Chapter 2 – Ruthless and Broken

2661 Words
Chapter 2 – Ruthless and Broken “Ah, maam, saan po kayo pupunta?” Napatigil si Lana sa mga yapak niya nang bigla siyang tinawag ng guard. Papasok na kasi sana siya sa Torres Corp building kung hindi lang siya tinawag nito. She turned around and smiled at him politely, “Ah, kuya, uhmm, pinapunta kasi ako rito ni Chace—uhm, I mean ni Sir Torres, 7:30 kasi ang oras na sinabi niya na papuntahin ako rito.” Kumunot naman ang noo ‘nung guard sa sinagot niya, “8:30am pa po ang office time dito. Kaming mga guards at ang mga maintenance staff lang ang hindi. Saka po, kung hinahanap ninyo si Sir Torres, 8:30 pa po siya available. At kung may appointment po kayo sa kanya,  pwede ko po bang makita kahit isang valid ID lang po ninyo at titignan ko po sa logbook kung may nakafile nga po ng appointment, for security measures lang po.” Kinuha naman agad ni Lana ang ID niya sa bag at ibinigay dito. Baka akalain ng guard, magnanakaw siya. Matapos tignan ng guard ang logbook, isinauli nito sa kanya ang ID at mas lalo pang kumunot ang noo nito, “Sorry po ma’am pero wala pong nakalagay na Lana Stephanie Tan sa mga appointment schedules ni Sir Torres. Kung visitor po kayo, bumalik na lang po kayo mamaya.” “P-Pero.. sabi niya.. 7:30 ako dapat pumunta rito?” her voice was distressed. Kung alam lang niya, eh ‘di sana pala, nagduty muna siya kahit kaunti lang sa ospital. Tinawagan pa naman siya kagabi na kailangang-kailangan siya bukas sa ospital dahil sa dami ng pasyente na nakaconfine doon. Kahit aaminin niya, yesterday, when she met Chace and talked to him for the first time, nakaramdam siya ng inis sa inaasta ng lalake. The man acted like he was a god. That he left her no choice. Pero kahit ganun, kailangan niyang mabawi ang restaurant na pinaghirapan ng mga magulang niya. Even though he was her ex-best friend’s brother, para lang sa mga magulang niya, gagawin niya ang lahat. She knew this was her karma afterall. “Uy, Carlo, kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito.” Napalingon naman si Lana sa likod  niya nang may nagsalita. Then he saw a middle-aged man bringing some plastic on his right hand na nakangiting nakatingin sa kanila. At base sa uniform nito, isa itong maintenance staff ng Torres Corp. “Ah, hindi pa nga ho, Mang Jeffrey, mamaya na lang ho.” Sagot naman ng guard ‘dun sa matanda. Napansin naman ni Lana na napunta ang tingin ng matanda sa kanya. Medyo naguluhan naman ito nang makita siya, “Ah, may kailangan po ba kayo?” the old man asked her politely. Napangiti naman si Lana rito. Parang gumaan kasi ang loob niya dahil sa pagngiti nito sa kanya, the old man was really accomodating, “Ah, eh, pinapapunta kasi ako rito ni Sir Torres manong, ano, ako si Lana Stephanie Tan.” She answered him politely. Tila napaisip naman ang matanda sa sinabi niya at ilang segundo rin ay nagsalita ito, “Ah, ikaw pala si Lana? Oo, ikaw yung bagong maintenance staff  na sabi ni Sir na magtratrabaho ngayon. Lika hija, ibibigay ko na sayo ang uniform at ang listahan na ipinabibigay sayo ni Sir para sa gagawin mo ngayong araw.” Anito at nauna na ngang pumasok sa building. Kumunot naman ang noo ni Lana sa narinig nito, “Maintenance staff?” she was confused even at herself as she entered the building too. Gagawin ako ni Chace bilang isang maintenance staff? Sumunod lang si Lana rito hanggang sa makarating na rin sila sa maintenance staff room. “Ito ang uniform na susuotin mo,” panimula nito at inabot nito sa kanya ang isang paperbag na naglalaman ng susuotin niyang maintenance staff uniform, “Nasa loob din d’yan ang listahan na pinagagawa sayo ni Sir Torres ngayong araw. Sabi niya kapag 8:30 na raw, pumunta ka sa office niya.” Sunod-sunod nitong bilin sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan na kabahan, base palang kasi sa boses ng matanda, parang ang sobrang strikto ni Chace sa kanila. “Ah..” she was starting to get nervous. “S-Sige manong, magbibihis na po ako.” “Mang Jeffrey na lang, tutal, magiging magkatrabaho naman tayo. Sige hija, kung may tanong ka pa, lapitan mo lang ako. Sige, aalis na ako, may lilinisin pa kasi ako doon sa storage room.” Pagkatapos ay tuluyan na nga siyang iniwan nito. Kinuha naman kaagad ni Lana ang sinasabi nitong listahan na iniwan sa kanya ni Chace sa paperbag. “50 things to do for Ms. Lana Stephanie Tan today..” she mumbled as her jaw dropped the moment she read the list. 50 things? Hindi nga niya alam kung matatapos niya ang lahat sa araw na iyon. Sa dami ba namang gagawin niya every number na nakalagay sa list. Signed: Torres, CN Oh god. I hope I don’t mess this up. --- Dali-dali namang pumunta si Lana sa office ni Chace ng biglang siyang ipinatawag nito. Ni hindi pa nga siya tapos sa paglilinis ng CR sa may sales department ay bigla na lang siya nitong tinawag. Oo, isa sa ipinapagawa nito sa kanya ang paglinis sa lahat ng CR sa lahat ng department ng corp.  At nakasaad pa roon na dapat matapos ang lahat ng iyon na hindi pa mag-aalasdyis ng umaga. That’s why she was doing her work fast ‘cause God knows what a man Chace is like. At ginagawa niya lamang ang lahat ng ito para sa mga magulang niya. She even sacrificed her duty in the hospital just for this. Bukas, susubukan niya itong kausapin kung pwede magduty siya muna sa ospital. Nakapasok na rin si Lana sa office ng CEO. Mabuti na lang talaga eh blue pants saka blue poloshirt ang uniform ng mga maintenance at hindi palda kaya nakatakbo siya ng mabilis papunta sa opisina nito. “S-Sir?” she gulped when she saw Chace’ face at her. Parang galit na galit itong makatingin sa kanya. Napaisip naman siya, wala naman siyang ginawang masama rito. She quickly did what the list said. Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya.  As usual, he was in his corporate attire. He was just standing there, hands on the table while looking daggers at her. Ano bang ginawa ko? “Ms. Tan, I made it clear to you. Ayoko ng mga latecomers.” He sternly said. Wala pa ring nagbabago sa itsura na ibinibigay nito sa kanya. Ke-aga-aga, bad mood. “Uh, sir, maaga po akong dumating dito. 7:30am po, nandito na ako.” She defended. Hindi naman talaga siya late, sa katunayan nga, mas nauna pa siyang dumating dito. “I asked Mr. Jeffrey Rios to inform you that you need to come here by 8:30am. Anong oras na? It’s f*****g 9:30!” he yelled incredulously and Lana flinched at his voice. Oh god. Oo nga pala, sinabihan siya ni Mang Jeffrey na dapat pumunta siya by 8:30am sa office nito. Shit! Bakit ba niya nakalimutan iyon? Masyado kasi siya naging busy sa paglilinis sa mga CR. “Ah, sir, eh kasi, naglinis pa po ako sa mga CR.. g-ginawa ko yung mga utos niyo sa listahan na ibinigay mo sa kin..” she explained, stammering. Nakakatakot talaga ang itsura nito ngayon. “I don’t care what shits you are doing, Ms. Tan. Kung anong sinabi, yun ang gagawin mo. Can’t you understand it?” he was now mocking her. “I thought na gusto mong mabawi ang restaurant ng mga magulang mo?” And instead of talking back, yumuko na lang si Lana. Well, he was right. Nakalimutan niya kasing puntahan kaagad ito sa opisina. Dapat siya ang maging mapagkumbaba kung gusto niyang mabawi ang restaurant. She heard him breathed hard. “f**k this shit.” He cursed under his breath. “Buy me some cigarettes from the convenient store outside. I need it now.” Anito kaya naman napatingin kaagad si Lana rito. He really looked bad. Nakasapo ang noo nito saka inabot sa kanya ang isang 1000 peso bill. “I need two packs of it, NOW.” He emphasized the word ‘now’. Tumango naman kaagad si Lana at tinanggap kaagad ang pera. She then quickly stormed out from the office. She just concluded, Chace Torres is scarier when mad.   --- “Sir, uhm, nandito na po ang pinabibili niyo.” Humihingal pa si Lana habang inaabot dito kay Chace ang dalawang pack ng sigarilyo. Buong akala niya kasi, malapit lang sa corp ang convenience store pero hindi pala. Tapos ang office nito, nasa 7th floor pa ng building. Napilitan pa siyang magstairs kasi puro puno ang mga elevators na nasa corp. Hindi niya aakalain na ganun pala karami ang nagtratrabaho sa Torres Corp. Kahit 'nung board member pa ng corp ang Papa niya, isang beses lang siya nakapasok sa corp. Napalingon naman sa kanya si Chace na nakatayo lang habang hinihintay siya. Tinanggap kaagad nito ang dalawang pack ng sigarilyo sa kanya. “The change, where is it?” he asked, a frown forming into his face. “C-Change?” naguluhan naman si Lana sa sinabi nito. “Ang sukli nung one thousand bill, goddamnit!” he cursed again. Natakot naman kaagad si Lana sa biglang pagsigaw nito. Bigla naman niyang naalala ang sukli ng  one thousand. Oo nga! May sukli pa yung 1000 bill na ibinigay nito pero dahil sa pagmamadali niya, nalimutan na naman niyang kunin iyon! Oh my god, s**t. “K-Kukunin ko na lang ulit, sorry talaga.” Kinakabahan na siya. Talagang bayolente ito kung magalit. Kulang na lang ay bigla siya nitong susuntukin o kaya’y bugbugin. “Are you sure you’re an intellectual person, Ms. Tan?” he started and the tone of his voice was now becoming to be insulting. “If you are, then what shits are you studying then? Simple lang ang mga inuutos ko sayo pero hindi mo makuha. Are you really that stupid?” She knew she got insulted on what he just said. Napakajudgmental nito sa kanya. “Paano niyo mapapalago ang restaurant ninyo kung hindi niyo pahahalagahan ang bawat pera na nasa inyo? You always value the money whether it is a profit or not, Ms. Tan. In business, you can’t just gave everything to others!” he sermoned. Kulang na lang ay tadtarin siya nito ng saksak sa harapan nito. “S-Sorry, sir.” All she could said. Talagang hindi siya makakasagot sa kung anumang sasabihin nito. He really looked like a monster when he’s mad. “Bullshit,” he swore again. “I need you to give these damned documents to each of the department. Let the department heads sign each one of them and after that, get back here.” He added as he handed her the files she was going to give. Kinuha kaagad ni Lana ang mga iyon. “Now, get the f**k out.” He rudely said at kaagad lumabas si Lana mula sa opisina nito. Nang makalabas na si Lana mula sa opisina nito. She felt relieved. The nerve of that guy. Kahit gusto niyang mainis sa pinagsasabi nito sa kanya, she forced herself not to strangle him. Nakakainsulto kasi ang mga sinabi nito sa kanya. Konting mali e iinsultuhin ka na kaagad. Kung alam niya lang sana na ganun pala ang ugali ng lalake ay mabuti pang nagduty na lang siya sa ospital—nakakatulong pa siya sa mga pasyenteng nandoon na nangangailangan ng kalinga ng isang doktor. Then she remembered the packs of cigarettes na pinabibili nito. So he was a smoker? Mas mabuti nga kung ganun para magkasakit ito ng lung cancer. Lana just shook her head. Ano ba yung pinag-iisip niya? May kasalanan pa siya, sa kapatid nito, sa best friend niyang si Cheska. Sa totoo nga, kaya lang naman nangyari ang lahat ng ito dahil sa katangahan niya. It was her karma. “I’m so sorry, Cheska.” She uttered to herself as she went to the first department where she will give the document. --- Alas-otso na ng gabi na natapos ang lahat ng ginagawa ni Lana sa Corp. Sa dami ba namang ipinagawa sa kanya ni Chace, ang paglinis ng mga CR, pagfax ng mga documents, and so on, talagang matatagalan siya. Isali na ang mga insulto na sinasabi nito sa kanya sa bawat utos na pinapagawa nito. “Uhm, Sir, may ipapagawa pa ba kayo?” aniya rito nang makabalik na siya sa opisina. Inutusan kasi siya nitong ibigay kay Mr. Suason na isang board member ng corp, ang isang document. Tapos nasa kabilang bayan pa ang bahay nito dahil nagleave pala ito kaya kinalaingan niyang magcommute papunta roon. Then Chace turned his head at her. Nakatalikod kasi ito kanina na may hawak-hawak na wine sa isa nitong kamay. And by what she just saw, parang naglalasing ito. He flashed an evil grin. Napalunok naman si Lana. She knew it meant something bad. Is he gonna insult her again? “Can I ask you something, Ms. Tan?” he suddenly said and she nodded. “Why are you women, cheaters?” he suddenly blurted out. Napahinto naman si Lana sa sinabi nito. Pati rin naman siya ay nagulat sa biglaang tanong nito. “A-Anong p-pinagsasasabi mo?” she replied instead. Napansin naman niya ang pagyapak nito papalapit sa kanya. Now, she could even smell how drunk he was. Then her eyes grew wide when he help up her chin, she could now feel the hotness of his breath. “Don’t act as if you’re innocent. Bitch.” Then his aura just became dark. Parang hindi siya makagalaw nang nasa harapan niya ito. “I bet you’re not a virgin anymore.” He added as he traced his fingers into her neck. Biglang pinawisan si Lana sa ginagawa nito. Her body stiffened. “I know you want s*x, isn’t it?” By that, he ripped off her clothes. “Noo!!” tuluyan na nga naiyak si Lana sa ginagawa nito sa kanya at tinulak ito. Sumusobra na ito. She was still okay with him insulting her but what he just did was below the belt. “Fuck.” Chace cursed. Napatingin naman kaagad ito kay Lana na umiiyak pa rin habang nakayakap sa hubad na sarili. He could even now see the bra she was wearing. Napahilamos naman si Chace sa ginawa niya. He was drunk. “Get a spare clothes from the drawer behind you and get the f**k out here.” Dali-dali namang sinunod ni Lana ang sinabi nito at nilapitan ang malaking drawer sa likod niya. She then immediately got a white tshirt there and went out from his office. --- Tapos na ring magpalit ng damit ni Lana. Although she was still crying because of what happened, she needed to stand up by herself. Hindi pa rin siya dapat sumuko. Nasalubong naman ni Lana si Mang Jeffrey nang lumabas na siya sa Torres Corp building. “Lana, hija, o, anong nangyari?” anito nang makita siyang umiiyak. Napailing naman si Lana, “Wala ho manong, ano.. ang hirap pala ng trabaho rito.” Natatawang sabi niya. Mukha kasing nag-aalala talaga ang matanda sa kanya. “Hmm,” the old man smiled, “Ganyan talaga si Sir Chace minsan. Pero mabait yun. Pasensyahan mo na. May pinagdadaanan kasi iyon,” naguluhan naman si Lana nang ibinigay nito ang hawak ng nespaper. “Sige hija, kailangan ko pang bumalik sa loob.” Iniwan na nga siya nito. Binasa naman kaagad ni Lana ang newspaper na ibinigay nito sa kanya. Tess Sanchez, Chace Torres’ ex girlfriend, is now married. //
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD