ISANG mahinang katok ang gumambala sa pagsesenti ng mag-asawa. “Bakit?” walang kabuhay-buhay na tanong ni Steven. Yakap pa rin ang asawa. “Kuya, nasa baba si Andrew hinahanap ka,” boses ni Monalisa. “Sige susunod na ako,” sagot niya sa kapatid. “Sige kuya, bilisan mo ha,” saad ng kapatid. Rinig pa nila ang munting tawa nito. Binitiwan ni Steven ang asawa. Para sa kanya ayaw na sana niyang umalis mas gusto na lang sana yakapin si Nathalie sa magdamag. Masakit nangako pala siya sa kaibigan kaya no choice talaga siya kun ’di ang umalis. “Baba muna ako. Kapag inantok ka na, h'wag muna akong hintayin mauna ka ng matulog okay,” bilin ni Steven sa asawa. Ngunit sumimangot si Nathalie saka nagpapadyak patungo sa kabilang side ng kama. “Bakit ka pa baba? ’Diba honeymoon natin ngayon, nak

