Kai's POV Mukhang malabo na yatang magkasundo sina Fire at Aria. To be honest, hindi namin sila maintindihan ni Thea. Fire is a serious type of guy. Bihira mo makitang ngumiti. Tipid kung magsalita. Pero kahit napakaseryoso niya, hindi siya pumapatol sa babae. Hindi siya naiinis kapag inaasar siya ni Thea. Hindi siya nagagalit sa akin kapag maingay kaming dalawa ni Thea. But he became different since we've been here in Yoso. Or should I say, since he met Aria. "That girl is really getting into my nerves! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng kauri natin, baka kanina ko pa siya sinunog!" he said while gritting his teeth. Tinitingnan ko lang siya habang tahimik akong umiinom ng kape ko. Kung tinatanong ninyo kung nasaan si Aria, inilibot na muna siya ni Thea sa Yoso para na rin kumalm

