PINAGMASDAN NIYA ANG sarili niyang repleksiyon, kailan niya ba ulit naranasang magbihis ng ganito? Iyong walang pupuna at magsasabing hindi ka puwedeng magdesisyon para sa sarili mo sa ganitong kaliit na bagay. Huminga siya ng malalim at humarap sa nakaupong si Xielo. "Perfect, now it's time to party," nakangiting wika nito at kinuhanan siya ng litrato. Nagulat man ay ngumiti lang siya at kiuha ang purse niya at sabay na silang lumabas ng bahay. Tinawagan nito si Jules pero hindi ito sumasagot, gusto lang nitong magpaalam dahil daw baka umuwi itong hanapin sila. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya nang makasakay na sila sa kotse nito. "Sa isang sikat na club, simula yata nang pumunta ka dito hindi pa tayo nakakapag-unwind," nakangiting sagot nito. "Oh, please, no alcohols," sunod-sun

