"Ano masakit ba?? ikaw lang ba
may karapatang mangaliwa?"
sagot ko
At si Luis naman ay dali dali ako
tinakas mula kay Felix..
Hindi na kami sinundan
pa ni Felix at hinayaan nalang nya
na makalayo kami, habang
papalayo kami ay nakita ko
sa mukha ni Felix ang lunggkot
at pagsisisi sa kanyang
sarili...
Noong gabing iyon ay
sumakay kami ni Luis
ng bus, at pauwi kami ng
kanilang probinsya,
dala dala ko naman ang
lahat ng pera ko.
Ngunit ang anak ko
ay hindi ko naisama,
yun ang bagay na pinag
sisihan ko ng husto.
Kaya mr. EL, ako
ay lubos na naaawa sa
aking anak, hindi ko alam
kung ano ang aking
nararamdaman,
ng dahil sa kapusukan
ko, ay nagawa kong iwanan
ang mahal kong anak.
Lumipas na ang
ilang buwan, at nasa piling
pa rin ako ni Luis, dito
sa kanilang probinsya.
Hindi ko na kilala si Luis,
marami pa lang syang bisyo
at madalas na umuwi ito
na lango sa alak, sa totoo
lang mr. EL, ay hindi na
ako natutuwa sa kanya.
Sinasaktan na ako ni Luis,
at dito ko pa nga nalaman
na mayroon palang
dating kinakasama itong
si Luis, at sabi rin sa akin
ng isang nagmagandang
loob na kapitbahay nila,
na kawawa daw ako
sa piling nya...
Yung una raw kasing asawa
ni Luis ay laging binubugbog
ni Luis, kapag hindi nabigyan
ng pang bisyo nya, yun na
nga ang sugal at alak.
At dumating na nga
kami sa punto, na wala ng
natira sa aking perang dala
dala, doon ko na mas
lalo pang nakita ang
totoong ugali ni Luis.
Isang gabi, umuwi ito
na lasing nanaman at
noong hindi ko sya napag
bigyan sa kanyang
hinihinging pera, ay
bigla nalang akong
sinuntok sa mukha.
Dahilan ng aking
pagkaka black eye,
napaka sama ng loob
ko noong Mr. EL, lahat
nalang ng lalaki na
nakakasama ko ay
pinagbubuhatan
ako ng kamay.
Matapos ang pangyayaring
iyon, ay umalis nanaman
muli si Luis, at nagbanta
pa ito, na kapag hindi raw
ako nakapag bigay ng
pera sa kanya, sa kanyang
pag uwi, ay makakatikim
nanaman daw ako sa kanya.
Doon na nga ako naglakas
ng loob na tumakas,
Noong nagbabalot na ako
ng aking kagamitan, at
nagtangka na akong tumakas
mula sa malupit na si
Luis, ay nagulantang nalang
ako, noong makita ko syang
nakabantay pala sa labas
lang ng bahay.
Hindi pala ito umalis,
minamatyagan lang pala
ako ni Luis, mula sa labas,
doon na nga ako nilapitan
at tuluyan nanaman akong
nakatikim ng magkabilang
suntok..
Halos mandilim na
ang paningin ko sa
sobrang lakas ng mga
binitawan nyang suntok,
Dito na nga ako nagsisi
kung bakit pa ako sumama
kay Luis, namimiss ko
na ang anak ko, at gusto
ko nang bumalik kay
Felix, ngunit hindi ko
alam kung paano, at kung
matatanggap pa ba ako nito.
Luis: Sa susunod na makita
kitang umalis, ay dodoblehin
ko pa yang sakit na yan.
Ako: Maawa ka naman sa akin
Luis, namimiss ko na
ang anak ko... parang awa mo na
Luis: Yung anak mo ba talaga?
oh doon sa pulis patola
mong asawa?
At doon na nga lalo pang
nanlisik ang mga mata ni
Luis, at sa tingin ko
ay hindi na talaga ako
papaalisin ni Luis.
Isang gabi, habang lasing
si Luis, ay sinamantala ko
ang pagkakataon, alam
kong hindi maka bangon
si Luis ng maaga, kaya noong
madaling araw, ay sinikap
kong lumayas.
Matagumpay akong
nakaalis sa puder ni Luis,
ngunit hindi ko alam
kung paano makakabalik
sa bahay namin ni Felix.
Namimiss ko na rin si Felix,.
sya talaga ang mahal ko,
nagawa ko lang naman iyon
sa kanya, sa kadahilanang
sinasaktan nya rin ako.
At kung matatanggap pa
ako ni Felix, ay pinapangako
ko na hindi ko na sya
lolokohin pa ..
Mabuti nalang, ay
nasa akin pa ang kwentas
na regalo sa akin ni
Felix, ito ay sinangla ko
sa isang sanglaan, at
yun ang ginamit ko
upang makaluwas
pauwi kay Felix.
Noong nandoon na
ako sa harap ng bahay namin,
ay kinakabahan ako
kung ano ang magiging
reaksyon ni Felix..
Natatakot ako na baka
hindi nya na ako
matanggap pa, ngunit
taliwas sa aking inaakala.
Tuwang tuwa si Felix
noong makita nya akong
nasa labas ng aming bahay,
Dito na nga nya sinabing
Felix: Mariel, patawad kung
naging masamang asawa
ako sayo, wag mo na akong
iwan, promise.... magbabago
na ko..
Ako: Maraming salamat Felix..
pangako, hindi na kita
iiwan pa... mahal
na mahal kita Felix.
Nag iiyakan kaming.dalawa
noong mga oras na iyon
at sa unang pagkakataon
ay nakita ko sa mga
mata ni Felix, ang
mukha ng isang lalaking
nagsisisi sa kanyang
ginawa..
Masaya din ang
anak ko, noong makita nya
ako..
Dito ko na nga naisip
na napaka sama kong
asawa at ina.. nagawa
ko silang iwan, para lang
sa pansarili kong
kaligayahan..
Hanggang dito nalang
po ang atin kwento.
Maraming salamat
sa inyo...