PWEDE nang pigain ang hawak na panyo ni Vivianne kahit kakasimula pa lang ng graduation march. Hindi nito alintana ang mga nakakakita, iniisip niya na lang na tiyak magiging ganoon din ang iyak nila kung sila ang nasa sitwasyon.
Hindi naging madali ang apat na taon, kailangang maging kalmado—kailangang ituon mo lang ang sarili mo sa leksyon kahit maraming problema sa gastusan ang dapat isipin. Kailangan niyang ituon ang atensyon sa leksyon ng guro kahit pilit na iniinda ang pagkalam ng tyan niya.
Ilang beses niyang itinawid ang eksaminasyon ng walang tulog dahil kinailangan nitong tulungan sa paglalabada ang ina.
Iilan lang iyon at paniguradong sobrang kagalakan din ang nabigay ni Vivianne sa mga magulang.
Nagsimula sa pangarap na ngayon ay onti onti na niyang natutupad.
Sino ba ang mag aakalang ang Qualified Below Quota noon ay aakyat sa entablado para isuot ang medalya biglang Magnacumlaude.
She can't help but to cry. Iyon na lang siguro ang kaya niyang isagot sa lahat ng congratulations na natatanggap niya.
Nang magsimula ang programa, doon lang rin nakakalma si Vivianne. Pinukos kasi nito ang paghahanap sa dalawa nitong kaibigan na mukhang malabo ring mangyari sa sobrang daming taong naroroon.
Nanlaki ang mata ni Vivianne dahil sa pagkamangha noong tawagin sa stage si Khlar Romero, matatandaang ilang beses niya na rin iyong nakasama dahil kay Jae.
Hindi niya maiwasan ang paghanga, grumaduate na ito dalawang taon na din ang nakararaan. Nakakuha ng award na katulad kay Vivianne at nag Top 1 agad sa Licensure exams. Pagkatapos ngayon ay nasa harapan na ng marami para magbigay ng personal nitong talumpati.
Hindi talaga siya mapakali. Naalala niya pa noong una nilang makilala si Khlar dahil kay Jae, tahimik lang ito. Halos hindi umiimik at madalas nakikitawa lang kaya sino ang mag aakalang ganito ang aabutin ng lalaking ito.
It was a brief but concise speech. Naalala na naman tuloy ni Vivianne ang mga pinagdaanan niya.
Kaya naman nang makuha nito ang diplomang inaasam asam ay para na itong tumalon sa tuwa. I'm on the top of the world. Gagad pa nito sa isip.
Iba talaga sa pakiramdam kapag alam mong deserve mo ang isang bagay dahil sa pinaghirapan mo iyong makuha.
"Viv! God, I'm so proud of you!" Napasigaw pa si Red ng makita siya, alam niyang maging ang mga kaibigan ay masaya para sa nakuha.
"See? See! QBQ ka lang noon." Dahil sa narinig ay nagsimula na namang mangilid ang luha niya, naalala ang lahat ng pinagdaanan nilang magkakaibigan.
"Naalala ko pa, halos mawalan tayo ng pag-asa noong nakita pa lang natin 'yung pila." Bumungkaras si Jae na sinundan din naman agad ng dalawa.
"Ay ako!" Natatawa pa noong nagsalita si Red, "Naalala ko pa noong nag eskandalo 'to sa CENG!"
Sa pagkakataong iyon, dalawa na lang sila ni Red na tumawa dahil tuluyan nang nulukot ang mukha ni Jae.
"Pero atleast, nahanap na ang bebe boy." Hindi halos makapaniwala si Jae na nagawa pang gatungan ni Vivianne ang naunang kaibigan.
Mayamaya ay umirap na ito, "Gabi na. Pahinga na kayo, bukas yari kayo sakin." Tumalikod na si Jae, tinungo ang kanina pa nag aantay sakanyang mga magulang.
"Yari daw tayo? Baka siya!" Hinarap ni Red si Vivianne noong silang dalawa na lang ang naroon. "Viv, I'm really proud. You deserve it."
Nagulat si Vivianne sa pagiging seryoso ng kaibigan pero mas nagulat ito nang nagawa siyang yakapin ni Red. Iyon ang unang pagkakataon!
"Ganito pala pakiramdam ng yakap ng isang Red Valen—aray!"
Paano naman kasi, nang sinabi iyon ni Vivianne ay agad iyong kumalas sa yakap at walang sabi sabing binatukan siya. "Hindi mo na lang dapat pinansin! Nakalimutan ko na nga eh."
Nagtawanan muna ang dalaga at nagkulitan pa ng ilang minuto bago tawagin si Red ng mga magulang at magpaalam sakanya.
Madaling araw na iyon natapos, nang mag isa ay saka pa hindi mahagilap ni Vivianne ang mga magulang.
Nasaan naman marahil ang mga iyon?
Parang nawawalang kuting pa siyang naglalakad sa lugar, hindi mahanap ang mga kasama noong may biglang humigit sa mga braso nito.
Sa pag aakalang kapatid ay agad niya iyong tinampal pagkaharap, "Kanina ko pa kayo—"
Muntik na siyang malagutan ng hininga sa pormal na lalaking nakita, malaki ang itinangkad nito at malaki rin ang pinagbago sa itsura.
"Dirk."
Sa isang iglap, lahat ng alaalang inilibing na ni Vivianne ay agad agad na bumangon. Hindi niya halos maisip kung saan galing dahil tila ba nag uunahan pa ang mga iyon.
"Viv—"
Agad nitong pinilit ang mga paang tumakbo at umalis sa lugar. Tatlong taon! Tatlong taong parang bulang nawala si Dirk, pagkatapos ay babalik ito ngayon na animo'y walang nangyari at maayos ang lahat?
Hindi, ayaw ko siyang makita.
Sa ganoong kaisipan ay mas lalong binilisan ni Vivianne ang lakad at agad na napairap sa kawalan noong higitin na naman siya ng binata.
Fine, mukha namang hindi ako nito titigilan.
"Vivianne—"
"Anong kailangan mo?" Kailangan niyang madaliin ang pag uusap. Bukod kasi sa ayaw siya sa kaharap, malamang ay hinahanap na rin siya ng mga kasama.
"Viv, congratulations!" Pinaningkitan niya ng mata ang kausap, unbelievable.
Nang mapansin naman iyon ni Dirk ay agad itong naghanap ng mga salita, tila nakalimutan nito ang totoong pakay sa dalaga.
"A-Andito ako para magpaalam." Mariin nitong inantay ang sasabihin ni Vivianne habang nakayuko kaya ganoon na lang ang gulat nito nang bumungkaras ng malakas na tawa ang dalaga.
Nagulat siya doon, masyado rin kasing malakas dahilan para magtinginan sa kanila ang iilang taong malapit doon.
"Wh–huh? What? Iyan ang pinunta mo?" Naguluhan siya sa sinabing iyon ni Vivianne kaya matagal itong matahimik. "Magpapaalam ka?"
Matiim lang akg titig niya sa babae nang pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Hindi ba matagal ka nang umalis? Hindi ka rin naman nagpaalam noon."
Nagisismula nang mairita si Vivianne, bumabalik ang lahat ng galit na pilit na kinalimutan para sa kaharap. "Okay, Mr. Rangasa. Kung wala ka ng ibang sadya sa akin, let me leave. Nang sa ganon, kahit isang beses lang—ako naman ang mang iwan."
Eksaherada niyang tinalikuran ang binata, aambang lalakad noong magsalita pang muli ito. "Papasok ako sa Philippine Army—"
Kahit saan ka pa pumasok, siguradong wala akong pake. "—gusto ko lang ipaalam."
"Wala akong gustong alamin ni isa tungkol sa'yo, Dirk." Iyon na ang huling sinabi niya sa binata bago magtuloy tuloy ng lakad palayo roon.