lang naman ang biyahe mula rito sa bahay nila Nicholai hanggang sa bahay nila. Mas safe siya kapag nag-commute siya kesa sa magpahatid pa siya rito. "So, you have a boyfriend, huh!" "Hindi ako pangit kaya hindi malabong magkaroon ako ng boyfriend, Nicholai." "Pangalan pa lang ng boyfriend mo halatang mabaho na." Napaka-judgemental talaga ng hinayupak na 'to kahit kailan. "'Yon ang akala mo. Baka kapag nagkita kayo mapahiya ka." "That's not gonna happen, Clarisse. Because I know that I'm the most handsome creature on this earth." "Mukha mo! Most handsome ka pang nalalaman! Malaki lang naman ang katawan mo kaya mukha kang guwapo, 'no?" "Guwapo pa rin ako kahit pumayat ako, Clarisse. Lahat puwedeng magbago maliban sa kaguwapuhan ko. Kunwari kapa na hindi ako guwapo sa paningin mo. Baka nga iniisip mo kung paano mo maaangkin 'tong katawan ko, eh. Umamin ka na tutal dalawa lang naman tayo, eh." "Fine! Aamin na ako." Dahil sa sinabi niya bahagya pa itong humarap habang hinahaplos nito ang baba nito. "Guwapo ka naman talaga pero mas guwapo pa rin si Berting. Macho ka rin naman kahit papaano pero wala ka pa rin talagang binatbat kay Berting. Kaya nga na-in love kaagad ako sa kaniya, eh." Kunwa'y umakto pa siyang kinikilig. "Aalis na pala ako, Nicholai. Late na ako sa date namin ni Berting." Nang akmang tatayo na siya ay pinigilan siya nito. "Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi humuhupa ang pamamaga ng itlog ko, Clarisse." What the hell! Hindi niya naman iyon sinasadya! At isa pa, kurot lang naman iyon kaya imposibleng mamaga kaagad ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD