One year later... "Ms. Eillaine, someone is calling you on the phone," wika ng kanyang sekretarya. "Tell him I'm busy. I need to finish reading this proposal, I promised Ricar that I will be joining their team later," sagot niya na hindi nag-abalang mag-angat ng mukha. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang tumatawag dahil alam na niya kung sino iyon. "Ma'am, he said he wants to talk to you. May sasabihin daw po siyang importante sa'yo," nag-aalangang wika ulit ng kanyang sekretarya. Salubong ang dalawang kilay na nag-angat siya ng mukha at tiningnan ng deretso sa mata ang kanyang sekretarya. "Ms. Santos, ilang beses ko na bang sinasabi sa'yo na hindi mo ako puwedeng istorbohin kapag ganitong may inaasikaso ako? Kausapin mo siya at sabihin kung ano ang kailangan then tel

