Chapter 4 – Unpredictable

1816 Words
Chapter 4 – Unpredictable “Doktora!” “Janine,” bati ni Lana sa kasamahan niyang nurse na si Janine nang dumating na siya sa public hospital kung saan siya kasalukuyang nagduduty. Isa kasi siyang Post-Graduate Intern ng medicine. Next year, she will now start her residency years. “Kamusta na doc? Ilang araw na kitang di nakikita dito, okay na ba yung restaurant nung parents mo?” the lady asked. Sila kasi ni Janine ang medyo close sa ospital. Parang nakakabatang kapatid na niya ito, she was 25 while Janine was 22. Last year pa lang kasi ito grumaduate sa kursong Nursing. Lana forced a smile. Kahit nga siya, hindi rin niya alam kung may kasiguraduhang makukuha pa niya yung resto ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung talagang ibabalik sa kanya ni Chace Torres ang resto sa kanya. I’m sorry for last night. You can take an off right now. --Torres, CN Bigla naman niyang naalala ang tulips na ipinadala nito sa kanya kaninang umaga. Actually, she didn’t really expect na magpapadala ito ng bulaklak sa kanya, lalo’t pa sa nangyari sa kanila kagabi dun sa party. Akala ba niya, ayaw nito sa kanya? He even humiliated her in front of everybody. Ipinagmukha siya nitong kawawa. Oo, aminado siyang galit ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Cheska, but what he has been doing to her lately was beyond the belt. Naguguluhan siya kung bakit parang ganun na lang kalaki ang pagkamuhi nito sa kanya. Tapos kanina, nagulat na lang siya sa bulaklak nito at sa sulat nitong nagsosorry sa kanya na pwede rin siyang magday-off ngayon. She would say, Chace Torres’ personality is really unpredictable. “Hindi ko rin alam, Janine. Ewan ko ba. Hahaha.” Natatawang sabi niya rito kahit medyo naiiyak siya. Siguro nga, ito na yung mga kabayaran sa ginawa niyang pagtratraydor sa sarili niya mismong kaibigan. Pero nagmahal lang ako. “Doc, matanong ko, talaga bang magkamukhang-magkamukha sina Chris Torres yung artista saka si Chace Torres?” excited na tanong ni Janine sa kanya kaya natatawang napailing na lang siya. Alam kasi nito ang tungkol sa pagtratrabaho niya sa Torres Corp for her family restaurant. But she didn’t tell her everything about the deal between her and Chace. That’s why, alam nitong hindi siya medyo makakaduty sa ospital ng ilang mga araw dahil sa Torres Corp. Mamaya nga, magpapaalam pa siya sa Chief of Clinics para sa trabaho niya sa Corp. Then she suddenly thought Chris and Chace differences. Oo, magkamukhang-magkamukha ang dalawa. But the way Chace looks at her, it is always mere coldness. “Janine, ano ka ba.” Natatawang sabi na lang niya dito. “Eh kasi naman doc, ang sobrang swerte niyo! Kilala mo ang dalawa, naku kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makikita ng personal si Chris Torres! Dahil sa inyo, natupad na rin ang matagal ko ng pinapangarap.” Malanding tugon nito sa kanya kaya mas lalo pang natawa si Lana dito. Nang minsan kang binisita siya noon ni Cheska dito sa ospital, kasama nito si Chris Torres. “Janine, haha, sige na, pumunta ka na dun sa nakaassign sayong pasyente. Grabe ka.” Aniya dito. Janine pouted, “Sige na nga! ‘Di mo naman sinagot tanong ko. Sige, byeee!” Pero bago pa man ito makaalis, Lana quickly interrupted, laughing,  “Oo na, magkamukha sila. They’re both handsome.” She then winked. Pagkatapos ay tumalikod na rin siya. May pupupuntan pa kasi siyang pasyente sa public ward para mag-inject ng gamot dito. Pero ilang minuto rin ay napahinto na lang siya sa mga yapak niya. Then she saw him. She didn’t know what to act.. She was surprised to see him again. She was less expecting to see him right now. “G-Gino..” The man she less expected to meet this time. Oo, alam niyang parehas silang intern sa ospital pero magmula nung mangyari ang lahat ng iyon, hindi na niya ito medyo nasasalubong na. “Padaan.” Malaming na sabi nito sa kanya kaya naman umatras siya at pagkatapos, dumaan na rin ito at nilagpasan lang siya. Medyo nagulat naman si Lana sa inasal nito. Sa tinging ibinibigay nito sa kanya kanina, alam niyang galit din ito sa kanya. Nasasaktan na naman siya. Bakit ganun na lang ang pakikitungo ng lahat sa kanya? Hindi lang naman siya ang may kasalanan, tao rin naman siya, nagkakamali rin. Hindi naman nila alam ang buong kwento sa mga nangyari pero ganun na lang ang iba kung makahusga sa kanya. --- “Denise, yung report na ipinatype ko kay Ms. Tan, natapos ba niya?” Chace was walking fast in going to the conference room as he was also buttoning his suit properly. Medyo nalate kasi siyang nagising kanina and now, aminado siyang sumasakit ang ulo niya dahil sa hangover niya. The meds he took this morning was not still effecting. Kagabi kasi, pagkatapos ng party, naglasing na naman siya. Well, he was wasting himself every night. No, let that be everyday. Ewan ba niya, kahit alam niyang nasa kanya na lahat, he felt his efforts and time were not enough. “Ah,” medyo natakot naman si Denise nang nilingon niya ito. He was used to it, whenever he would call an employee, lagi itong nanginginig o kaya kinakabahan ‘pag kaharap siya. Of course, he was strict and serious, that’s why. Para kasi sa kanya, dapat laging tama at maayos ang isang trabaho--because for him, every employee’s work is important for the Corporation’s state. “Oo, Sir Torres, natapos naman niya. Nasa usb po lahat.” Her secretary was stammering. Binigay na kasi nito ang usb kung saan nakalagay ang report na ipapakita niya ngayon sa board meeting. Bigla naman niyang naalala si Lana, he bet she’s enjoying her day-off now. Although he hates her guts, pero nang mangyari ang lahat ng iyon kagabi, when he looked into her eyes, he knew there was something in it, he just could not explain it well what was it. But he was not yet done. He is not really done with his business to her. “Good, help me set everything up and encode everything that we will talk about, the usual thing, you know that.” He instructed her at parehas na nga silang nakapasok sa conference room. --- “Yes, thank you Mr. Relampagos for the sales department initial report. Now, let’s see the overall report for the corporation.” Aniya ni Chace at ipinakita na sa lahat ang report gamit ang projector. As usual, siya ang nangunguna na sa board meeting nila. Their monthly board and deparment meeting. “Wait..” kumunot naman ang noo ni Chace sa nakikita niya sa report. “What the f**k?” he cursed, not minding with the board members and the department heads' reactions with his words. Talagang napapamura siya. Akala ba niya maayos ang pagkakagawa ng report? Puro mali ang nakalagay sa report na ipinagawa niya kay Lana. The woman all encoded that the corporation sales are getting low even though in the reality, they were getting higher than always.   “S-Sir?” bigla namang nagsalita si Denise na nasa gilid lang niya. “Denise, cancel our boardmeeting.” Aniya saka napahilamos na lang sa mukha niya. Ang sakit na nga ng ulo niya, dumagdag pa itong mali-maling report na ginawa ni Lana. That woman is now really getting into his nerves. ---   “Denise, a-ano? Anong nangyayari?” tanong kaagad ni Lana nang dumating na siya sa Torres Corp. Bigla kasi siyang tinawagan ni Denise na pinapapunta raw siya ng CEO sa opisina. Kaya nga kahit magrorounds pa sana siya sa ibang mga pasyente sa ospital, pumunta siya kaagad dito. Naguluhan nga siya biglaang pagtawag ni Denise sa kanya, ramdam kasi niyang may nangyaring masama. “Lana, si Sir,” parang naiiyak na sabi nito sa kanya. “Yung report na itinype mo, may mali.” Medyo nagulat naman si Lana sa sinabi nito. Naalala naman niya ang ginawa niyang report kahapon. Pero akala ba niya okay na ang lahat ng iyon, ginawa naman niya ang lahat na sinabi nito. Napansin naman ni Lana na naiiyak na si Denise, “Denise, a-ano, pinagalitan ka ba niya?” pag-aalala niyang tanong dito. Alam niyang kasalanan niya nang mangyari iyon. Tumango naman ito, “Sinabihan niya ako kung bakit daw hindi ko man lang nireview ang report.. pero kasi.. diba pag tinulungan kita, parehas niya tayong papagalitan..” Hindi naman alam ni Lana kung anong sasabihin niya rito, “I’m so sorry, Denise. I’m so sorry, sige papasok na ako.” Then Lana quickly entered the CEO’s office. Her heart is really now beating fast. Alam niyang iinsultuhin na naman siya nito sa kamaliang ginawa niya. “Sì. Sì. Signore, io vi assicura la migliore per la vostra azienda. Sì. Sì. Ci sarà probabilmente signore. Sono al cento per cento sicuro che ci si può fidare nostra società…” Nakapasok na nga si Lana sa opisina nito. Napansin naman agad niya si Chace na nakatayong nakatalikod sa kanya habang may kinakausap ito sa telepono. And the way he’s speaking now, wala siyang maintindihan. He was speaking another language and by the looks at it, he seemed he was really busy in answering the call. “Noi non vi deluderemo. Sì, e vi ringrazio molto, signore. Ci incontreremo al ristorante.” After that, he ended the call and turn his head at her. Napalunok kaagad si Lana nang bigla siya nitong nilingon. Ang sama kasi ng tingin na ibinibigay nito sa kanya, the way he looked at her, as if he’s gonna chop her body off into pieces. Ganun na ba talaga kalaki ang nagawa niyang kamalian? “Your report. Everything was wrong.” He said matter-of-factly, raging eyes still piercing at her. “Uhm..” kinakabahan na talaga siya. She was now thinking the worst things that could’ve happen now because of it. Parang susunugin na siya nito ng buhay. “You filled up the wrong portions. I instructed you clearly what to do and what to not.” He added. She knew, he was really mad about it. “Y-Yes, sir.” Napayuko na lang siya, “I’m so sorry sir.” “Fuck.” He cursed and Lana immediately flinched. Ipinikit na lang ni Lana ang mga mata niya. Ipapalabas na lang niya sa tenga niya ang mga insulto na naman nito sa kanya. “Lana.” He called her again as she quickly opened her eyes. “Y-Yes, sir?” “Come with me. We will visit your family’s restaurant.” He suddenly said.  //
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD