HUMINGA muna siya ng malalim at pinagmasdan ang malaking pintong nasa harapan niya. OFFICE OF THE CEO. Ilang beses niya pang tinitigan iyon bago napagpasyahang katukin na ang pinto. Nang tumawag ang sekretarya nito para kumpirmahin ang kanyang indoor meeting sa CEO ay nagdalawang isip na siyang umakyat dito. Ayaw niyang makita ito, not now, she’s not prepared. Hindi pa nga siya makamove on sa biglaang pagkikita nila kanina ay agad naman siya nitong ipinatawag at duda siyang dahil iyon sa proposal na isusumite niya dito. Isang beses pa siyang nagbuntong hininga bago napagdesisyunang katukin na ang pinto ng opisina nito. ‘Goodluck self, prepare yourself!’ Nang marinig niya ang baritono at malamig nitong boses sa loob ay nakaramdam agad siya ng kakaibang kaba. Iyong klase ng kaba na hindi

