Aria's POV
I am fond of watching different kinds of f*******n love stories. 'Yong tipong buwis buhay. Like 'yong tao na maiinlove sa demonyo. O kaya naman mahirap na maiinlove sa ubod ng yaman. O 'di naman 'yong chinese, maiinlove sa pinoy. Tomboy na maiinlove sa babae. Bakla na maiinlove sa lalaki. Tao na maiinlove kay Malleficent. 'Yong tipo ng lovestory na against all odds, na kahit anong bomba o dinamita ang itapon e hindi sila papatinag, they will still end up together. Gano'n naman sa movies 'di ba? Kaso, hindi na movies ito. Totoo na 'to.
So gano'n? Hindi pala pwedeng mainlove sa ibang Kingdom? Paano na ang umuusbong na pagpapantasya ko kay Kai?!
"Meron na ba sa history ng elemental people ang sumuway sa rule na 'yan?" I asked Thea.
"Based sa pag aaral ko ng history, wala pang nagtangkang labagin 'yong rule na 'yon. Aria, you have to listen to me, we are responsible in maintaining the balance of the world. Just imagine how it will affect the human world kapag sinuway 'yong utos. 'Yon lang naman ang pinakarule sa lahat," she said. Pero naisip ko, ang unfair. Paano kung sa iba ka nainlove? Give up agad? Hindi man lang lalaban? Suko na agad-agad? Ay nakakaloka naman ito!
"Kung gano'n pala, dapat hindi na nila pinagsasama-sama lahat ng elemental people para masecure na wala talagang maiinlove sa ibang kingdom," I replied. Medyo natawa si Thea sa sinabi ko.
"Kung gano'n ang gagawin, edi paano tayo magtutulungan sa pagbalance ng mundo? Sama-sama tayo dito because we need to work it out together. Hindi pwedeng puro tubig lang o puro hangin. We have to combine the elements that we have. Kaya pansin mo, bawat grupo, mayroong air, water, fire at earth." Ah. Gano'n pala. Okay lang 'yan, Aria. Wala ka kasing alam! Kaya magtanong ka lang nang magtanong.
"Okay lang 'yan, Aria. You can ask each of us. We will answer your questions to the extent of what we know."
"Wait, may isa pa akong tanong."
"Go ahead."
"Kailan ko makikita ang tatay ko?" 18 years ko nang hindi nakikita ang tatay ko. I am curious kung ano ba ang itsura niya. Kamukha ko kaya siya?
"Well, that's the disadvantage of being a son or daughter of a God or Goddess. We are not able to see them. We can hear and feel them pero hindi natin sila pwedeng makita." Say what?! Bakit hindi? Bawal din makita pati magulang?!
"Why not?" tanong ko kay Thea.
"Wala naman kasing nakakakita sa Gods and Goddesses, Aria. Nakalagay 'yon sa book of elemental. Kasama kasi 'yon sa pagbalance ng mundo. 'Yong unidentified ang Gods and Goddesses." Biglang nawindang ang thyroid gland ko dahil sa sinabi ni Thea.
"Walang nakakakita e paano nabuntis ang nanay ko?! At ikaw, nanay mo si Agua 'di ba? Edi siya ang umire sayo. Ang weird naman ng sinasabi mo." Natawa si Thea dahil sa kachorvahan na sinabi ko.
"Nakakatuwa ka, Aria. Oh well, according to Ciero, head of the Sui Kingdom, my mother delivered me through water. Nakita na lang daw nila ako na inaagos ng Agua river papunta sa Sui Kingdom. That's it. No trace of my mother. Pero nasa prophecy na may batang dadalhin ang Agua river at papangalanan na Eidothea at ako 'yon, Aria," she said and she smiled. Grabe! Ano daw? Inagos siya ng Agua river?! Ay ang taray naman! Hindi man lang ba siya nalunod o kung ano pa man?! Anak nga siya ni Agua 'di ba? Water person siya! Malamang hindi siya malulunod! Kaloka ka, Aria!
"Paano ka nakakasiguro na hindi ka anak ng ibang water people? I mean, hindi ko pinagdududahan na ikaw ang anak ni Agua, but what if there were lots of babies na ipinaagos sa Agua river noong panahon na 'yon?" I asked out of confusion. Nakakakulot ng bangs ang mga nalalaman mo, Aria.
"Exactly. Anak lang ni Agua ang may kakayahang maiagos ng Agua river. Not all water people, Aria," she replied.
"May gano'n? Nakakaloka talaga ito. Information overload talaga. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko." Buti pa sila, matagal na nilang alam ang true identity nila. Wala nang adjustments na dapat gawin. E ako? Hanggang ngayon nga, iniisip ko na nananaginip pa rin ako e.
"Take it easy, Aria. Everything will be fine. We're here to help you," she said. Medyo natuwa ako kasi may friend na agad ako dito. Kasi kung iisipin, baka natuyuan na ako ng dugo kung si Fire lang ang makakasama at makakausap ko.
"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Fire?" tanong ko sa kaniya. Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig pero nagulat ako no'ng 'yong tubig mismo ang lumapit sa baso ko.
"Wag ka nang tumayo," Thea said. I can't say a word. Whoa! Is this real?!
"Ano nga ulit 'yong tanong mo?"
"Sabi ko, paano kayo nagkakilala ni Fire? Malapit lang ba ang water at fire kingdom?"
"Ang elemental kingdoms ay isang malaking compound. Siguro 4 times ang laki dito sa Yoso Academy. Nandoon na lahat ng kingdoms." Wow! Four times ang laki sa Yoso? Seriously?!
"Mas maaga kasi kaming natrain sa elemental kingdoms lalo na kami nina Kai at Fire kasi lahat ng kapangyarihan sa kingdom na kinabibilangan namin ay kaya naming gamitin. Kaya madalas kaming nasa battlefield. Well, as of you, kaya mo rin gamitin lahat ng kapangyarihan na meron sa air kingdom. 'Yong normal na elemental people, 2-3 different kinds of powers lang ang kaya nilang imanifest. May tanong ka pa ba?"
"Bukas na lang ulit. Sumasakit na ang ulo ko sa mga sinasabi mo." Seryoso, literal na sumasakit na ang ulo ko.
"Masakit ang ulo mo? Kai!" She exclaimed. Lumabas si Kai na nakajogging pants at white na shirt. Ang gwapo talaga! Nako, Aria! Umayos ka! Baka mamaya, mainlove ka dyan! Bawal!
"Bakit, Thea? May problema ba?" he asked and he looked at me. Pakiramdam ko nagblush ako. Ang gwapo naman kasi e. Okay na sana kung mukha siyang isdang bato pero hindi e.
"Masakit ang ulo ni Aria." Hala! Kailangan pa bang sabihin 'yon kay Kai?!
"Ganun ba?" Lumapit sa akin si Kai. Jusko! Ang bango! Parang hihimatayin na ako. Landi mo, Aria!
"Don't worry, Aria. Kai has a power to calm the cells in our body. He can make you feel relaxed. Baka kasi na-stress ka na sa mga nalalaman mo kaya natrigger ang headache mo. Kai will help you. After that, take a rest. We still have three years here in Yoso before we go back to the Elemental kingdoms," Thea said at pumasok na siya sa kwarto niya. Hala! Bakit nya kami iniwan ni Kai?! Baka bigla ko nalang gahasain ito. Jusme, Aria! Ang harot mo!
"Are you okay?" he asked at nagkapalit-palit na ang mga lamang loob ko sa kilig.
"Okay lang naman ako. Itutulog ko lang to then bukas wala na," I said.
"Just take a seat. Umupo ka muna and relax yourself. Don't think first." Hinihilot niya ang ulo ko. Aba. Albularyo ba 'to o ano?
"Hey, sabi ko kumalma ka. Masyadong kabado ang body cells mo. Are you sure that you're okay?" Kasalanan mo kung bakit kabado ang body cells ko! Kinikilig ako!
"Okay lang talaga ako," I told him. Kinuha niya 'yong upuan sa tabi ko at humarap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Aba naman?! May holding hands agad? Kinikilig na talaga ako! Haha
"It can calm your cells," he said habang pinipisil ang kamay ko.
"Happy birthday pala," sabi niya.
"Salamat. Happy birthday din."
"Thanks. I am three hours and 24 minutes older than you." Aba! Paano niya naman nalaman?!
"Nagtataka ka kung paano ko nalaman? I am the son of Tierra. Goddess of earth. I have a control in the nature even in the human world kaya may idea kami about you, Aria." Ay naman! Kinilig ako. Parang stalker lang kita, Kai. Gano'n?
"Gano'n pala. Buti pa kayo may idea about sa akin samantalang ako, nganga. Sa tv ko lang napapanood ang ganito e. 'Yong si Percy Jackson, son of Poseidon, God of the sea." Kai just smiled at me.
"You're beautiful, Aria." Huwat?! Hanubayan! Wag ka namang ganyan, Kai. Naghahyperventilate na 'ko dito oh! You are supposed to calm my cells!
"Grabe naman sa pagsabi ng beautiful. Mas maganda si Thea. She looks like a real Goddess." O 'di ba. Humble kunwari.
"Yeah. Thea is beautiful but for me, you are more beautiful. Dati kasi iniisip namin kung ano'ng itsura mo. Since you are the daughter of Aire, we assume that you are far beautiful than anyone else. Air people are the elemental people of Beauty. Hindi mo ba alam 'yon?" Hala! May gano'n? E ano si Thea?
"Water people represent wisdom. Earth people represent strength. And Fire people represent courage." 'Yong totoo, Kai. Nababasa mo ba ang naiisip ko?
"Yes. Nababasa ko." What the heck?! Halos tumambling ako sa inuupuan ko dahil sa sinabi niya. Kanina pa niya nababasa ang iniisip ko?! So nabasa niya rin na pinagnanasaan ko siya?! AY SHETE!
"Don't worry. Hindi naman kita tutuksuin na may gusto sa akin kasi hindi 'yon pwede, Aria. Sige na, matulog ka na. Goodnight." Nakakahiya ka, Aria! Pumunta na siya sa pinto ng kwarto niya pero bago niya 'yon buksan, humarap muna siya sa akin.
"No matter how much I wanted to love you, I just can't. Tama na sa akin 'yong makakasama kita. I am happy to finally see you, Aria," he said before he went inside of his room. Hanudaw?!