PAGKATAPOS ng masusing pagbabasa ni Ei sa dokumentong hawak niya ay inilapag niya ito sa mesa. Sapo ang ulo at huminga ng malalim. Kailangang maging perpekto ang ipapasa niyang presentation sa CEO, ayaw niyang mapahiya at may masabi ang iba sa kanya. Pinaghirapan niya ang posisyong kinaroroonan niya ngayon at gusto niyang ipakita na karapat-dapat siyang maging pangalawa sa pinakamataas maliban sa Chairman ng kompanya. Halos magdadalawang linggo din niyang pinaghirapan ang ipe-present niya kay Mr. Buenapintura, gabi-gabi niyang pinagpup uyatan at pinag-isipang maigi ang bawat detalyeng nakasaad sa report niya. Sana lang ay hindi siya mabigo, it would be a disappointment for her. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Ei. Simula ng araw na iwan niya ang binata sa bahay ni

