CHAPTER II

2026 Words
NANG matapos ang meeting na dinaluhan ni Eillaine ay agad siyang dumerteso sa kanyang opisina. Bilang Presidente ng kompanyang ito ay responsibilidad niyang panatilihing nasa maayos ang lahat. Binanggit kanina sa meeting na dapat makilala ang bagong CEO ng kompanya ngunit hindi ito nagpakita. Pasalampak siyang umupo sa kanyang swivel chair at hinilot ang sariling sentido. Sa pagpikit niya ay naalala niya ulit ang gulat na gulat na gwapong mukha ng lalaking isang beses niya lang nasilayan. Hindi man niya ito nakita ng maayos noong gabing iyon, pero tandang-tanda niya naman ang bulto ng katawan nito. Ang malapad nitong dibdib, ang balingkinitan nitong beywang at ang mga matitipuno nitong braso. She would never forget him, lalo pa at simula nung gabing iyon ay may nasaksihan siyang bagay na ilang gabi ding hindi siya pinatulog nang maayos. Sa buong buhay niya, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam. Ngayon niya lang naranasan ang gambalain ng isang estranghero gabi-gabi.  Nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto at pagkatapos umayos ng upo ay pinatuloy niya na ang kung sinumang nasa labas ng pinto. Napataas ang kilay niya nang makita ang busangot na mukha ng kaibigan niya. Sa itsura nito ngayon mukhang alam niya na ang dahilan. “Ei, come with me tonight, please? I need you,” seryosong saad ng kaibigan niya. Her name is Kendra Vasquez, the Chief of Information Office. Kendra is her best friend since college. Sabay silang nag-apply sa kompanyang ito pero mas nauna siyang umangat dahil na din sa pagiging worcaholic niya at pagiging determinado sa trabaho. “Uh, no!” sagot niya na itinutok ang paningin sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa niya. “Ow come on, don’t be like that! You know that I need you so badly,” saad nito na umupo sa harapan ng mesa niya. Matamang tinitigan niya ang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang sakit at pagkabigo, ilang beses ba dapat ang kailangan para maumpog ang isang tanga sa pag-ibig? “Can you just forget about him already? It’s almost two months since the two of you broke up! Move forward, Kendra! Stop drowning yourself and be a big girl!” seryosong saad niya sa kaibigan. Napabuntong hininga si Kendra at napatungo. “Nasasabi mo lang iyan ngayon kasi hindi mo pa nararanasang mabigo at masaktan. I love him so much and It hurts me like hell and I feel  empty.” She rolled her eyes. Hindi niya alam kung paano uuntugin ang kaibigan niya. Everytime na pagsasabihan niya ito ay laging ibabato sa kanya ang mga linyang iyan, ipapamukha sa kanya ang pagiging ‘No Boyfriend Since Birth’ niya. “Kung ganyan naman palang masakit sa’yo ang makipaghiwalay sa kanya. Dapat hinayaan mong lokohin ka niya at pagmukhain kang tanga, sana hinayaan mo na lang ang sarili mong maging bulag at hayaan siyang makipaglampungan sa iba’t-ibang babae at kapag ginusto niya lang makipagkita sa iyo ay saka lang siya lilitaw sa harap mo at magkukunwaring sasambahin ka,” prangka niyang saad sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit may mga ganitong klaseng babae sa mundo. Yung ipagpipilitan ang sarili sa isang walang kwentang lalaki. At mas lalong hindi niya maintindihan ang mga lalaki na mas gugustuhing makipaglampungan sa mga haliparot kaysa ang mag-stick sa babaeng halos ay sambahin na sila. Napansin niya ang pananahimik ni Kendra. Marahas siyang napabuntong hininga at nilapitan ito para yakapin. Hindi madali ang pinagdadaanan nito, nasaksihan niya kung gaano niya kamahal ang tarantadong iyon kaya ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng kaibigan. Nadudurog din ang puso niya kapag ganito si Kendra pero kailangan nitong mag-move on at tanggapin ang katotohanang wala na sila ng dating nobyo nito. “I’m sorry for the harsh words. I know and I feel your heartache, hindi madali sa’yo ang kalimutan ang lahat lalo pa at mahal mo nga yung tao. But you don’t have another choice, you need to move on. Forget him and continue your living, he doesn’t deserve your tears!” pag-aalo niya sa kaibigan habang tinatapik ang likod nito. Nakipaghiwalay si Kendra sa boyfriend nito nang ma-diskubre nilang hindi lang ang kaibigan niya ang karelasyon nito. There are five women in his palms and aside from them ay may isa pa itong itinitira sa isang condo unit nito sa Makati. Nang malaman iyon ni Kendra ay halos mag-breakdown ito sa sobrang galit ngunit handa siyang patawarin ulit ang boyfriend niya at kalimutan ang lahat kung pipiliin siya nito at sasama sa kanya. But that damn shameless guy chooses the other girl and told Kendra that he’s just using her. Huminga ng malalim si Kendra at inihilig ang ulo sa balikat niya. “I don’t know what to do, minahal ko siya ng sobra at ang hirap para sa akin ang mag-move on. I don’t even know how to get rid of him in my heart and mind.” “Ay naku, there are so many ways on how you’ll forget that asshole. Have some fun, look around you and love yourself! Huwag mong sayangin ang ganda mo sa isang walang kwentang tao. God! Asan na 'yung Kendra na kilala ko?” wika niyai at pinaharap na sa kanya ang kaibigan. “Thanks, Ei, you’re really the best! Let’s drink tonight okay?” pangungulit ni Kendra sa kanya. Natatawang tinanguan niya ang kaibigan. “Fine. Let’s celebrate tonight! We will drink until midnight,” walang nagawang saad ni Ei. “When you say let’s celebrate it means iinom ka din?” maluwang ang ngiting tanong pa nito sa kanya. Nakangiti siyang tumango dito. Kung iyon ang isa sa mga paraan para mapadali ang paglimot ni Kendra, gagawin niya. ----- MALAKAS na tugtog ang sumalubong sa magkaibigan nang pumasok sila sa loob ng dating Bar na pinuntahan nila. Kahit na may kadiliman ang lugar dahil na din sa mapusyaw at iba’t-ibang kulay ng ilaw ay hindi pa din naikubli nito ang kagandahan at kaseksihan ng dalawa. Nakasuot ng tank top at ripped jeans na tenernuhan ng pagkataas-taas na heels ang porma ni Kendra. Kinulot nito ang hanggang balikat at blonde nitong buhok, na mas lalong nagpatingkad sa kakaibang ganda nito. Habang siya ay nakasuot ng kulay asul na crop top at loose jeans. Ipinusod niya ang makapal at makintab niyang buhok. Hindi na niya kailangang magsuot ng mataas na heels para sabihing matangkad siya dahil sa taas niyang 5’8”, kahit na magsuot siya ng flat shoes ay hindi siya magmumukhang dewende sa tabi ng kaibigan niya. “Doon tayo,” sigaw ni Kendra sa kanya at hinawakan ang kamay niya at igiya sa isang pandalawahang mesa na nasa gilid ng Bar. Pagkaupo nila ay agad itong nag-order ng isang Black at Golden Label na sinamahan pa ng dalawang klaseng nuts. “Are you sure you can drink that much? Remember, hanggang twelve midnight lang ako puwede,” paalala niya sa kaibigan. Nagkibit ito ng balikat at nakangiting umiling sa kanya. “Correction, we will drink that together. You  promised me, remember? Dalawa na inorder ko nang makapili ka kung ano ang mas gusto mong inumin. For me they are both fine and easy to deal with, pero ikaw. Hindi ka sanay sa ganito kaya kelangan mo munang mamili sa dalawang inumin,” paliwanag pa nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang mailing na lang. Mukhang napasubo yata siya. She need to maintain herself from drinking. Hindi siya party goer na katulad ni Kendra kaya mahina ang sikmura niya pagdating sa alak. Habang inaantay ang alak na inorder ay sabay nilang inilibot ang paningin sa paligid. May mga kalalakihang nakatingin sa gawi nila, lahat mababanaag sa mga mukha ang pagnanasa at kagustuhang lumapit sa kanila. Bigla siyang naasiwa sa suot niya, ganoon na ba karevealing ang damit niya? “Why are they looking at us?” naisantinig niya ang sana’y sa isip lang na tanong.. “Relax Ei, they just can’t resist your charisma. Wanna date one of them? Just say so, I will teach you how to attract them,” nakakalokong saad ni Kendra na kinindatan pa siya. “I’m not here to meet any of those jerks. I’m just here to accompany you,” nakasimangot na saad niya na awtomatikong napahalukipkip. Natawa naman si Kendra sa sinabi niya. “No wonder you don’t have any suitors, you’re a very definition of an old woman.” Nalukot lalo ang mukha niya at matalim ang tingin na ipinukol sa kaibigan. “I dare you to say that words again.” Humagalpak ng tawa si Kendra at halos maluha na sa katatawa. “You really don’t know that you look like one? How old are you already and you didn’t know yet how to kiss a man!” “Damn you, Kendra.” “Oh come on, just admit it.” “...” Napatitig siya sa alak na dala nung waiter. Napalunok siya at nag-init ang mga pisngi. Kendra’s damn right! Ever since she become a woman she didn’t have a memory of kissing a guy. Pero hindi pa naman siya matanda, iba lang talaga ang aspeto ko pagdating sa mga bagay na katulad niyon. “I’m not a desperate woman, I want to give my very first moment of intimacy to my husband in the future,” pagdadahilan niya sa kaibigan.. Kendra rolled her eyes. “Well good luck for that, sana lang makahanap ka ng lalaking pinapangarap mo. Cheers?” Itinaas niya ang basong hawak. “Cheers!” Nilagok niya ang laman ng baso niya. Nang dumaloy ang alak sa kanyang lalamunan ay bigla ang pagguhit ng pait sa kanyang mukha. Natawa naman si Kendra sa reaksyon niya at inabutan siya ng isang basong malamig na tubig. Ilang sandali pa ang nakalipas at kapwa tipsy na ang dalawang magkaibigan. Kapwa magaslaw na ang kanilang mga galaw. “Let’s play a dare game Ei!” sigaw ni Kendra. “Mahaba pa ang gabi at masyadong boring kapag wala tayong ginawang exciting!” Napahagikhik siya at hindi tumutol sa suhestiyon ng kaibigan. Pinapasok na ng espiritu ng alak ang sistema niya kaya wala na siya sa tamang katinuan. “Great!” Napapalakpak sa tuwa si Kendra at kagat ang labing inilibot ang paningin sa loob ng Bar. Huminto ang paningin niya sa bukana ng pinto at nakita ang dalawang lalaking papasok. Lumapad ang ngiti niya at itinuro ang isang matangkad at makisig na lalaki. “I dare you to dance with him! No no no no! I dare you to seduce him!” Kung nasa katinuan siya ay baka nabatukan niya ang kanyang kaibigan. How shameless she is to dare her like that! Ngunit dahil ang kaharap nito ay ang tipsy niyang sarili at hindi alam ang ginagawa ay napasunod siya nito. Tinignan niya muna ang lalaking itinuro ng kaibigan. Hindi man niya maaninag nang maayos ang mukha ng lalaki, base sa bulto ng katawan nito ay sigurado siyang guwapo ang binata. Nilagok niya muna ang laman ng kanyang baso bago dahan-dahang tumayo. Napasigaw naman at napapalakpak sa sobrang excitement si Kendra. Dahan-dahang lumapit siya sa dalawang lalaking papasok pa lang sa Bar. Eksaktong nasa tapat na siya ng dalawa ng bigla siyang naliyo at napahawak sa malapad at matigas na dibdib. Agad niyang naramdaman ang pagpulupot ng isang kamay sa maliit niyang beywang. “Hey, would you mind dancing with me? That girl over there was my friend,” turo niya sa direksyong pinanggalingan. Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ng binata at inilapit ang bibig sa punong tenga nito “She dares me to dance with you and seduce you.” “Are you aware of what you’re doing?” The guy said in a cold tone. Isang mahinhin na tawa ang isinukli niya. Inilambitin niya din ang dalawang kamay sa leeg ng binata at inilapit sa mukha niya. “Do I need to repeat myself? I want you to play with me.” Tinawid niya ang maliit na espasyong nakapagitan sa kanila ng binata. Sa una ay kapwa hindi gumalaw ang mga labi nila, ngunit nang maramdaman niya ang paghigpit pang lalo ng pagkakayapos nito sa katawan niya ay saka kusang gumalaw ang mga labi niya na sinundan naman ng lalaki. Halos hindi na siya makahinga sa pagkakayapos nito idagdag pa ang mapusok nitong paghalik sa kanya. Sinubukan niyang kumawala sa mga labi nito ngunit para namang nanadya ang katawan niya at kusang gumalaw ang kanyang mga kamay na pumulupot sa batok nito. Sa isip niya ay umiilaw ang babala ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang sawayin ang kagustuhang alisin ang labi nitong nakadikit sa labi niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nahalikan ka na ng isang lalaki? Tama ba ang ginagawa niyang pagsukli sa kapusukan ng binata? Sa ginawang kapangahasan niya ng gabing iyon ay parang inimbita niya ang isang delubyo na guluhin ang tahimik at payapa niyang buhay. Hindi niya alam na sa ikinilos niya ngayon ay mababago na ng lubusan ang boring niyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD