DAHIL pauwi ang magulang maagang bumangon si Nathalie para personal na asikasuhin ang mga ito. Pagdating niya sa kusina nadatnan na niyang nagkukuwentuhan ang kanyang mama at si Aling Elena. Binati niya ang dalawa saka nagtimpla ng sariling kape at umupo sa kabilang side ng lamesa. “Oh, anak ang aga mo namang nagising?” tanong ni Aling Luisa. “Gusto ko po sana kayong ipagluto. Kaso mas mauna pa pala kayo sa ’kin. Ang totoo po, natulog po ba talaga kayo o nagkuwentuhan lang magdamag?” biro ni Nathalie sa dalawa. “Natulog naman kami anak,” si Aling Elena ang sumagot. Tumawa si Nathalie. Nang umakyat kasi sila kagabi naiwan pa ang dalawa na nag-uusap sa sala. ’Yong tipong wala ng bukas kung makapag-usap. “Akala ko lang ho kasi, ’di kayo natulog.” Alas-nuebe ng umaga ng dumating ang ka

