AFTER two days tuluyan ng gumaling si Nathalie naging masaya rin siya nang ibalita ng doctor na puwede na siyang umuwi. Kaya pagkatapos ang huli niyang check-up agad inasikaso ni Steven release paper ng asawa. Batid niyang nami-miss na ng kaniyang misis ang kambal. “Wala ka na bang nakalimutan?” tanong ni Steven sa asawa habang nakasubit sa balikat ang duffel bag at ang isang kamay nakaalalay kay Nathalie. Ngumiti si Nathalie sa asawa at bahagyang hinaplos ang pisngi nito. “Wala na.” “Kung gano’n tara na. Sigurado inip na inip na ang isang anak natin, noong isang araw pa raw kinukulit si Jossel kung kailan tayo uuwi.” kuwento ni Steven. Naglalakad sila sa kahabaan lobby ng hospital. “Magtaka ka pa. Saan pa magmana ’yon? ’Di sa tatay na makulit.” nakangiting sagot ni Nathalie sa asawa.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


