CHAPTER TWO

2462 Words
GOOD morning , sleepyhead ! ” Napabalikwas ng bangon si Jeremy nang makitang katabi niya si Dorothy sa kama . Nasa town house niya sila , sa sarili niyang silid . Samut - saring katanungan ang sumulpot sa kanyang isip at isa na sa mga iyon kung paano sila humantong sa kama niya . " What are you doing here ? " he asked Dorothy while simultaneously checking himself . He sighed in relief as he realized he still had his pants on . " Iniuwi kita rito kagabi , don't you remember ? You were too drunk to drive kaya inihatid na lang kita , she answered with a come - hither look on her face . He knew she was trying to seduce him . Noon niya napansing T - shirt niya ang suot nito at wala itong pang - ibabang suot . Kung may suot man itong panty sa ilalim niyon ay hindi niya alam at wala na siyang balak na alamin pa . Did we have s*x last night ? " diretsahang tanong niya rito . Nagising siyang may suot na damit pero gusto pa rin niyang makasiguro . 18 Tumawa ito . " Nope , you were too drunk to respond . Though , I wouldn't mind having s*x in the morning . " She batted her eyelashes at him. And why are you wearing my shirt ? " he asked her as he got out of his bed . He rummaged through his things , looking for a shirt to put on . He didn't want to encourage her any further . " Oh . Sorry kung pinakialaman ko na ang mga gamit mo . I was looking for something comfortable to wear . I can't sleep with my dress on . It was too tight I could hardly move. " Eh , sino ba naman kasi ang nagsabi sa ' yong dito ka matulog ? gusto niyang sabihin sinarili pero na lang niya . Nasa isang sikat na bar siya sa Malate nang nagdaang gabi para sa birthday party ng isang kaibigan niya sa kolehiyo . He was already drunk when Dorothy suddenly showed up - though may pakiramdam siyang hindi coincidence ang pagtatagpo nilang iyon . Pagkatapos niyon ay wala na siyang maalala . He was too drunk to remember anything . He never expected Dorothy to bring him home last night . " Bakit ikaw ang naghatid sa akin kagabi ? Where's Rex ? " tanong niya rito habang pinupulot ang mga damit nito na nakapatong sa computer table niya , just above his keyboard . Ibinigay niya ang mga iyon dito . Get dressed , you b***h , and get the hell out of here ! he wanted to tell her . " I don't know . I didn't see him there . " Mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang mangyari dahil agad itong nagpalit ng damit . He left her side . Wala siyang balak panoorin itong magbihis . " Do you want me to fix you a cup of coffee? " tanong nito nang lumabas na ito ng silid niya . Suot na nito ang damit nito nang nagdaang gabi . It was super tight and too short for comfort . She was sexy , all right , but definitely not his type He had lost all interest in her once she started following him around like a dog . 19 Kung hindi lang matalik na kaibigan ng pamilya niya ang pamilya nito her father was a member of the board of directors for the Rodriguez Group of Hotels - ay matagal na niya itong idinispatsa . He was just being nice to her . Pero ang totoo ay matagal na siyang nagtitimpi rito . She was starting to get into his nerves . Ipagpilitan ba naman nito ang sarili nito sa kanya . Kahit sinong lalaki ay maiinis . " Thanks , but I'd rather be alone . I have a terrible headache and I want to sleep . Alone , " aniya rito , emphasizing the last word Hindi niya alam kung talagang makapal lang ang pagmumukha nito , o sadyang tatanga - tanga lang ito upang hindi nito mahalata na wala na siyang interes dito . That's because you were too drunk last night . Don't worry , ako'ng bahala . I know the best remedy for a hangov- " " Dorothy , I want to be her off . he said cutting. Okay , " anito ngunit hindi naman tumitinag sa kinatatayuan nito . She stared at him . He took Dorothy's handbag atop his couch and handed it over to her in a dire attempt to dismiss her . Thanks , " anito habang inaabot mula sa kanya ang handbag nito . " I'll just ... I'll just wait for your call , okay ? " Not in this lifetime , baby , sabi niya sa kanyang isip habang pinapanood ang paglabas nito sa pintuan . Nagpakawala siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay makaalis na ito . Finally , he was alone . " Women , " usal niya habang napapailing . They're I always a pain in the ass . So is this godforsaken hangover . And this headache is killing me ! Papunta na sana siya sa kusina upang magtimpla ng kape nang tumunog ang doorbell. " Go , away , Dorothy , " he murmured as he made a cup of black coffee . It was always a good remedy for a hangover , along with a couple of aspirin . In his case , at least . Ngunit ayaw talagang magpaawat ng kung sinumang nasa labas ng pinto . Patuloy iyon sa pagpindot sa doorbell . Lalo tuloy sumakit ang ulo niya dahil sa ingay na dulot niyon . " Oh , I'm going to kill you , " naiinis na sabi niya habang malalaki ang mga hakbang na lumabas ng kusina at tinungo ang main door . Taliwas sa inaasahan niya ay hindi si Dorothy ang nasa labas ng pinto . It was somebody he didn't know . A woman . " Who are you ? " tanong niya sa babae. MUNTIK nang mapangiwi si Ella sa tinuran ng guwapong lalaki sa harap niya . Kung para sa kanya noon ay si Rex na ang pinakaguwapong lalaking nakita niya , nagkakamali siya . Dahil pumapangalawa lang pala ito sa lalaking nasa harap niya ngayon . Kaso , mukhang suplado ! " Marianella Tabigui po , Sir . " Inilahad niya ang kanyang kamay rito ngunit hindi nito iyon tinanggap . Tinitigan lang nito iyon na tila ba may nakikita ito roon na libu - libong germs kaya natatakot itong makipagkamay sa kanya . Ibinalik nito ang paningin sa kanyang mukha , totally ignoring her hand . Ibinaba na lang niya iyon . " Bukas po kasi iyong gate , Sir , kaya pumasok na ako , " paliwanag niya . Kung makatitig kasi ito sa kanya ay daig pa nito ang nakahuli ng miyembro ng akyat - bahay gang . " And why do you think I have to meet you , Miss Tabingi ? " " Tabigui ' po , Sir . Hindi po ' Tabingi , " pagtatama niya . " Whatever . Are you working for those stupid charities ? " nakakunot - noong tanong nito sa kanya . " Ho ? " " Nanghihingi ka ba ng limos ? " " Naku , hindi po . Pinapunta po ako rito ni Sir Rex . Ibigay ko raw po ito sa inyo . Teka lang po , " aniya at nagmamadaling dinukot mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ang note na ipinabibigay ni Rex dito . " Heto po . " Nakakunot - noong inabot nito iyon at binasa Pagkabasa nito niyon ay muli siyang tinitigan nito . Daig pa niya ang isang palakang nasa dissecting pan kung titigan nito . Nagkibit - balikat ito , kapagkuwan " Okay , I guess you'll do . Come on in . " Tumabi ito mula sa pagkakaharang sa pinto upang makadaan siya . Pagkatapos ay nagpatiuna na itong pumasok sa loob . Sumunod naman siya rito . Hindi niya naiwasang humanga nang makita a ang loob ng bahay nito . Magulo iyon pero maganda . Mukhang maayos ang pagkakadisenyo ng interiors niyon . Masarap sa mata ang kulay ng pintura ng dingding , ng mga drapes , at mga kasangkapang ginamit . May napansin lang siya , masyadong panlalaki ang loob . Parang hindi pampamilya . Ah , baka bagong kasal , naisip niya . " Nasaan po ang bata ? " tanong niya rito . Lumingon ito sa kanya habang nakakunot pa rin ang noo nito . Wala na yata itong alam gawin kundi ikunot ang noo nito . Sayang , guwapo pa naman . " Anong bata ang pinagsasasabi mo ? Bata po . Yong anak n'yo ho na aalagaan ko . Yaya ho ` ika n'yo ang hinahanap ninyo , ' di po ba ? Nag - isang - linya ang mga mata nito . " Wala akong anak . You're gonna work for me . At hindi yaya ang hinahanap ko . Personal assistant . Now , start working by cleaning up all this mess . That's my room over there , " anito , sabay turo sa kanya ang isang nakasarang kuwarto . " Dalhan mo ako roon ng kape . tinalikuran . Black . No sugar , " anito bago siya tuluyang Napanganga siya . " S - Sir , wait ! " Agad naman itong huminto mula sa aktong nilingon siya . pagpasok sa silid nito at madilim ang mukhang. Hindi n'yo man lang ho ba ako i - interview hin ? Hindi n'yo ba titingnan ang resumé ko ? " " Marunong ka bang magtimpla ng kape ? " She nodded . Marunong kang humawak ng walis ? Mag operate ng washing machine ? Can you differentiate between socks and briefs ? " sunud - sunod na tanong nito . Sunud - sunod na tango rin ang isinagot niya kahit ang totoo ay nawi - weird - an siya sa mga tanong nito . " Then fine , you're hired . I expect my coffee in less than three minutes , " anito bago muling pinihit ang seradura ng kuwarto nito . " Sir ! " Muli siyang nilingon nito . She had a feeling that he was fighting the urge to wring her neck . " Saan ko po ilalagay ito ? " tanong niya na ang tinutukoy ay ang kanina pa niya bitbit na malaking bag niya . " What's that ? " tanong nito na kung makatingin sa kanyang bag ay daig pa nito ang nakakita ng improvised explosive device . " Bag ho na kinalalagyan ng mga damit at gamit ko , " sagot niya . " Place it there , " anito , sabay turo sa isa pang pinto . " That would be your room . " Tuluyan na siyang tinalikuran nito .Sir ..." What ? " He glared at her . Tila ba kaunting kaunti na lang ay pipilipitin na talaga nito ang leeg niya . Wa - wala po , " sabi na lang niya . Sa takot kasi ay tuluyan na niyang nakalimutan ang gusto niyang itanong dito . " S - sige po . Igagawa ko na po kayo ng kape , " aniya . Pinanood niya ang pagpasok nito sa silid nito . Nang nakapinid na ang pinto ng silid nito ay agad niyang pinakawalan ang malalim na hininga na kanina pa niya pinipigilan . Huu ! Nakaka - stress naman ang taong yon . Ang sungit . Parang nagme - menopause . Ano nga uli ang trabaho niya ? Personal assistant ? Tagalinis ng bahay nito , tagatimpla ng kape , at tagaayos ng mga gamit nito . Hindi ba parang yaya na rin iyon ? O kaya ay katulong ? May pa - personal personal assistant pa itong nalalaman . " Ah ... " Parang baliw na tumangu - tango siya habang kinakausap ang kanyang sarili . " Siguro , ' yaya ' kapag bata ang inaalagaan . Pero kapag matanda na , hindi na ' yaya ' kundi personal assistant . Taray ! Personal assistant . Pero ang sungit ng amo niya . Parang lagi nitong gustong kumain ng tao . Nakaka - tense ! ' Di bale , malaki naman ang suweldo ko , aniya sa kanyang isip . Hindi nga lang kasinlaki ng kikitain niya sa London bilang nanny ngunit maigi na iyon kaysa magpalabuy - laboy siya sa lansangan . Hindi bale , kapag nakaipon na siya ng pera ay maghahanap na lang uli siya ng travel agency . That time ay sisiguruhin na niya na hinding - hindi na siya mapepeke . Pasasaan ba at makakapunta rin siya sa London . Punung - puno siya ng pag - asa habang tinutungo niya ang magiging silid niya bitbit ang kanyang bag . Nagulat siya nang makita ang loob niyon . Malaki , maganda , malayung - malayo sa boardinghouse na tinutuluyan niya dati , at hindi mukhang pang - maid's quarters iyon . Hindi ka naman kasi maid , ' di ba ? Personal assistant ka , aniya sa isip niya habang parang eng eng na ngingiti - ngiti . Hulog ka talaga ng langit sa akin , Sir Rex ! Thank you ! Ang gara ng kama , pangmayaman ! " hindi na niya napigilang isatinig habang paupong tumalbug talbog sa magiging kama niya . Natigil lang siya sa ginagawa nang maagaw ang kanyang atensiyon ng dalawang picture frames na nakapatong sa bedside table . Iyong isa ay kuha ng amo niyang masungit noong college graduation nito . Nakangiti ito roon nang malapad habang nakaakbay sa isang matandang babae . Marunong din naman palang ngumiti ang taong. iyon ! naisip niya . Ibinaling niya ang paningin sa isa pang litrato . It was the same woman , except that she looked younger in this picture . May kasama ang matanda na batang lalaki na nang titigan niyang mabuti ay nalaman niyang ang masungit din pala niyang amo . " Ang cute naman pala ng damuhong ` yon noong bata pa siya , aniya , sabay dampot sa frame upang matingnang mabuti ang kuha ng amo niya . Where the hell is my coffee ? " " Ay , kabayong bakla ! " nagulat na bulalas niya kasabay ng pagkabitaw niya sa picture frame . Nabasag iyon . Hindi maipinta ang mukha ng amo niya nang salubungin niya ang nakakatakot na mga mata nito . Nakatayo ito sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD