Thea's POV Nagulat ako noong biglang tumakbo si Kai papunta kay Aria just to hug her tightly. Don't get me wrong. Wala akong gusto kay Kai o kaya naman kay Fire dahil noon pa man ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko lalabagin ang rule ng elemental world. Para sa akin kasi, it's being selfless. At kapag sinuway mo 'yong rule na 'yon, para sa akin, napakamaka-sarili mong tao. I have mentioned before na sa history ng elemental world, no one dared to break the primary rule. It's been a mystery kung paano mamamatay ang sino mang lalabag sa rule na 'yon. Sabi sa akin ni Ciero noon, mas maganda na raw na hindi alam ng elemental people kung paano sila mamamatay so that they can think about the worst at para hindi na rin nila gustuhin na labagin ang rule. Sino ba naman ang gustong mamatay, '

