DAHAN-dahan ang ginawa niyang paglakad patungo sa kuwarto. Pagkarating roon inilapag niya si Steven sa papag na may saping foam. Agad niya itong hinubaran ng sapatos, damit at saka pantalon. “Hmm, baby!” lambing ni Steven sa kanya. “I’m sorry ha, kasi lasing ako. Sorry na talaga, mahal na mahal kita. Please for give me.” Hinawakan ni Nathalie ang pisngi ng asawa naramdaman pa niya ang mga patubong balbas sa panga ni Steven na tumusok sa kanyang mga palad. “Napatawad na kita, matagal na. Mahal na mahal ka namin ng mga anak mo.” Hinalikan niya ang labi ng asawa. Isang mapusok na halik ang iginanti ni Steven. “I love you, Nath.” “I love you more, Steven,” lambing niyang sagot. Sabay higa sa dibdib ng asawa. Sinuklay ni Steven ang buhok ni Nathalie na nakasabog sa kanyang dibdib at sak

